"Miss Bella, aalis na raw po kayo ni Ma'am Alma," pagtawag sa akin ni Nora. "Sige susunod na ako," sagot ko. Nagyaya kasi ang tita ni Marco na mag bonding daw muna kami bago siya bumalik sa Canada. Mabait naman pala ito. At maayos na din akong kinakausap ito pa nga ang nagsabi na habaan ko ang pasensya ko kay Marco. Hangang ngayon kasi hindi pa rin kami nag-uusapa ni Marco. Mabuti nga at pumayag ito na lumabas ako ng bahay. Sabagay kasama naman kasi ang tita nito. Agad kaming sumakay ng Van upang magpahatid sa pupuntahan namin. "Nag-usap na ba kayo ni Marco?" tanong ng Ginang. "Hindi pa po," malungkot kong sagot ko rito. "Hay! Iwan ko ba sa batang iyon. Ang may kagagawan nito ay si Lara. Kaya wala ng tiwala sa mga babae si Marco at pati ikaw ay nadadamay. Basta't lakasan mo laman

