TUMIKHIM si Maris. Ito ang naging dahilan upang maputol ang ilang minuto nilang pagtititigan. Nanghihina na ang dalawang tuhod niya sa uri ng tingin na ibinibigay ni Krieg sa kaniya. Mukhang kailangan na niyang kumain ulit ng balot upang tumibay ang mga buto niya, lalo na ang tuhod.
She prevented herself from smiling so wide; from ear to ear upon seeing this ‘Adonis’ in front of her. Hindi dapat siya natutuwa. Dapat ay naiinis siya sa presensya ng binata. Ito ang dahilan kung bakit nasira ang sira na niyang sleeping routine. Ginagambala siya ni Krieg hanggang sa panaginip.
Hindi healthy. Hindi ka healthy, Krieg.
Gusto niyang sampalin ang magkabilang pisngi nang paulit-ulit upang masigurong nasa reyalidad nga siya’t narito talaga sa kaniyang harapan ang binata. Ang gumagambala sa mahimbing niyang tulog. She wanted to do that but she won’t. Hindi niya gagawin dahil baka isipin pa nito na nababaliw na siya… which was half true.
“What are you doing here?” with her arched brow, she asked.
“Mmm.” He let out a sexy chuckle. A very sexy one that can make a woman's heart flutter. “Maria Nerissa Mejia,” bigkas ng binata. Ang mga mapupungay na mata ay direktang nakatingin sa parte malapit sa dibdib niya kung saan nakakabit ang name plate.
Agad itong umirap at sapilitang inilugay ang mahaba at unat na unat niyang buhok, na kakatapos niya lang ayusin kanina. She fixed and tied her hair into a bun several times. Hindi niya kasi makuha ang tamang ayos. Hindi siya satisfied kaya't ilang beses niyang unulit. Nangawit na nga ang kamay niya kakasubok.
Muling umirap si Maris dahil labis niyang nanghinayang sa oras at effort na iginugol sa pag-aayos ng buhok. Kung alam niya lang ay hindi na sana siya nagkanda-ugaga na ayusin ito at pagandahin. Tama nga sila. 'Nasa huli ang pagsisi.'
Bumuntong-hininga si Maris. Dali-dali niya itong ginamit upang iharang sa name plate at pati na rin sa dibdib.
“Maria Nerissa Mejia…” may diin niyang sambit ulit sa pangalan ng dalaga. “Cojuanco,” dagdag niya. My surname suits her name well, he thought.
Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi bago siya dahan-dahang umiwas ng tingin. Halos mabuhol-buhol na ang kaniyang ugat sa katawan ng bigkasin nito ang buong pangalan ng dalaga karugtong ang apilyido nito sa dulo.
Tumikhim siya. “What are you doing here, Hanskrieg?” balik tanong ni Maris.
“Hanskrieg is too long. They used to call me Krieg, but you are an exemption to that because we are close and you are special. Instead, you can call me Hans, short for handsome. Pero pwede rin naman love nalang mas maikli at mas mabilis tandaan.” He suggested with a playful wink on his face.
“Okay, love.” Sweetly, she replied.
Hindi agad naka-imik ang binata. He was just playing around tryin’ to start a decent conversation with her. Hindi niya inaasahang sasakay ang dalaga sa trip niya. He was stunned for a moment.
Maging si Maris ay tikom din ang bibig at hindi makatingin ng diretso sa kausap. Bibiruin niya lang sana si Krieg pero tila mas ginawa niyang kumplikado ang sitwasyon.
He faked his cough. “You agreed… to call me love?”
"Huh? Hindi a."
"But you just called me love a while ago."
"I did not," she defended.
"Oh, love. You did."
"Nope. Clearly, you misheard it, mister."
"I bet."
“Ipinakilala mo ang sarili mo sa mga kaklase ko bilang nobyo ko.” Kinagat ni Maris ang pang-ibabang labi upang kalmahin ang sarili, bago niya dahan-dahang lingunin. “Hindi ba’t may agreement na tayong ginawa?” Arched brow, she asked.
