"Nanay Selda, umalis na po ba si Marco?" tanong ko. ''Hindi pa siya lumalabas Bella at baka natutulog pa," sagot nito sa akin. "Pupunta lang po ako sa kwarto niya. May sasabihin po kasi ako," anas ko. "Sige Bella," tugon ni Nanay Selda sa akin. Sa ilang mga linggo na nandito ako sa bahay ni Marco ay ngayon lamang ako makakapasok sa silid nito. Pagtapat ko sa pinto ay marahan akong kumatok. Ngunit walang tugon mula sa loob. Kaya marahan kong itinulak ang pinto, mabuti na lamang at bukas ito. Pumasok ako sa loob ng silid nito, malalaman agad kung lalaki ang mayari ng silid dahil sa kulay nito. Kahit naman may nangyayari na sa amin ni Marco ay magkabukod pa rin kami ng silid. Napabaling ako ng tingin sa isang picture frame kaya agad akong lumapit upang matitigan itong mabuti. Sa biglang

