Walang pag-aalinlangan tumalon ako sa ilog hindi ko inisip na malalim ang tubig dahil marunong naman ako lumangoy. Tatlong oras na akong naliligo rito sa ilog nang maramdam ko ang hapdi ng sikat nag-araw sa aking balat. Sa tingin ko'y ala-una na ng hapon. Pero wala pa akong balak na umuwi. Naiinis pa rin ako kapag niisip ko ang pagmumukha ni Marco. Lalo na doon sa babaeng kasama nito. Kaya patuloy pa rin akong lumalangoy sa ilog. Inabot pa ulit ako ng isang oras bago ko naisipang umuwi. Naglalakad na ako ng maalala kong hindi ko matandaan kung saan ako dumaan kanina. ''Saan nga ba ako dumaan kanina?" tanong ko sa aking sarili ko. Sobrang laki pa naman ng lupain ni Marco. Kaya mahirap mahanap ang tamang daan. Napakamot tuloy ako aking ulo. Biglang kumunot ang noo ko ng marinig ko ang