“Mmm.” Tumango-tango ang binata nang ilang ulit. “I…know. I am a man of words, love--Maris.”
“Glad you remembered," she replied sarcastically.
"Thanks, Neri!"
"Pero bakit ka nandito, kung ganoon?”
He removed his shades and looked at her directly in her eyes, making eye contact. “I’m not here for you but I am here for you,” makahulugan niyang anas. Hindi ito naintindihan ni Maris at naging sanhi upang mas lalo siyang maguluhan.
“Okay. Seriously, what do you want-”
“Ikaw sana.” Mabilis niyang tinakpan ang bibig matapos maisatinig ang dapat ay nasa isip niya lang.
Narinig ito ng tatlong kaklase ni Maris na saktong palabas na ng silid kaya’t nagmistula silang bulate na nalagyan o nabudburan ng asin. Walang duda, bukas ay trending na siya lalo’t gwapo itong si Krieg. Mabilis lamang kakalat at sisikat ang balita.
Wait--did I just compliment him?
Nakangisi si Maris nang magtama ang kanilang mata. She’s starting to get annoyed and pissed by her own thoughts because obviously, she’s enjoying it. Hindi dapat.
“Me?” Damn.
He shook his head. “Hindi. Ang ibig kong sabihin…” he paused. “Nevermind.”
“Leave me alone, Krieg! Kung wala kang matino at valid na rason, huwag mo na akong guluhin. Hindi ba’t napag-usapan na natin ‘yon?”
Tamad at tipid na tumango ang binata.
“Pwes, sumunod ka sa kung ano ang napag-usapan natin.. Huwag mo na ulit akong pupuntahan at guguluhin. And please, don’t introduce me as your girl again. Because I am not, and I will never be.”
Mapakla siyang natawa sa tinuran nito. Her words cut deeper than a knife.
“My professor in Constitutional Law, Mrs. Guiang, asked me to meet you.” He told her the not-so-real reason. Ang totoo ay sa iba siya nag-utos. Narinig lamang ‘yon ni Krieg kaya’t inabangan niya ang ‘pet’ ng propesor at tinakot ito. Kinuha niya ang oportunidad na malapitan muli ang dalaga na siyang gumugulo sa kaniyang isipan.
He wants her near him, at the same time he wants to get rid of her. Nais niya itong makasama nang mas madalas ng sa gayon ay magsawa na siya’t mawalan ng interes rito. Sana.
“Uhm… how was her?” she asked. “Inatake nanaman ba sa puso?” She worked part time at Mrs. Guiang’s firm before. Naging personal na sekretarya siya ng propesor sa labas ng klase. Naawa kasi ito kay Maris dahil kinakapos sila noong mga panahon na iyon. Muntik na niyang itigil, binigyan lamang siya ng pagkakataon ng ginang upang lumaban at ilaban ang ipinaglalaban.
Siya ang tumayong magulang ni Maris ng malayo ito sa tunay na mga magulang. She guided her, motivated her, and treated Maris like her own. Hiwalay kasi ito sa asawa. Ang nag-iisang anak naman ay sumakabilang buhay na ilang araw lamang matapos niya itong isilang. Mag-isa na lamang ito sa buhay. Pinayuhan na itong magretiro dahil bukod sa may edad na siya ay mayroon din itong karamdaman.
“Hindi,” tugon niya. “May pakay siyang iba sa ‘yo… sa ating dalawa.”
“H-ha?” Her forehead knotted. “Tayong dalawa?"
"Oo."
"Bakit kailangan kasama ka pa?”
Nagkibit-balikat siya. “I don’t know either. If you want answers, ask her not me."
One second he is nice, next second he is flirty, then rude. Really. Maris can't understand him. Dinaig pa ni Krieg ang isang babaeng may dalaw.
“Ano… ano raw ba ‘yon?” kuryusong usisa ng dalaga.
Sinipat ni Krieg ang relo at saka dumiretso ng tayo. “It would be a long discussion.” He said before grabbing her hand. “Let’s talk about it over dinner.” He added, pulling her outside the campus.
