Halos kapusin ako nang hininga sa aking pagtakbo makalayo rito. Lumabas ako ng bahay ni Marco. Jusko po siguradong malalagot ako oras na mahuli ako. Nakita kong may mga dumating na sasakyan mukhang may bisita si Tandang Marco, ahh. "Oohhh, hija bakit ka nandito?" tanong ng isang matandang babae. "Nagpapahanging lamang po ako," tugon ko. "Tawagin mo na lang akong Nanay Selda, ako ang katulong diya sa bahay ni Lord Marco." "Bella po ang pangalan ko," pakilala ko. Tinitigan akong mabuti sa aking mukha. "Diyos ko Bella, may pagkahawig kayo. Ang kaibahan lamang ay mas bata ka sa kanya!" bulalas nito. "Ho! Sino ho ang sinasabi ninyong kamukha ko?" tanong ko sa matanda. "Kay Lord Marco, mo na lang itanong hija, ayaw kong manggaling sa akin." "Sige po," sagot ko. Naalala kong may nagsa

