Midnight Lover 31

1277 Words

Kinabahan ako nang tinanggal ang kumot sa aking katawan. Siguradong magagalit ulit sa akin si Marco. Tumingin ito sa talampakan ko. Nagulat nga ako ng malakas itong magmura. "F * ck Bella! Anong nangyari riyan sa paa?!" malakas na bigkas nito na kinagulat ko. "Aahhh...w-wala iyan Marco...ano...kaunting sugat lang naman iyan," wika ko. "Paano mo nasabing kaunting sugat lamang iyan, Bella? nag-iisip ka ba?!" Gusto kong maiyak dahil sasama ng loob ko kay Marco. Nag-aalala nga ito pero masakit pa rin kung magsalita sa akin. Hindi ako nagsalita ngunit nakita kong may tinatawagan ito sa kanyang cellphone. Naroon pa rin sa mukha nito ang galit sa akin. Nang matapos itong makipag-usap sa kanyang cellphone ay lumapit muli sa akin at sinuri ang aking paa. "Masakit ba?" tanong nito na may pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD