Kabanata 11

2012 Words
HABOL nilang pareho ang kanilang kinakapos na hininga matapos damhin ang isang mainit na tagpo na kanilang pinagsaluhan kanina. Nanatiling diretso ang mukha ni Krieg habang nililinis ang sariling katawan na ngayon ay punong-puno na ng pinaghalong pawis nila at ng puting likido.  Samantala, isang mapaglarong ngisi naman ang namamayani sa mukha ng balingkinitang propesor. She did not even bother to put her clothes on. Hinayaan na lamang niyang ma-exposed ang halos perpekto niyang katawan na tila sinasadya niya itong ibalandra at ihain sa binata. Bakit pa nga ba niya itatago kung nakita naman na ni Krieg ang kabuuan niya. Hindi lang basta nakita kung 'di natikman at nasamba niya na.  "Baby..." She is biting her lower lip seductively while caressing Kriegs’ broad shoulders from behind. She was planning to pressed her lips on his but the guy didn’t let her do it.  Papunta pa lang siya ay pabalik na si Krieg. Tila nabasa ng utak niya at naramdaman ng sariling katawan ang binabalik ng propesor. Minsan na siyang napaso sa apoy; tama na ang minsan. Tama na ang minsan niyang paghangad at pagsubok na hawakan o abutin ang nagbabagang apoy. “Kelly!” suway ni Krieg. “Enough,” muli niyang suway na siyang mas lalong ikinalaki ng ngisi ng dalaga. “Kelly!” He took a deep breath and closed his eyes tightly. Taimtim niyang hinihiling na makisama ang kaibigan sa ibaba. Ang tukso ay pakalat-kalat at mahirap iwasan... lalo na sa mga kalalakihan. Sino ba namang manok ang hindi tutuka sa palay kung nasa harap mo na ito mismo at hinahain ang sarili.  “What now?” tila nang-uuyam at nang-aakit na tugon nito. Ngumuso ito at nagsimula nang damputin padabog ang nagkalat niyang kasuotan.  "I don't want cuddles after s*x," he said.  "I don't want it either."  "Then fix yourself and get out. We're over, Kelly."  "What are you laughing at?" puna ni Krieg. Nababaliw na siya. Bigla-bigla na lamang kasing impit na tumatawa habang pinupulot isa-isa ang saplot.  "You," aniya. Impit pa rin siyang tumatawa. Nanatili sa kaniyang kamay ang mga saplot. Taas noo siyang nakatayo sa harap ni Krieg at direktang nakatingin sa mga mata ng binata. Ilang segundo ang lumipas ng simulan niyang igalaw ang ulo; umiling-iling ito habang impit pa rin ang tawa.  "I'm not crazy," she paused for a while. "Natatawa lang kasi talaga ako. I mean nakakatawa kayong mga lalaki. Don't get me wrong ha? Kaya lang napapansin ko lang ito."  "What?" he asked, irritatedly.  "You guys only helped us to remove our clothes but you never insisted nor tried to help your woman to put their clothes back together. You guys never initiated. Magaling lang kayong mag-alis pero wala kayong kwenta kapag nakuha niyo na ang gusto niyo."  Bumuntong-hininga si Krieg. Bilib talaga siya sa tapang ng propersor na ‘to. Kung gaano siya kabangis sa loob ng klase, triple ang bangis niya sa seksuwal na bagay. Kung umungol ito kanina ay tila hindi ang kilala ng lahat bilang isang Kelly na prim and proper, ipinagmamalaki, at batikan sa larangan ng pagtuturo. Hinahangaan ng mga estudyante at kapwa propesor dahil sa maganda at malinis na record.  “Walang mangyayari kung tititigan mo lang ako, Krieg. Why don't you help me fix me instead of staring blankly.”  "Alam mo kung paano hubarin kaya alam mo rin kung paano ibalik, ma'am," he replied politely.  "As expected," she said rolling her eyes.  “This s**t between us is over, Kelly. Now, get dressed and leave.” Padabog siyang tinalikuran ng propesor ngunit 'di nagtagal ay lumingon din ito saglit. May iniwan siyang kataga na naging rason ng muling pag-igting ng panga ni Krieg. “Hindi mo sure,” aniya’t kumindat. Umigting ang panga ng binata at halos itulak na niya ito palabas ng pinto. “Oh, Hi boys!” bati ni Kelly.  