Tatlong araw na hindi ako kinakausap ni Marco. Kahit na magkasalubong kami ay nilalampasan lamang ako nito. Kaya medyo nakardam din ako ng inis sa lalaki. Saka hindi naman sobrang laki ng kasalanan ko kay Marco para hindi ako kausapin. Patigasan na lang kami nito. "Ano'ng ginagawa mo rito sa labas ng bahay Bella?" tanong sa akin ni Nay Selda. "Gusto ko lang po mag pahangin dito Nay Selda," magalang na sagot ko sa matanda. Narinig kong nagbuntonghininga ito. At tila may pag-alala sa mukha. Hanggang-ngayon ba ay hindi pa rin kayo nagkakaayos ni Marco?" tanong nito. "Hindi pa po Inay Selda," sagot ko. Pagpasensyahan mo na lamang si Marco, ha. Minsan talaga ay sumpungin iyon. Bella sana ay huwag kang bibitaw," pakiusap nito. May hangganan ang pagpasensya ng tao, Nay selda," malungkot

