Nakakainis na apat na araw na akong nandito sa kwarto ko mula nang mawalan ako nang malay at hindi pa rin ako makalabas. At sa apat na araw na iyon ay hindi pa rin nagpapakita sa akin si Marco. Sinusubukan kong lumabas kaso may mga bantay naman sa pinto ng silid ko. "Bella, kumain ka na dinalhan na kita ng pananghalian mo," wika ni nay Selda. "Nay Selda, gusto ko pong lumabas nakakainip dito sa kwarto ko," wika kong nakikiusap. "Hija, bawal ka munang lumabas ngayon," turan nito. "Bakit ba ayaw akong palabasin ng lalaking iyon?" tanong ko. "Mag pahinga ka raw muna Bella, iyon ang bilin niya at huwag ka munang lumabas ng iyong silid, sundin mo lamang siya Bella. Nakasimangot akong tumingin sa labas ng bintana. Paano ako makakaalis kung hindi ako makalalabas ng silid ko. Tumingin ul