Nag-echo sa buong men’s comfort room ang malambing niyang halakhak. Tila napako naman sa kinatatayuan si Krieg. Ayaw niya na ng panibangong isyu. Hindi na siya maaring madawit pa sa panibagong isyu ngayon lalo na at palapit na nang papalapit ang eleksyon kaya dapat ay mabango ang pangalan ng pamilya at partido nila. The professor made a three-step closer to them. Tila namukhaan niya ang isa. Ito ay estudyante niya sa isang asignatura na itinuturo ngayon. “What you see, what you hear, when you leave, leave it here. Okay?” Limang ulit 'ata o mas marami pang beses na lumunok ang estudyanteng naka-eye contact ng propesor. Ang mga kasamahan ay nanatiling tahimik sa likod niya, hinihintay na sumagot ang kaibigan na ngayon ay nangangatog na sa kaba.   Siniko nila ang kasama ngunit nanatiling tikom ang bibig nito.  "Okay?" she repeated, raising her right brow. "We are clear, are we?"  “Y-Yes ma’am,” they replied in unison. “Good. See you in class and don’t eat a lollipop, please? It kinda turns me on." And make me remember what I did to him, to pleasure him earlier, she added in her mind.  "P-po?" wika ng isa. Nanlalaki ang mata at natataranta, ihinagis niya ang lollipop sa trash bin. Hindi ito sumakto sa butas kaya mas lalong nanlaki ang kaniyang mata. Dahan-dahan siyang humakbang upang pulitin ito at i-shoot sa loob.  Halos mapamura na ito sa isipan ng makita ang isang gamit na condom sa loob ng trash bin. Kasing pula ng kamatis ang kaniyang mukha nang bumalik sa pwesto.   "I apologize for messing with your small boys' talk.”  Kelly walked out confidently with a smile plastered within her tiny lips. Hindi alintana ng guro ang atensyon ng mga estudyanteng nakatambay sa labas at dumaraan sa koridor. Laglag ang panga at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat nang makita siyang lumabas mula sa comfort room ng mga lalaki.  Sunod-sunod silang nag-iwas ng tingin at kanya-kanyang tikom sa bibig.   That hot professor is intimidating. Yes, she may have that lovely look and angelic voice that can motivate her students to listen during the discussion, but looks can be deceiving sometimes. Dahil sa likod ng maamo niyang mukha, kilala siya sa buong departamento bilang isang propesor na hayok magbigay ng isang mababang marka. Mahusay siyang magturo ngunit tila naging hobby na niyang ibagsak ang mga estudyanteng sa tingin niya’y hindi deserving. Mataas ang standards niya, mahihirapan lang abutin. Sa dipensa naman ni Kelly, ibinibigay niya lang ang marka na deserve nila dahil sila, ang mga estudyante lang din naman ang gumagawa ng sarili nilang marka. Kung gusto nilang makakuha ng mataas ay sipagan nila at pagtuonan ng pansin ang mga kurso at asignatura.  “Class dismissed.” Ang dalawang salitang iyon mula sa matandang propesor ang dahilan upang magbilis na magsikilos ang magkakaklase. Kanina pa humihikab ang mga ‘to at kanya-kanyang kamot sa buhok na nagmistulang pugad; ginawang tirahan ng mga kuto.  Ang iba ay sumisipol-sipol habang nililigpit ang kani-kaniyang gamit na nagkalat sa mesa. Ang ibang mga babae naman ay nag-face powder, nag-kilay, naglagay ng lipstick, at nagpabango pa. Amoy na amoy sa loob ng silid ang kanya-kanya at iba’t-ibang amoy ng signatured perfume nila. Nagpapaligsahan sa amoy kaya't masakit sa ilong.  Samantala, habang abala ang lahat si Maris ay tamad na nakapangalumbaba at hinihintay makaalis lahat ng kan’yang kaklase. Ayaw niyang makipag-unahan sa kanila. Ganito lagi ang gawain niya ang hayaan silang mag-unahan at nagpapahuli lumabas. Kapag sinipag ay nililinis niya kaunti ang silid pero kung nagmamadali ay hindi na.  Nakikipag-unahan lamang siyang lumabas kung may usapan sila ng matalik na kaibigan o may kailangan siyang gawin at puntahan agad.  “Mejia, may naghahanap sa ‘yo sa labas!” hiyaw ng isang kaklase niya na wari niya’y palabas na ng silid ngunit naantalaga dahil sa anunsyo.  Ang mga ulo ng kaniyang mga kaklase ay tila isang domino na umikot upang ibaling ang tingin sa kaklaseng nakapangalumbaba lang sa mesa.  "Mejia raw!" hiyaw muli ng isa. "May naghahanap daw sa 'yo sa labas. Sana all."  