LABIS na mababakas ang iritasyon sa buong mukha ng dalaga. Kanina pa siya ayaw tantanan ni Krieg. Daig pa ng binata ang isang asong ulol kakabuntot sakan’ya saan man siya pumunta.
Huminto si Maris sa paglalakad. Mabigat ang bagsak ng maliit na takong ng kaniyang sapatos sa semento. Mariin niyang ipinikit ang dalawang mata at saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Ngunit, nanatili pa rin siyang nakatalikod sa binata.
“Maria,” mahina niyang wika. Punong-puno ito ng sinseridad, walang mababakas na panunuya at kalokohan. “Sige na, pumayag ka na.”
Hindi na ito nakatiis pa. Muli siyang nagpakawala ng buntong hininga at saka tuluyang ginalaw at katawan paharap kay Krieg. Maamo ang mukha nito ngayon kasalungat ng awra niyang nakaugalian masaksihan ni Maris, nakangisi at nanunuya.
“Payag ka na?” Hindi makakatakas sa dalaga ang pagkislap ng mapupungay niyang mata habang sinasambit ang mga katagang iyon.
Ilang saglit lang ay kusang nahulma sa noo ni Maris ang tatlong guhit. Mayroong bumabagabag sa kaniyang isipan. Anong laro itong nilalaro mo Krieg, at bakit ako ang napili mong kalaruin? Tanong niya sa sarili.
“Hindi. Tigilan mo na ako dahil wala kang mapapala sa akin.”
Hindi niya pa lubusang kilala ang binata ngunit iba ang kutob niya dito. Mabigat kasi ang loob niya at tila lagi siyang kinakabahan sa presensya niya. Noong una, akalata niya ay intimidated lang siya sa mata nito ngunit hindi. Alam niya mismo sa sarili niyang hindi ito simpleng intimasyon lamang. There is really something in him that she cannot explain.
Madalas na sumagi sa isip niyang mayroon itong binabalak na hindi maganda. O ‘di kaya naman ay lagi niyang naamoy ang peligro sa tuwing kasama niya ito o nadidikit ito sa kanya. Kailanman ay hindi siya nakampante sa presensya ni Krieg.
“Behave naman ako. Hindi naman aabot ‘yon ng isang buwan dahil paniguradong hindi rin ako matitiis ng nanay ko,” pamimilit nito. “Mamimiss niya rin ang kapogian ng anak niya. Aba, ako ‘ata ang pinaka-gwapo sa amin.” Ngumisi siya, nagmamalaki.
Paulit-ulit siyang umiling. “Paniguradong may ginawa kang kalokohan sa inyo. Kaya pakiusap, huwag mo akong idawit sa sarili mong problema, Krieg. Isa pa, huwag na huwag mong irarason sa mukha ko na napalayas ka dahil sa akin. Ginusto mo akong ihatid kahit nagpupumilit akong umayaw. Kaya kung pinalayas ka, labas na ako ron.”
“Okay, sige. Hindi ko irarason.” Tumango-tango siya.
Mas lalo lamang nainis ang dalaga sa pamimilosopo ng binata sakaniya.
“Masyado ng pinapasakit ng Law School ang ulo ko kaya huwag mo nang dagdagan pa.”
“Sumasakit din naman ang ulo ko sayo. Dalawang ulo pa nga e,”
Sumama ang tingin niya sa binata at kasabay non ay pagdapo ng palad niya sa braso ni Krieg. Hindi niya inaasahang singtigas pala ito ng bakal. Imbis na manakit siya ay siya ang nasaktan.
“Kung wala rin rin namang magandang lalabas sa bibig mo, pakitikom nalang. Pwede?”
Inirapan niya ang binata at saka muling tinalikuran. Ayaw niyang mapahiya kaya’t hindi niya pinahalatang nasaktan ang kamay niya.
Mabibilis ang hakbang ni Krieg. Hinabol niya ang dalaga na nagmamadaling lisanin ang lugar na kinaroroonan nila upang lubayan siya. Itinaas niya ang dalawang palad nang maabutan si Maris.
