Nagising akong masama ang aking pakiramdam. Bigla rin akong tumingin sa aking paa at nakita kong namamaga na ito. Tinatamad tuloy akong bumangon. Mabuti na lamang at makapal ang kumot kong gamit kahit papaano ay hindi ako nilalamig. Ipinikit ko na lamang ulit ang aking mga mata upang matulog. Mamaya na lang ako lalabas upang mag-umagahan. Nagising lang ako sa magkatok sa pinto ng aking kuwarto. Kaya marahan akong tumayo. Sobra nang namamaga ang aking paa. Pero kailangan kong buksan ang pinto. At pagbukas ko ng pinto ay ang bulto ni Nanay Selda ang aking nabungaran. "Bella, kumain ka na muna, alam kong kagabi ka pa hindi kumakain," may pag-alala santinig nito. "Puwede po bang magpahatid na lamang ako ng pagkain dito sa aking kwarto. Medyo tinatamad po kasi akong bumaba," wika ko rit