“Hey, let go of my hand. Krieg, ano bang ginagawa mo-”
Huli na para siya ay umangal. Masyadong mabilis ang pangyayari, nakaladkad na niya ito palabas. Umangal si Maris ngunit hinayaan niya naman ang katawan na kusang magpahila at sumama sa binata. What a fool, isn’t she?
Binawi niya ang kamay mula kay Kreig, masama ang tingin. Isinukbit niya nang maayos ang bag. “Hindi mo na ako kailangang hilain. Ask nicely, Krieg. Huwag mo akong itulad sa mga kaladkarin mong babae. I’m not them, and I would never be like them.” Her eyes turned three hundred degrees.
“Tss.” Singhal niya. “If I asked you nicely, papayag ka ba? "
"Uhm..."
"Hindi rin naman, ‘di ba?”
“Paano mo malalaman kung hindi mo pa nasusubukan?” Arched brow, she countered.
He then took a deep breath. “Okay, I’m sorry.” Tumigil ito kaunti at piniling magpakumbaba. “I’m sorry for not asking you nicely and for dragging you without your consent.”
“Okay.” Pinigilan niya ang sariling labi na kumurba sa isang matamis at mala-victory na ngiti. Kaya rin naman pala niyang maging gentleman kahit paano.
“Are we okay now?” Tumikhim siya. “Will you join me at dinner and talk over it?”
She scoffed. Nakapamulsa siyang naglakad paalis. “Basta libre mo,” aniya’t hindi na napigilan ang sarili na ngumiti.
May malapit na fine dine-in sa unibersidad. Walking distance lang din mula sa dormitoryo na tinutuluyan niya. Plano sana ni Maris dalawin si Mrs. Guiang ngunit mukhang ipagpapa-bukas niya na lamang iyon. Palubog na rin kasi ang araw. Marami pa siyang kailangang basahin, isaulo, at sagutan mamaya.
“Ayos ka na talaga dito?” he asked for the nth time.
“Oo. Mas malapit sa tinutuluyan ko. At saka hindi naman ako maarte. Bakit, ayaw mo ba rito?” Ipinaghila niya ng upuan ang sarili. Inunahan na niya ang binata.
Hindi uubra kay Maris ang mga sugar coated words niya at pa-genteleman action na akala mo naman ay totoo ngunit pakitang tao lang naman. There’s nothing wrong with him being nice to a lady, kaso ayaw niyang itulad at itrato siya ng binata sa kung paano niya i-trato ang mga nakakalandian at nakakapares sa kama.
She wanted to be different. Teka, bakit ako nakikipag-kumpitensiya sa mga iyon? Mariin siyang pumikit at sinubukang pigilan ang mga bagay bagay na kusang pumapasok sa kaniyang malikot na isipan. Hindi ko dapat ito nararamdaman.
“G-gusto naman,” alanganin nitong tugon at saka umiwas ng tingin.
Umupo ng maayos ang dalaga at hinintay itong tumayo upang mag-order ng kakainin nila. Natawa siya nang maisip na baka first time lang dito ni Krieg at hindi niya alam na self service dito.
Tumikhim si Maris. “Aren’t you going to order for us, Krieg? Sabi mo you want us to talk over dinner.”
Sunod-sunod ang ginawang paglunok ng malalim ng binata. Nag-iwas siya ng tingin. Sa isip-isip ay pinapakalma ang sarili at humahanap ng tiyempo upang aminin sa dalaga na hindi niya alam kung paano ang mag-order.
“H-Huh?” iyon na lamang ang nasabi niya.
Sa pagkakataong ito ay hindi na napigil pa ni Maris ang kaniyang tawa. “Don’t tell me…ako ang gusto mong kainin?” Biro niya pa at saka muling tumawa, dahilan upang mas lalong pamulahan ng pisngi at tainga ang binata sa kaniyang harapan.
The corner of his lips rose up. “Kumain ka muna, mamaya na kita kakainin.” Bawi ni Krieg sa biro ng dalaga.
“Kidding, love.”