Kabanata 13

2035 Words
HINDI manhid si Maris para hindi mahalata na interesado sa kaniya ang binata. Kung tutuusin ay wala namang saysay ang pakay ni Krieg sa kaniya ngunit pinili pa rin nitong sayangin ang oras upang puntahan siya… at iparating ang isang mensahe na mamaari namang ibahagi gamit ang telepono o internet. Maaari naman siyang direktang sabihan ng propesor; hindi na kailangan ng isang mensahero lalo na at may contact naman sila sa isa't-isa. Noong nakaraan lamang ay nagpapalitan sila ng mensahe.  "Are you okay, Maris?"  "Uh, yes." Tumikhim siya at inayos ang sarili bago muling harapin ang binata.  "Are you sure?"  "I am, Krieg."  "You seemed bothered. What's bothering you?"  "Nothing."  "Okay."  "Where are we?" "Dining in near your unit." "Yeah. Whatever." "Kidding, love!"  He insisted to pay for the bills. Maris offered to pay for her own bills but he declined. Ganito siguro ang ginagawa niya lagi sa mga babae niya.  Pilit na ikikukubli ng dalaga ang nagsisimulang sumibol na damdamin niya para kay Krieg. Ayaw niya itong aminin sa sarili niya lalo; hindi niya maamin lalo na’t baguhan lang siya sa ganitong sitwasyon at pakiramdam. She always thought of herself as a strong and independent woman. She’s perfectly fine with being alone. Kuntento na siya sa sarili niya, kay Regor, at sa mga taong nakapaligid sa kaniya, at walang sawang sumusuporta. Malaki ang paniniwala niya na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. Law school was hard; masyadong masakit sa ulo at stressful kaya why bother to get a boy na dadagdag pa sa isisipin mo? And besides, she was aware that feelings won’t go last so why bother to entertain it? People change and feelings change; it will fade soon. Although sometimes, she must admit that she wonders what and how it feels to be with someone; to be with your so-called ‘the one’. “Uhm…dito na lang siguro ako, Krieg.” She stopped walking.  Slowly, she faced him and smile a bit. “Hanggang dito na lang siguro, Krieg. Maraming salamat sa libre at pati na rin sa paghatid kahit na hindi naman na sana kailangan dahil malapit lang naman ang tinutuluyan ko at walking distance lang.” “I feel the need. Babae ka, hindi babae lang.” Luminga-linga muna sa paligid ang binata habang nag-iisip ng maaring idagdag sa rason niya. “Plus you were last seen with me. Kapag may nangyari sa ‘yo o nawala ka, sino ang iimbistigahan, sino ang person of interest, hindi ba’t ako?” Ang totoo niyan ay gusto niya lang makasama ng mas matagal pa ang dalaga dahil hindi na niya alam kung kailam ulit siya makakakuha ng tyempo o tyansa na maging ganito kalapit sakanya.   “Pwede ka nang umalis. I can walk by myself, Hanskrieg. Hindi mo na sana ako sinamahan. There is no need…to accompany me. Hindi mo naman ako girlfriend.” Damn. Kanina pa nahihiya si Maris sa kung ano-anong salitang nasasambit ng matabil niyang dila. Kung maaari lamang siyang magpalamon sa lupa ay ginawa na niya. “Gusto kitang ihatid, na masigurong ligtas ka. Hindi na kailangan na maging karelasyon kita para masigurong ligtas ka.” “Okay.” "Okay," he repeated.  "Uh, Thank you!"  Parehas silang natahimik at nanatiling nakatingin sa isa’t-isa. Minsan ay kurap nang kurap si Maris at madalas naman ay sa mga gilid-gilid siyang tumitingin. She’s starting to feel awkward and uncomfortable with him in from of her. Kaso hindi niya naman magawang tumalikod at ihakbang palayo ang mga paa sa binata. Paulit-ulit niyang tina-tap ng tahimik ang sapatos sa kalsada na tila may sinusundan siyang pattern at bilis. Habang ginagawa iyon ay binibilang niya kung ilang beses bumabagsak ang kaniyang sapatos para malibang siya at ang kaniyang isipan.   Tumikhim si Maris. “Salamat ulit sa paghatid, Krieg.” Her lips quirked up. Hindi niya na maatim ang malalim na katahimikan at palitan ng tingin, so she did the first move. Kaysa naman matunaw nila ang isa’t-isa. “Don’t mention it.” “Sige na, alis ka na."  "Right. I should be going."  "Ingat?” Tinanguan siya ng binata. “Aalis ako kapag nakapasok ka na,” determinado niyang saad. “Kaya sige na, umakyat ka na para makauwi na ako. Ayon ay kung gusto mo nga na umuwi pa ako.” “Hindi,” kontra naman nito. “Aakyat lang ako kapag nakaalis ka na.” “Mauna ka na. Gusto ko lang masiguro kung diyan ka talaga tumutuloy o bino-bogus mo lang ako.” Her forehead knotted a bit. "Bogus, what?" she asked curiously.  "Shopee and Lazada things," he chuckled. "That is if they exist for you."  “Mukha ba akong online seller, ha?” Arched brow, she asked again.  “I did not mean it that way. Gusto ko lang makasiguro na diyan ka nga talaga umuuwi-” Her forehead knotted again and gave him a  confused looks. “Hindi na mahalaga kung saan ako umuuwi.” Sandali siyang tumigil at saka tumawa ng pabiro. “Sige na, lumakad ka na at madilim na. Baka nag-aalala na sa ‘yo ang mga magulang mo. Baka kung ano-ano na ang iniisip ng mga ‘yon.” He laughed and it was like a music into her ears. Masama na ‘to, aniya sa sarili. Napapasaya na niya ako. Delikado siyang maging happy pill dahil paniguradong overdose ako. Sa mental ang bagsak ko imbis na sa korte.   “Don’t laugh. I am not throwing jokes!" "Oh, sorry! I thought you are."  "Yeah. Whatever."  “Hindi na ako bata, Maris. Kayang-kaya ko na rin gumawa ng bata,” aniya’t hinawakan ang tiyan habang tumatawa. Suddenly, he then moved closer to Maris who’s both feet were now glued to the ground. He even put the loose strands of her hair behind her ears. Sunod-sunod na nagsitaasan ang balahibo ng dalaga.  She was stunned!  She can't breathe!  She can't move her hands or even her fingers!  What is happening to me? Damn!  “Gusto mo, try ko sa ‘yo?” He whispered right exactly at her ear.  Nanlaki ang mata ni Maris dahil sa gulat. Halos maubusan na ito ng hangin sa katawan kakapigil sa kaniyang hininga. Nang maka-recover ay agad niyang inismiran ang binata. Gamit ang matulis na siko ay siniko niya ito sa tiyan at saka tinapakan ang maliinis na sapatos dahilan upang marumihan ito. Good for him, she said to herself. “Aray! Nagbibiro lang naman ako. Ikaw talaga love, hindi ka na mabiro.” “Isang love mo pa, ingungudngod ko na iyang mukha mo sa love-abo.” Bahagyang inilayo ng dalaga ang sarili mula rito. “Ang harot harot mo talaga. Hindi ka na nahiyang ipangalandakan ang kaharutan mo sa kalsada.” "Maharot agad, hindi ba pwedeng friendly lang o caring?"  "Iba ang friendly sa malandi, Krieg."  "I'm in between, I guess." He fired back as he tried so hard to hide the smirk on his face.  "Halatang sanay bumanat sa mga babae," dagdag biro ni Maris.  "Sa 'yo lang ako ganito, Neri. Believe it or not."  "Paano naman ako maniniwala kung sa gitna ng salitang believe ay may lie?"  "Wise metaphor. Try again next time, love."  "Yeah. Try harder, Krieg."  “Akyat ka na. Kung hindi ka aalis, parehas tayong matutulog dito sa kalsada.” “Okay.” Akmang tatalikod na ang dalaga nang hawakan ni Krieg ang palapulsuhan nito upang pigilan siya. She just raised her left brow instead of asking words. Bukod sa tinatamad na siyang magsalita ay tila napagod na rin sa pagbuka and mga labi niya. Also, she can't find the right words to say.  "Neri, wait!"  "What?" she asked, raising her right brow for the nth time around.  “Let’s see each other again… tomorrow. Can we? ” "Hindi na kailangan, Krieg. Para saan pa?" "Kailangan ba laging may reason? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang makita, ayon na 'yon?" "Ayaw ko."  "I will see you tomorrow, Neri."  "Maris. That is my name, not Neri nor Ria. I am Maris. Maria Nerissa Mejia."  "Hmm. Wonderful," the guy complimented.  "I know right."  "But your name is too long for me . Hindi ba pwedeng love nalang, mas maikli at mabilis tandaan?"  "Stop flirting with me."  "Am I?" "You are."  "Clearly, I'm am not hitting on you."  "Then why do you want to see me again?"  "I don't know either."  "It's getting late. I think you should go now." "Yeah, right."  He let out a sweet chuckle. "Good night, Maris!"  Inilagaw ng binata ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. Ang dalawang mga mata ay nanatili sa kaaya-ayang mukha ng dalaga. Tumagal ito ng ilang minuto; pati ang pagtitinginan nila. Si Maris na ang bumitaw at umiwas ng tingin.  "I'll see you tomorrow, Maris. I want to see you."  "We can't. Let's not see each other again. I want you to stop seeing me."  "What if I don't?" "Then that is not my problem anymore."  "Maris," aniya't hinawakan ang kanang kamay ng dalaga  upang pigilan ito sa tangkang pag-alis.   “Aalis ka na nga lang, hihirit ka pa,” natatawang tugon ng dalaga. Malalim itong napalunok at agad na binawi ang kamay ng mapagtantong hawak niya pa rin ang kaniyang kamay. “Chansing ka masyado, Krieg.”  “I’m not.” He smiled dangerously. “I’m just checking if… if your hand fits mine.” He said, half-joked. "So how was it?" sakay niya sa biro.  "Your hands were carved exactly for my hand to hold. Do you wanna know why?"  "Why?"  "Because like puzzles, we fit together."  “Wise metaphor. Try a little bit harder next time," panunuya niya't ginaya ang sinabi ni Krieg sa kaniya kanina.  "You're smiling," he stated. "You're smiling. Jesus!"  "I am not," umiwas ito ng tingin. "Namamalikmata ka lang."  "Smile more often." "Huwag mo akong utusan. Ngingiti ako kung kailan ko gusto."  "Your smile can easily melt my heart like ice cream. "  "Corny. Lumayas ka na nga sa harap ko." Hindi maalis ang malaking ngiti sa labi ng dalaga. She never felt this kind of happiness coming from a total stranger. Ngayon niya nalang 'ata ulit nakita and sarili na ngumiti.  "Good night, Maris. I'll see you tomorrow." “Oo na, oo na. Umalis ka na." "Magkikita tayo bukas?" pangungulit ng binata.  "Sige na, Krieg. Ingat.” “Yes ma’am!” Sumaludo ito sa kaniya. “There is no need to remind me. Mag-iingat talaga ako kahit hindi mo ako iniingatan.”  "Siraulo talaga," iiling-iling niyang saad sa sarili.  Nanatili siyang nakatayo sa labas at hinintay na mawala ang bulto ni Krieg sa kanyang harapan. Nasa kanto na ito ng mapagpasyahan niyang pumasok na. Mabuti na lang at hindi pa nakasara ang gate. Maaga kasi itong nilo-lock ng land lady minsan. Dahan-dahan at maingat niya itong isinara.  Pagkapasok, naabutan niya ang land laly at ang asawa nito na naglalampungan sa lobby. Silang dalawa na lang ang nandoon. Parehas na naka-upo sa sofa, impit na nagtatawanan at nagbabatuhan ng matatamis na salita.  Sana all. Maris is never a fan of fairytales and happy endings. Ang paniniwala niya ay sa telenobela lang mayroon at posible ang happy ending na ninanais natin. Sa libro lang mababasa ang forever. Kaya tumataas ang standards natin minsan sa isang tao ay dahil sa impluwensya ng mga koreanovela, teleserye, pelikula, at mga libro na binabasa.  "Ginabi ka 'ata anak," wika ng ginang.  Tipid na ngumiti ang dalaga at saka humakbang palapit sa kanilang dalawa. Inabot niya ang kamay at nagmano. Mabait ang mag-asawa. Maalalahanin sila at maalaga. Itinuturing nilang parang mga tunay na anak ang mga borders nila.  "Opo. May tinapos lang po," sagot niya.  "May pumunta kanina ditong lalaki anak, hinahanap ka." "Si Regor po ba?"  Nagkatinginan ang mag-asawa. "Hindi. Bagong mukha. May dala pa ngang bungkos ng bulaklak."  "Magaling ka pumili iha. Artistahin, ang gwapo."  I bet that's Krieg. She smiled awkwardly. Krieg is handsome. He is indeed the most handsome disaster that came into my life. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD