UMIKOT ang dalawang mata ni Maris. Tumalikod siya at muling hinarap ang magandang tanawin sa labas ng inuupahang apartment. Lihim siyang ngumiti. Magaan ang pakiramdam niya. Mas magaan kumpara sa mga lumipas na araw.
“Pwede mo na akong tingnan. Mayroon na akong suot ngayon,” rinig niyang wika ng lalaki na kung ‘di siya nagkakamali ay nasa kaniyang likuran.
Napawi ang matamis na ngiti sa kaniyang labi nang magsalita ito. Bumigat ang paghinga ng dalaga, pinipigil ang sarili na kumagat sa pain ng isang mapanganib na salita mula sa hindi katiwa-tiwalang personalidad na kasalukuyang nasa loob ng kaniyang tinutuluyan.
“We?” Iyon lamang ang nasabi niya.
Pilit na inalala ni Maris ang proseso ng breathing exercise na nabasa niya mula sa isang artikulo. Sinubukan niyang gayahin ito upang bumalik sa normal ang paghinga at manatiling kalmado bago harapin ang panauhin.
She’s trying.
She’s doing her best.
Iyon naman ang importante lagi, ang sumubok ka at ginawa mo ang makakaya mo para sa isang bagay. Manalo ka man o matalo, makamit mo man o hindi ang nais o hinahangad mo, ang importante sumubok ka. Nag-take ka ng risk sa isang bagay. Doon pa lang sa pagiging matapang mo sa pagharap ay panalo ka na. Dahil hindi lahat ng tao ay mayroong lakas ng loob upang makipagsapalaran, sumubok, at lumaban.
Pinaglaruan niya ang labi gamit ang sariling ngipin at dila. Kinakagat-kagat o ‘di kaya naman ay binabasa niya ito. Ilang segundo bago muling bumuka ang bibig ni Krieg.
“Uy! Ang lala naman ng trust issue mo sa akin.” He tried to play it cool.
“Buti alam mo,” padarag niyang tugon sa binata.
Kapansin-pansin ang pagbagal ng usad ng mga sasakyan sa ibaba. Unti-unting natatakpan ng mga kumpol-kumpol na sasakyan ang magandang tanawin na kaniyang pinagmamasdan. Mabuti na lamang at wala siyang pasok ngayon dahil tiyak na mahuhuli siya sa klase. Mahirap mag-abang ng jeep sa kanto ng kanilang dormitoryo. Mailap ang mga jeep na dumadaan sa kanila, kung mayroon man ay puno naman ito o sa ibang ruta dadaan. Maraming taxi sa tabi tabi pero hindi niya afford. Masyadong mahal ang bawat patak ng metro; iyong makukunsumo niya sa pamasahe ay ipangkakain niya nalang. Hindi naman kalayuan ang apartment niya sa unibersidad, lima hanggang pitong minuto lang kung maglalakad siya. Iyon nga lang, masakit sa paa maglakad dahil pataas ang kalsada. Higit doon, nakakapagod umakyat sa Igorot Stairs na kaniyang madadaanan palabas. Ganoon din sa overpass upang tumawid papunta sa main gate ng unibersidad.
Mabuti na lang at malamig sa Baguio. Kahit mapagod siya at pagpawisan ay fresh pa rin siyang makakarating sa destinasyon.
Napaigtad si Maris nang maramdaman ang kamay ng binata sa kaniyang mga daliri. She was stunned for a moment. Nanlaki ang dalawang bilog ng kaniyang mata at ng makabawi ay dali-daling tinapik ang kamay ni Krieg. Hinarap niya ito at pinanlisikan ng mata. Agad na itinaas ni Krieg ang dalawang kamay tanda ng kaniyang pagsuko sa dalaga.
“Stop hurting yourself, Maris.” Nagsusumamo at nangungusap ang kaniyang mata.
Kumuyom ang dalawang kamay ng dalaga. Napansin niya. Diniinan niya ang pagkakayukom at doon niya lang halos naramdaman ang hapdi na dulot ng kaniyang unhealthy habit.
“Buhay ko ‘to kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. Wala ka na roon. At isa pa, wala kang lugar para pagsabihan ako dahil una sa lahat ay hindi naman tayo magkaano-ano. Hindi rin tayo magkaibigan. We’re just strangers; we met by accident.”
“Everything happens for a reason.We met for a reason,” pangangatiwiran niya. “Concern lang ako sa ‘yo. Sinasaktan mo ‘yang sarili mo. Bakit?”
Ngumisi siya. “Anong rason naman ‘yon?”
“Well, that’s for us to find out.” Kibit-balikat niyang tanong. Buong tapang niyang sinalubong si Maris. Sinubukan niya itong lapitan ngunit ang dalaga na mismo ang kusang umatras palayo sa kaniya.
Kung ayaw niya, kung hindi siya komportable, hindi niya ipipilit. He knows his limitations and boundaries. Ayaw niyang gumawa ng bagay na maaaring maging rason upang tuluyan na siyang palayasin ng babae.
“Hanggang diyan ka lang,” pagbabanta niya.
“Okay. I’m sorry. Natakot ba kita?”
Umarko ang kilay niya. “Bakit naman ako matatakot sayo?”
“Girly thoughts. What if may gawin ako sayong masama?”
“Meron ba?”
“No. No.” Agad niyang dipensa. “I mean it was the normal thoughts and reactions of a typical girl-“
“You dated?” Pinutol niya ang binata at siya na ang tumapos sa nais nitong sabihin.
He laughed and it echoed throughout the entire room.
“Guilty, are we?” Unti-unting sumilay ngiti sa kaniyang labi ngunit agad din niya itong inalis. Tumikhim siya’t ibinalik ang natural na ekspresyon.
“A bit?” Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng hiya sa katawan si Krieg. Yumuko siya’t kumamot sa buhok. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi ng ibalik ang tingin kay Maris. “Kaunti lang. ‘Di naman ako masyadong malandi katulad ng iniisip mo.”
“Wala naman akong sinabi na malandi ka. Sayo mismo nanggaling ‘yon,” aniya.
“Anyways let’s go back to our topic. Iniiba mo kasi.”
“Ang alin? Na hindi coincidence yung pagkikita natin? Oo, siguro nga. Siguro nga nagkakilala tayo para mas lalo mo pang sirain yung isang tao na matagal ng sira.”
“Maris…” Malambing at masuyo niyang bigkas sa pangalan ng dalaga. “Don’t think that way. Hindi kita sasaktan kung ‘yon ang nasa isip mo-”
“Tatay ko nga, sarili kong kadugo, kaya akong saktan. Ikaw pa kaya na ‘di ko naman kaano-ano?” Mayroong dumaan na sakit at pait sa kaniyang mata.
Memories from the past made her feel the pain. Iyong sakit na pilit niyang tikatakbuhan sa ilang taon na.
“I’m sorry to hear that. Kung gusto mo ng kausap, nandito lang ako. Lagi akong handa na makinig sa sasabihin mo. May kwenta man o wala. Hindi ko alam kung gaano kasakit yung nararamdaman mo. Hindi ko alam kung ano ‘yung mga pinagdaanan at pinagdadaanan mo but I wanted you to know that I will always be here for you. Ang laban mo ay laban ko na rin.”
“Sinasabi mo ‘yan kasi naaawa ka sa akin. Hindi ko kailangan ng awa mo. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Kung wala ka ng sasabihin makakaalis ka na.”
“Don’t hurt yourself, Maris.”
Bumuntong-hininga siya. “Susubukan ko.”
“Bakit…bakit mo ginagawa ‘yan sa sarili mo?”
Bakit nga ba? Bakit nga ba niya sinasaktan ang sarili niya? Iyan din ang tanong na paulit-ulit niyang itinatanong sa sarili. Ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang sagot. Hindi niya pa rin mahanap ang sagot. At patuloy pa rin siyang naghahanap ng sagot.
May oras na naiisip niyang alam niya ang sagot sa tanong ngunit hindi niya ito maamin sa sarili niya kaya’t naiisip niyang hindi niya alam kahit alam niya naman.
“Madalas mo ba ‘yon gawin?”
Tumango sa Maris. Itinago niya sa kaniyang likod ang dalawang kamay nang bumaba ang mata ni Krieg doon. Hiyang-hiya siya sa nasaksihan nito.
“Gaano kadalas mo gawin sa isang araw?”
Nagkibit-balikat siya. “Sa totoo lang hindi ko rin alam. Basta’t hindi ko lang mapigilan. Minsan hindi ko namamalayan na ayan na, binabalatan at sinusugat ko nanaman ang sarili ko.” Saglit siyang huminto. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. “Ah basta. Ewan ko.”
“Don’t be too hard on yourself, Maris.” He faced her and look directly in her eyes. “Stop hurting yourself. Nasasaktan din ako.”
"Ayaw ko rin naman na ganito ako." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Saglit na tumigil at muling hinarap ang binata. Matapang niyang sinalubong ang paningin. "Kung ayaw mong ganito ako, mas ayaw ko na ganito ako."
"Then why are you still doing that?" curiously, he asked.
"I...I honestly don't know."
She's trying.
She is doing her very best to stop this bad habit of hers. Pero hindi niya ito maalis-alis. Kahit anong pagpipigil ang gawin niya ay darating at darating pa rin siya sa puntong hindi niya namamalayan na sinusugat na ulit niya ang sarili. Pinagdidiskitahan ang mga kuko at daliri, binabalatan ito at sinusugatan upang may maramdaman at hindi mamanhin.
"Maris." Masuyo niyang sinambit ang pangalan ng dalaga at sinubukang abutin muli ang kamay niya, ang daliring sugat-sugat at nagdurugo na. "Hugasan mo 'to ng sabon at baka mapasukan ka ng impeksyon. Come here."
Hinayaan ng dalaga si Krieg nang igaya siya nito sa tabi ng sink upang hugasan ang kamay. Kusang nagpatangay ang katawan ni Maris at tila nahipnotismo ito sa lambing at hinahon ng boses niya. Idagdag mo pa ang nangungusap niyang mata.
Napaigtad siya nang maramdaman ang lamig ng tubig sa kaniyang kamay. Pakiramdam niya ay namamanhid siya sa sobrang lamig na dulot nito. Sinubukan niyang bawiin ito ngunit hindi hinayaan ni Krieg na dumulas ito at mawala sa kaniya.
"I'm sorry. Akala ko may automatic heater kayo. Nasanay ako sa bahay," paliwanag niya. "Tiisin mo nalang muna kaunti yung lamig. Kailangan mong mahugasan at malinisan 'yan."
Tumango siya. Hinaplos niya ang kamay ng dalaga bago ito ibalik sa tapat ng faucet. Marahan niya itong hinugasan ang sinabon. Sa mga sandaling iyon ay hindi makapag-isip ng matino si Maris. Pakiramdam niya ay nawala na siya sa sariling katinuan at tuluyan nang nilamon ng kahibangan.
"Mahapdi," mahina niyang pag-amin.
"Mas lalong hahapdi 'yan kung ipagpapatuloy mo," aniya't tinuyo ang kamay ng dalaga. "I have a question pero huwag mo sanang masamain."
"Hmm. Ano 'yon?"
"Do you want me to accompany you to a Psychologist?" he asked.
Saglit siyang natahimik. Hindi si Krieg ang unang tao na nagsabi sa kaniya non. Maging ang research professor niyang Psych major ay matagal na siyang kinakausap at kinukumbinsi na kailangan niya ng tulong. Ganoon din ang kaniyang matalik na kaibigan na si Regor.
Mayroon siyang anxiety disorder. Hindi naman ganoon kalala ngunit may mga episode siyang gusto niyang saktan ang sarili upang hindi mamanhid ang katawan. Umabot na rin sa punto minsan na natukso siyang wakasan ang sariling buhay.
Iyong pagbabalat niya sa daliri ay nagsimula noong siya ay bata pa lamang. Ito ay unang nangyari nang matagpuan niya ang ama na may kasiping na iba, ang kapatid ng kaniyang mama. Nanahimik siya. Hanggang ngayon at bitbit bitbit ng konsensya niya ang mainit na tagpo na kaniyang nasaksihan. Hindi niya magawang aminin sa ina dahil ayaw niya itong masaktan. Nagbulag-bulagan siya, Naging taingang kawali. Simula non, sa tuwing mayroong nangyayari o kaya naman ay hindi maayos ang pakiramdam niya ay natatagpuan niya ang sarili na nagbabalat. Lalong lalo na sa tuwing nag-iisip siya ng kung ano ano. Hirap siyang i-shut down ang utak.
Kahit gaano kahapdi ay tinitiis niya. Ilang beses na rin niyang sinubok na itigil ito. Umabot naman siguro ng isang linggo na hindi niya nasugat ang sarili ngunit hindi niya namamalayan na unti-unti ay naibabalik niya ulit iyon. Hanggang sa nagsawa na rin siyang sumubok at hinayaan niya nalang.
"Kailangan ko na ba talaga?"
Tumango ang binata. "You need help, Maris." Inabot niya ang kamay ng dalaga. Marahan niyang hinaplos ang mga sugat na natamo ng daliri at saka ito masuyong hinalikan. Unti-unti niya itong ibinalik at binitawan. Pumikit siya at naghintay. Inaasahan niya ang pagdapo ng mainit na palad ni Maris sa kaniyang pisngi. Ilang segundo ang lumipas nang wala siyang naramdaman. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata ngunit wala na sa kaniyang harapan si Maris.
Umalis ang dalaga. Iniwan niyang pikit-mata at nakatayo sa tapat ng binata si Krieg.