Tamad na bumangon si Maris at nag-inat. “Sino raw?” tanong niya.  Gamit ang dalawang kamay ay kinusot-kusot niya ang mata. Saglit na nag-inat habang inaabangang magbitaw ng salita ang kaklase.  “Sino ka raw ba?” rinig niyang usisa ng kaklase sa nasa labas, tumatawa-tawa pa bago siya muling balingan.  “Maris, boyfriend mo raw,” wika nito na sa wari niya’y narinig ng mga natitira nilang kaklase sa loob ng silid. Pahiyaw niya kasi itong sinambit. Hindi man ganoon kalakas ngunit agaw pansin pa rin ang matinis niyang boses at ang mensahe na nais iparating nito.  “Ang gwapo!” dagdag na pabahol niya na may kasamang impit na pagtili. Bwisit! ani Maris sa kan’yang isipan. Napuri nanaman si Regor!  Panigurado lalaki nanaman ang ulo niyan at ipagyayabang sa akin mamaya. Isasampal niya kung gaano siya ka-gwapo at ipipilit na nag glow up siya sa kolehiyo kahit hindi naman. Nabawasan lang ang tigyawat ay feeling pogi na si gago.  “May boyfriend ka pala Maris!"  "Oo nga, Maris! Grabe!"  "Akala ko puro aral ka lang marunong ka rin palang lumandi," biro ng isa.  "Uy, grabe ka naman kay mareng Nerissa." Kinurot niya ang kaibigan sa tagiliran at saka tinawid ang distansya patungo kay Maris. Feeling clos eitong umakbay at saka bumulong sa dalaga, "Kaya pala ang blooming mo lagi this past few weeks.” “Sana all nadidiligan regularly,” pagbibiro ng isa. Naghiyawan ang klase at naantala ang kanilang pag-alis. Tila nawala na nga ito sa kanilang isipan at naaaliw sa munting palabas.  "May halaman din naman ako Lord pero bakit hindi ako nadidiligan?" “Saan mo nabingwit ‘yan, Attorney?” biro ng katabi niya. May ngisi ito sa mukha ngunit hindi na pinaglaanan ng pansin ng dalaga.  “Diyan lang,” sakay niya sa trip nito. "Saan banda 'yung diyan lang?"  "Diyan lang sa tabi-tabi." "Makatambay nga rin sa tabi tabi baka sakaling makabingwit." "Nasa tinder ang true love, mare!" hirit ng isa.  "Maraming multo diyan sa tinder. Doon tayo sa bumble maraming afam."  "Purita lang tayo. 'Di kebs mag-premium sa bumble. 'Di naman ako gagastos para lang lumandi ano."  "Oh... kaya pala naubus ipon mo kasi niregaluhan mo 'yung ka-internet love mo ng relo. Kaso minulto ka bigla kaya ngayon ikaw naman ang minumulto ng pitaka mo?" "Ang internet love ay gawa gawa lang talaga ng illuminati."  Nagtawanan sila sa pahayag na 'yon. Unti-unting nawala ang atensyon kay Maris kaya't ginamit niya ang pagkakataon na iyon upang tumayo at labasin na ang kaibigan. Mahirap na at baka magtampo nanaman. "Maris, aalis ka na?"  Tipid na tumango si Maris.  "Teka lang may sasabihin ako." "Uhm. Ano 'yon?" “Baka may friend ‘yan, ipareto mo naman ako. Pakisabi single ako lagi at ready to mingle,” pabiro ngunit makatotohanan niyang saad. Tumango na lamang si Maris at pilit na ikinukubli ang ngisi. “Maris ako rin!” hirit naman ng isa. “Joke lang. Baka mamaya maling tao nanaman, nakakasawa ipaglaban.” She prevented herself from smiling so wide because of her classmates compliments. Ang ipinagtataka niya lang, hindi naman na bago sa mukha nila si Regor. Kilala nila ang matalik niyang kaibigan dahil minsan na itong naligaw sa klase nila, at aware sila sa kung ano ang status nilang dalawa. Labis siyang binabagabag ng kanilang reaksyon. “Hindi mo ba siya lalabasin o papapasukin man lang?” usisa ni Eliza, ang pinaka-chismosa niyang kaklase. Tipid siyang ngumiti. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin kaya isinukbit niya ang bag, nagmartsa palabas bitbit ang mga libro at photocopies niya. Her smile faded quickly and disappointment was very visible within her face. He saw a man wearing black shades, forest green polo sleeves paired with trousers while the first three-button was opened. Likewise, his polo sleeves were folded up to his elbow, patiently waiting for her to come out. Kumaway ito at ngumisi nang mapansin ang presensya ng dalaga. It was him. The man in her dreams… her wet dreams.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD