PUMASOK sa isang bookstore si Maris. Kakatapos lamang ng nakakaantok nilang klase mula sa isang matandang propesor na abogado. Mahusay itong magturo dahil talagang mayroon kang matututunan sakanya kaso nakakaantok. Bukod sa mahina ang boses ay hindi rin klaro ang mga salita dulot na rin siguro ng edad. Tungkol sa Agrarian Reform na ang pinag-aaralan nila. Interesado siya tungkol sa lupa dahil sa kanilang probinsya ay talamak ang agawan at awayan sa lupa. Maraming mayayaman na mayroong impluwensya ang sakin at nang-aangkin ng pag-aari ng iba. Marami rin ang nag-aabuso sa mga kaawa-awang magsasaka. Ginigipit sila at hindi binabayaran ng tama. Maghapon silang nakabilad sa araw upang makukuha lamang ng sentimo na hindi pa sapat upang makakain ang mag-anak tatlong beses sa isang araw. Ngunit

