Kabanata 16

1164 Words
THE first rays of sunlight lit up her room. Maris rubbed her bleary eyes before walking to the window. There, she witnessed the rising sun casting a rosy hue across the morning sky. The birds were chirping delightedly and enjoying the cool breeze. Golden fingers of sunlight lit up the scene.   Perfect. That is how she described her morning today. Everything around her seems alive and smiling. Maganda ang pakiramdam niya, magaan siyang sinalubong ng sinag ng araw na siyang tanda na bumabati ito ng isang magandang umaga, at higit sa lahat ay kumpleto ang walong oras na tulog niya.   Mula sa kinatatayuan, hinawi niya ang manipis na tela ng kurtina na siyang tumatakip sa bintana, at humaharang sa magandang tanawin. Isang tanawin na kinasasabikan ng kaniyang dalawang mata.   What a breathtaking scene. Kusang kumurba ang labi ni Maris. Ilang segundo ang lumipas bago niya tuluyang buksan ang bintana. Her eyes were satisfied. Maging ang sarili niya ay satisfied din sa mga makukulay na bubong ng mga bahay sa ibaba. Iyon nga lang ay natatabunan iyon ng kaunting hamog.   Bukod sa scholarship at financial reasons, ito ang isa pa niyang rason kung bakit mas pinili na maging probinsiyana at huwag tumungtong sa mas sibilisadong lugar. Sa katotohanan ay mas malaki nga ang oportunidad doon kaya’t maraming ka-barangay at kakilala ng pamilya ang nanghinayang para sakan’ya. May ilang taong humusga sa desisyon niyang ginawa. Pero hindi nalang iyon pinansin ng dalaga; hindi mababakas ang pagsisisi sakanya.   Naniniwala si Maris na wala iyan sa kasikatan at kalakihan ng Unibersidad na papasukan. Ang mahalaga naman ay makapag-aral, matapos at maigapang ang ilang taon sa kolehiyo upang maabot ang mga pangarap, magkaroon ng maayos na trabaho upang matulungan at mai-angat ang magulang. Higit sa lahat, upang mag-silbi sa bayan at makatulong sa nangangailangan. Sulong para sa Bayan!   Mariin niyang ipinikit ang dalawang mata at saka huminga ng malalim. This is her routine lalo na sa t’wing pagod siya at nagcre-crave sa pahinga.   “Coffee?” someone asked.   Agad na napamulat ang dalaga nang maramdaman ang presensya ng panauhin na si Krieg. Wala itong suot na saplot pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang humaharang sa umbok niyang dragon sa ibaba.   “Masarap uminom ng kape habang nakamasid sa bintana. Refreshing, isn’t it?”   “Indeed,” aniya naman ng tanggapin ang maliit na tasa. “Thanks!”   “Ang cold mo naman magpasalamat, Maria.” Panunukso nito. “But you’re always welcome. Huwag kang mag-alala walang lason ‘yan o gayuma. Hindi ko na kailangan gumamit non,” dagdag niya’t saka kumindat ng nakakaloko.   “Ang yabang talaga,” bulong ni Maris. “Pasalamat ka gipit ako ngayon.” Tinawanan lamang siya ni Krieg at sumimsim sa tasa bago ituon ang pansin sa tanawin.   “Ang sarap gumising sa Baguio, ano?” Hindi rin natiis ni Krieg manahimik. Gusto niyang mas mapalapit pa kay Maris. Hindi niya gustong magsayang ng oras dahil mabilis lamang pumatak ito’t baka magsisi siya kung nagkataon. Higit sa lahat, gumastos na siya. Sayang naman kung ‘di niya masusulit hindi ba?   “Yeah,” she replied with a sigh.   “Pero mas masarap gumising na ikaw agad ang nakikita ko.”   “Ilan na kaming nasabihan mo niyan?” umismid si Maris.   “Hindi ko na mabilang,” sakay ng binata.   Hindi na muling umimik si Maris ngunit unti-unti na siyang nakakamdam ng kakaiba. Hindi ka pa ba aalis, Krieg? She asked herself. Umalis ka na, please?    Hindi na siya komportable at nagsisimula nang makaramdam ng pagka-ilang.   Tumikhim si Maris. “Can you at least wear something decent?” aniya’t muling ibinalik ang mata sa bintana. Umayos ka Maria Nerrissa! Bilin ng dalaga sa sarili. Pasaway kasi ang mata niya, kung saan-saan napapadpad ang tingin.   Muli siyang tumikhim at inulit ang sinabi. Mukha kasing hindi ito narinig ni Krieg at patuloy pa rin sa pag-balandra ng katawan. “Can you at least wear something decent?” she asked, again.   “I’m sorry,” he replied, laughing. “Really, I am sorry.”   “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Her eyes turned three hundred sixty degrees.   Minsan ayos naman kasama si Krieg, pero madalas makaramdam ng iritasyon ang dalaga sakanya dahil sa ganitong ugali. Paiba-iba kasi kaya hindi mawari kung alin ba talaga. Kung sino ba talaga siya. Kung alin doon ang totoo at alin doon ang pinepeke lang niya.   “Wala naman. Ang cute mo lang kasi ma-attract. Pwede mo naman hawakan abs ko kung gusto mo. I won’t mind.”   Wow! “Masyado na ‘atang sumobra sa kapal ang mukha mo, Krieg?”     “Kidding babe,” he replied smirking. “Naiilang ka ba?”   “Hindi ba halata?”   “Uh, hindi?” Patanong niyang tugon na siyang naging rason upang mas makaramdam ng inis si Maris. “I thought you would not mind me walking around your unit, shirtless. Akala ko kasi sanay ka na makakita ng Adan.” Idiot. I’ve never seen one, except yours! “Mukha ba akong mahilig mag-uwi ng lalaki sa unit ko para makipag-chukchukan?”   “Uh, but I saw your magazines. Puro topless at uhm…kinda wild poses and revealing models-”   “That is not mine!” Putol niya sa binata. “H-Hindi sa akin ang mga ‘yon,” ulit niya sa mahinang boses.   “Defensive,” Krieg replied biting his lower lip to prevent himself from laughing.   Ang mga magazine na tinutukoy ni Krieg ay pagmamay-ari ng kaniyang matalik na kaibigan, walang iba kung ‘di si Regan. Marahil ay naiwan niya iyon noong nakaraan dulot ng pagmamadali.   “Hey. It’s okay. Hindi ko naman ipagkakalat at saka normal lang sa edad mo o natin na magkaroon ng you know, little bit of fantasy. A s****l fantasy indeed.”   “Shut up! Hindi nga ‘yon sa akin.” She may look and sound defensive again.   Ang tanga mo, Maris! Naglinis siya kagabi kaya’t kataka-takang mayroon siyang nakaligtaan. Ang malala, iyong mala-porn na magazine pa ni Regan.   Nilinis niya kasi ang unit kagabi dala ng pagka-hiya sa binata na kaniyang panauhin. Nangamba ang dalaga na baka husgahan siya nito. Iniisip niya rin na maselan si Krieg dahil anak-mayaman at laki sa luho. Baka mamaya ay magkasakit siya sa poder nito at siya pa ang masisi.   “Okay.” Tatawa-tawa niyang saad. “Naniniwala ako sayo,” dagdag niya ngunit mas lalo lamang natawa dahil sa pag-kunot ng noo ni Maris.   He stepped back and put the cup at the table. Itinaas niya ang dalawang kamay sa harap ng dalaga tanda ng pagsuko.   “I apologize for my impulsive action. Good morning, Maris!” he said while smiling from ear to ear, genuinely.   Ang ganda ng ngiti mo, Krieg. Ikakagalit ba ng Cebuana kung sa ngiti mo ako nagpadala?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD