Lumabas ako ng banyo at nakita ko si Marco na umiinom ng alak at hindi pa rin maipinta ang pagmukha nito nang tumingin sa akin. "Mukhang may sumpong ka pa rin, Mr. Clayton," puna ko rito. Ngunit tahimik pa rin ito at pinagpatuloy ang pag-inom ng alak. Umiiling na lamang ako rito at naglakad papunta sa kama. Ngunit bigla akong napalingon dito nang ibagsak nito ang baso. "Hindi ka marunong sumunod sa pinag-usapan natin Bella!" asik nito sa akin. "Ha?" tugon ko. "Ang usapan natin ay hindi mong hahawakan si Edgar. Pero sinuway mo ako!" bulalas nito. "Hindi ko naman hinawakan, aahh!" singhal ko rito. "Anong hindi? Kitang-kita ko nga kung papaano ka niya hinawakan sa bewang!" galit na wika nito. "Mr. Clayton, hindi mo naman kasi pinaliwanag ng maayos. Ang sabi mo lang huwag akong hahawa

