Patuloy lamang ako sa pagtakbo nang walang patutunguhan. Nasaan ba ako? Bakit wala akong makitang mga ibang tao? Nangunot ang noo ko nang makita ko ang bahay ni Marco. Paanong nangyaring nandito na ako sa hacienda nito? Ang tanging natatandaan ko lamang ay kinuha ako ni Diaz at gustong pakasalan. Kaya tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng kabahayan. Ngunit walang pumapansin sa akin.Nagtaka ako nang makita kong umiiyak ang inay at mga kapatid ko. "Inay!" pagtawag ko rito at lumapit sa mga ito. Pero hindi nila ako pinansin kaya muli ko siyang tinawag. "Inay, bakit kayo umiiyak?" tanong ko rito. Ngunit patuloy pa ring imiiyak si Inay. Kaya lumapit ako kay Nay Selda na umiiyak din at baka sakaling pansinin ako. "Nay Selda!" pagtawag ko rito. Pero ganoon din. At hindi rin ako naririnig. A

