PASADO alas-tres na ng madaling araw ng dalawin si Maris ng antok. Pinaghalong akademiko at personal na bagay ang bumabagabag sa utak niya, na siyang dahilan kung bakit magdamag siyang nag-iisip.
Bukod sa sandamakmak na mga artikulong kaniyang binabasa at sinasapuso, mayroon pa siyang kailangan aralin para sa presentation nila bukas. Hindi pwede na pa-chill chill at pa-petiks petiks lang siya sa klase. Malas nga’t dalawa sa kasama niya ay tamad at mukhang ayos lang sa kanila na bumagsak.
Rich kid kasi. Iyan ang kadalasang rason ng mga ordinaryong estudyante lang sa mga kamag-aral na mas nakaaangat sa buhay. Ayon sa mga sabi sabi o kuru kuro, mas masipag daw mag-aral ang mga nasa katamtaman o mas mababa pang antas dahil sila ‘yung mga naghahangad ng mataas na marka, para sa magandang kinabukasan na naghihintay para sa kanila. Idagdag mo pa riyan ang intensyon na i-angat ang uri ng pamumuhay na mayroon sila sa kasalukuyan.
Ang mga mayayaman daw kasi, hindi lahat ngunit kadalasan, sila ‘yung mga hindi pursigido at halos walang pakialam sa pag-aaral.
Bumuntong-hininga siya.
Hindi na niya dapat isinasama sa dami ng kan’yang iniisip ang mga ganoon uri ng bagay. “Marami kang problema. May sarili kang buhay Maris kaya iyon nalang ang intindihin at atupagin mo,” pilit niyang paalala niya sa sarili.
Mahirap man ay sinikap niya pa rin i-angat ang mabigat niyang katawan mula sa maharot niyang kama na tila ayaw siyang pakawalan. Ang likod niyang nakalapat ay parang nakadikit sa bed sheet ng kama. Weird pero araw-araw, ang pakiramdam niya ay may magnet ang kama niya at ang likod niya ay isang uri ng bakal.
Sa tuwing gigising siya ay ganito ang eksena niya, pilit binabalewala at inaalis ang magnet ng kama sa kaniyang katawan. Kailangan niyang bumangon, kailangan niyang kumilos, ngunit inaanyayahan siyang manatili ng kaniyang kama.
Maihahalintulad ni Maris ang senaryo sa umaga sa pagmo-move on. Maadali lang mahulog, pero mahirap mag-move on. Madali lang matulog, pero mahirap bumangon.
Tamad na tamad siyang kumilos. Kulang kasi ang enerhiya niya’t hindi na niya naranasang makumpleto ang walong oras na beauty rest niya. Isang beses hanggang dalawang beses kada buwan lang siya nakakaranas ng walong oras o higit pa na pahingi kung swertehin. Kung hindi naman ay ganoon talaga. Kape kape nalang.
Humikab siya at nag-inat. Matapos ay ginulo niya pa lalo ang magulong buhok. "Beauty rest! Sana all may beauty rest."
“Beauty na lang ang natira. Nakipaglaro na sa akin ng tagu-taguan si rest,” natatawa niyang wika sa sarili. Kasabay n’on ay ang pagsalubong ng kaniyang talampakan at malamig na tiles sa sahig.
Ilang hakbang pa ay nasa harapan na siya ng pintuan ng kaniyang maliit na banyo. Sukbit-sukbit niya sa balikat ang kulay pulang tuwalya at bitbit naman ng kaniyang kaliwang kamay ang sipilyo.
This is her.
This is her boring daily routine.
Araw-araw na lang siyang ganito at paulit-ulit ang ginagawa. Dumarating din sa punto na nauumay na siya dahil sobrang paulit-ulit at organized ng ginagawa niya.
Most of the time, she will suddenly feel unmotivated… or maybe she was just tired.
Pagod na siya sa lahat at sa bawat aspeto. Pagod na siyang makaramdam ng pressure, na maramdang hindi enough lahat ng ginagawa niya kahit ibinibigay niya naman ang lahat, na maikumpra sa iba ng mga taong malapit sa puso niya o espesyal sakanya, at higit sa lahat pagod na siyang matakot. Matakot na mabigo ang mga magulang. Matakot na baka 'di niya maabot ang mga ekspestasyon nilang napakataas sakanya. She is losing herself while building her future. A great future that she and her family always dreamed of having.
She's tired and drained emotionally, mentally, and physically. Gusto na niyang magpahinga pero hindi niya magawa kahit na may pagkakataon naman siya para gawin. Pakiramdam niya kasi sa t'wing nagpapahinga siya ay nagagawa siya ng isang malaking krimen. Nakokonsensya siya at nanghihinayang ng labis sa oras.
"I am being negative again," she breathed out softly as she tries to calm herself from the thoughts running into her mind again. "Cheer up! Ilang laban na ang nalampasan at naipanalo mo, ngayon ka pa susuko?"
Kolehiyo ang sumampal at nagmulat kay Maris sa reyalidad. Sa lebel na ito ay halos araw-araw kang nagbre-break down at nadre-drain. Para kay Maris, ang kolehiyo ang nagpa-intindi sa kaniya kung gaano kahalaga ang mental health ng isang tao.
Bumuntong-hininga siya. She’s spacing out again. Madalas siyang ganito… tulala at wala sa sarili. Siguro nga ay pagod lang siya at kulang sa motibasyon.
Pagod lang ako. Magpapahinga, pero hinding-hindi susuko dahil wala akong karapatang sumuko hangga’t hindi sumusuko ang nagpapa-aral, she reminded herself.
Akmang bubuksan na niya ang pinto ng kusa itong bumukas at niluwa ang isang adan na tanging tuwalya lamang ang saplot sa katawan. Laglag ang panga ni Maris. Nagulat siya marahil sa katawan na sumalubong sa kaniyang mukha. Hindi niya inaasahang may isang Adan na sasalubong sa kaniya ng ganito kaaga at nagmula pa sa palikuran niya.
“Magandang umaga, Attorney!” He greeted with a smirk.
Nanaliti ang mata ni Maris sa binata. Punong-puno ng pagkamangha at adorasyon ang kaniyang mata habang nakatingin sa katawan ni Krieg. Pinagmasdan niya ang ilang butil ng tubig na tumutulo sa kaniyang katawan. Ang ilan doon ay nagmumula sa kaniyang buhok. Basang-basa ito at tila hindi napunasan ng maayos.
Mahabagin! Ang sarap tuloy punasan. Mariin siyang pumukit at saka sinuway ang sarili sa pag-iisip.
Mali ito. Dapat ay nagagalit siya’t bumubulyaw, hindi humahanga.
“What did you prepare for our breakfast?” Krieg asked, maintaining eye contact between the two of them.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang saplot sa katawan, maliban sa tuwalya na nakapalibot sa kaniyang beywang. At mukhang wala naman itong plato na magsuot ng damit. Gusto niya ‘atang ibalandra ang katawan niya buong araw. Edi siya na! Lihim na umirap si Maris sa kaniyang isipan. Malamigan sana siya at magkasakit.
“Attorney?” he asked again. “So… masarap ba?”
“Pardon?” Raising her right brow, she asked.
Ngumisi naman ang binata. “Kanin na lang ba ang kulang?” Sa pagkakataong ito, umiwas ng tingin ang dalaga. Amusement filled within his eyes. Sa pamamaraan kung paano niya tingnan si Maris ay tila punong-puno ito ng adorasyon.
“Paano mo nalaman ang tinutuluyan ko?” Hindi mapigilang pag-usisa niya. Habang ang dalawang kamay ay nakapatong naka-ekis na sa kaniyang dibdib.
“Hinatid kita kagabi,” pormal niyang sagot. "Hindi mo na ba naaalala?"
"Of course, I do." Her eyes turned three hundred sixty degrees.
"Great!" he replied with a smirk plastered within his handsome face. "Akala ko nakalimutan mo na ako agad."
"What are you doing here, Krieg?" she asked nicely, trying to calm her emotions.
"I told you I'll see you again. You don't remember?"
"I do, but it's too early!"
"I am a morning person, love. Just so you know."
"Yeah. Whatever." Muling umikot ang dalawa niyang mata. Umang-umaga ay 'di na niya mabilang kung ilang beses na siyang bumuntong-hininga, nagtaas ng kilay, at nag-ikot ng mata.
"Ang cute mo naman umikot ng mata mo. Mas cute siguro 'yan kapag tumitirik na sa sarap-Aray!" Tatawa-tawang umilag si Krieg. "Nagbibiro lang ako. Ikaw naman, ang aga-aga masyado kang high blood."
"Sino ba namang hindi iinit ang ulo kung ang aga-aga katulad mong dmonyo ang bubungad sa akin?"
"Mainit talaga kasi hot ako."
“Hindi ka ba nilalamig?”
“Kapag ba sinabi kong oo, paiinitin mo ba ako?” Pilyo niyang segunda.
Dinampot niya ang tuwalya na nakasabit sa balikat at saka ito direktang ibinato sa direksyon ng binata. Hindi man lang ito umilag at talagang sinadyang saluhin ang ihinagis sa kaniya. Dumapo ito sa pagitan ng pang-ibabang parte ng mukha at ng kaunting bahagi ng leeg.
“Ang bango,” nakangisi niyang saad. “I can smell you from here. Ang bango bango, amoy Maris.”
Tatawa-tawa niyang ipinatong sa kama ang tuwalya. Tatlong hakbang palapit ang ginawa niya upang abutin ang mga baon na saplot.
Muli, laglag ang panga ng dalaga sa nasaksihan. Ang damit kasi nito ay nakatago rin sa tukador niya, kasama ang mga damit at gamit ni Maris.
“s**t!” Tumalikod si Maris nang magsimula itong maglagay ng saplot sa katawan. Hindi ito nagbigay ng babala at bigla na lang hinila ang natatanging saplot na bumabalot sa kanya.
Bumuntong-hininga si Maris. “Kapag tapos ka na diyan please, leave.”
“Ouch!” He puts his right hand over his chest. Umakto ang binata na tila ba nasaksak ito ng isang matalim na bagay, direkta at mismong tumatama sa dibdib. “Isn’t it rude and disrespectful?”
“It’s you who’s rude and disrespectful, Krieg. Ikaw itong pumapasok sa bahay ng may bahay without the owner's permission.”
Itinaas ng binata ang dalawang kamay, tanda ng pagsuko.
“Pasensya na boss madam.” He runs his finger through his wet hair. “Pinalayas kasi ako sa amin kasi late na raw ako umuwi kagabi dahil sayo, kaya wala kang choice kung ‘di ampunin ako.”