“Sorry. Sorry na.” Humahangos ang binata sa sariling pawis. “Hindi ko na uulitin. Seryoso ako. Kailangan ko ng tulong mo at alam kong kailangan mo rin ng tulong ko.”
Hindi hinayaan ni Krieg na makawala si Maris. Ginawa niya ang lahat ng makakaya. Walang ka-effort effort niyang ihinarang ang sarili hanggang sa hindi na rin pumalag ang dalaga. Kusa na itong tumindig ng diretso at tumigil sa paglalakad.
“Tulong?” Mapakla siyang natawa. She crossed her arms against her breast. “Hindi ko kailangan ng tulong lalo na kung galing sayo.”
“Alam kong naghahanap kasama sa bahay. Nasabi sa akin ng land lady na ayos lang sayo kung may ka-share ka dahil nahihirapan ka na rin i-cater lahat ng expenses.”
“Oo, pero babae rin ang hanap ko. Auto pass kapag may nota.”
“Maria, bastos lang magsalita ang bunganga ko pero malaki ang respeto ko sayo, sa inyong mga babae. May nanay din ako at kapatid na babae at mahal na mahal ko silang pareho kaya hinding-hindi ko magagawa sa ‘yo ang nasa isip mo.”
Umurong ang dila ng dalaga. Tila napipi siya bigla.
“Naghahanap ako ng pansamantalang tutuluyan. Naghahanap ka ng makakahati sa expenses. Hindi ba’t win-win situation ang mangyayari kung bibigyan mo ako ng pagkakataon”
Umismid si Maris. “Paano naman naging win-win situation ‘yon kung ikaw lang naman ang may makukuha.”
“Try me. Pinapangunahan mo kasi masyado.”
“Ayoko. Huwag mo akong utuin dahil hindi mo ako makukuha sa mga sugar coated mong salita. Umalis ka na sa harap ko dahil mahuhuli na ako sa klase.”
Biglang tumawa si Krieg. “Trying to escape, huh.”
“Nababaliw ka na nga. Tumabi ka na diyan bago pa ako sumigaw ng rape.”
“Maris, wala kang klase ngayong umaga. Alas dos pa ng hapon ang una mong klase.”
“P-Paano mo nalaman?” Kunot noo niyang tanong.
“Nakapaskil sa study area mo ang schedules mo. Hindi ko sinasadyang mabasa.”
Hindi napigilan ni Maris na sapuin ang kaniyang noo. How can she forget her own schedule? Ito na ba ang tinatawag nilang ‘signs of aging’?
“Huwag mong sabihing…nakalimutan mo?” usisa ng binata. Inirapan niya lang ito dahil sa totoo lang ay nakalimutan niya nga.
Sa dami ba naman ng maari niyang kalimutan ay ayon pa ang nakalimutan niya.
“Ayos lang ‘yan. Ganiyan din naman ako madalas sa sobrang dami ng back logs, paper works, at readings.” Bumuntong-hininga si Krieg. “Kung papayag kang makituloy ako sa ‘yo ng pansamantala, ako ang magbabayad sa tatlong buwan mong renta. Sagot ko rin ang bills ng electricity, tubig, at internet connection. Ako na rin ang bahala sa grocery at isang buwan na supply mo sa kape. Deal?”
Paulit-ulit siyang lumunok at kapag kuwa’y tumango rin naman. “Sige?” Alanganin niyang saad. Bahala na si batman. Kailangan niya ng pera ngayon at gipit siya. Ipinapanalangin niyang huwag siyang magsisi sa desisyon na ginawa.
“It’s a deal then.” Ngising aso si Krieg matapos makumbinsi ang dalaga. He’ll be spending more time with her starting today. Hindi na niya kailangan pang umisip ng walang kwentang rason para makita si Maris.
Sa wakas, valid na rin ang rason niya. ‘Dorm mates kami kaya natural na magkita.’
“But…why are you doing this?” she asked, biting the lower part of her lips.
“I don’t know either,” he replied with a sigh.