"Miss Bella, kailangan na po nating maka-uwi at mukhang malakas ang ulan na parating," wikani Nora na may pag-alala. Dalawang araw na akong pumupunta dito sa ilog. Mas gusto kong dito magtigil kaysa makasama ko sa bahay si Marco. Simula kasi ng umamin ito na mahal pa rin nito si Lara. At isa lamang pala akong parausan nito. Ay malaki ang ipinagbago nito. Kung dati galit na galit si Marco sa tuwing aalis ako ng walang paalam pero ngayon ay iba na. Dahil ayos lamang dito kung umalis ako anumang oras. Sa tingin ko nga ay nagsasawa na ito sa akin. Siguro'y hinihintay ko na lamang na palayasin ako rito sa bahay niya. "Miss Bella, tayo na po parating na ang malakas na ulan," wika ni Nora. Kaya tumayo ako upang umalis na dahil parating na nga ang sinasabi ni Nora na malakas na ulan. Hindi p

