Kabanata 19

1004 Words
PADARAG niyang binuksan ang pinto ng music room. Busangot ang kaniyang mukha, mayroong naka-ukit na mga linya sa noo, at nakakuyom ang kamao. Wala siyang nadatnan na tao sa loob. Tanging mga nakakalat na instrumento, maruming carpet, at leftovers ng pagkain at pinagkainan ang naabutan niya. “Ang dugyot naman ng huling gumamit,” iiling-iling niyang sambit. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Ibinaba niya ang gamit sa sofa. Luminga-linga siya sa paligid ng silid habang kagat ang pang-ibabang labi. Wala siyang nakitang walis o kahit anong gamit panglinis. Ayaw niya naman itong iwan na ganito na lang. This room is his comfort zone. Sa musika niya nailalabas ang mga salitang hindi niya masabi at mga nararamdaman na hindi maipakita. Naglakad siya palapit sa mga instrumento. Isa-isa at maingat niya itong kinuha upang i-ayos at ibalik sa pwesto. Matapos ibalik ang lahat, isa-isa niya namang pinulot ang mga plastic bottle, packaging, at styrofoam sa audience desk. Mayroon namang basurahan sa gilid ng pinto ngunit walang nagkusa o nakaisip na itapon ito sa tamang lalagyan imbis na iwan na lamang na pakalat-kalat sa silid. Pinagpag niya ang kamay. Inilabas niya ang alcohol at wet wipes upang linisin at alisin ang mikrobyo na kumapit sa kaniya. Hinayaan na niya ang maruming carpet at ilang alikabok sa instrumento. Kakausapin na lang niya ang maintenance mamaya upang mag-report at ipalinis ang kalat na iniwan ng huling gumamit. “Sa susunod irereklamo ko na sila,” irritable niyang pinatuyo ang kamay. Habang nagpapatuyo ay naisip niya si Maris. Natigilan siya. Naalala niya ang ginagawa niyang pananakit sa sarili at pagsusugat sa daliri. Hindi niya maiwasang mag-alala para kay Maris. Malalim na ang mga sugat sa daliri niya, mukhang matagal na niya iyon ginagawa sa sarili. Napapaisip si Krieg kung ano ang dapat gawin upang matulungan si Maris na makalaya sa kung ano man ang nagkukulong sakanya, nagtutulak o nagsusulsol upang gawin niya ang bagay na hindi dapat gawin. Unti-unting nagpakita sa isipan ng binata ang imahe ni Maris. Napakaganda! Para itong isang anghel na bumaba sa lupa. Nanlilisik lagi ang mata ngunit tila mayroon itong taglay na hipnotismo dahil sa tuwing titingin si Krieg ay nawawala na ito sa katinuan. He can’t stop looking at her. Hindi nakakasawa. Kahit buong araw niyang titigan ay hinding-hindi siya magsasawa. Bumuntong-hininga siya. “Sana alam ni Maris kung gaano siya kaganda,” bulong niya sa sarili. “Maris?” Tumatawa ito ngunit ang tono ay may kalakip na pagtataka. “Sino si Maris?” Nag-angat ng tingin si Krieg at nakita ang kaibigan na si Sudara sa pinto ng music room. Nakatayo ito sa entrada at nakahalukipkip. Mayroong nakasuksok na bluetooth earphone sa kaliwang tainga habang ang bunganga ay abala sa pagnguya ng chewing gum. “Who’s Maris?” Muli niyang tanong. Umiwas ng tingin ang binata. “Pumasok ka na. Isarado mo ‘yang pinto at lumalabas ang lamig ng aircon. Sayang sa kuryente, mahiya ka naman,” pag-iiba niya sa usapan. Tuluyan na itong tumalikod at itinago ang alcohol sa loob ng bag. Pag-angat ng tingin niya ay mayroon siyang nakitang isang lumang gitara sa sulok. Kumunot ang noo niya. Pamilyar ang itsura ng gitara sa kaniya. Hindi niya matandaan gaano kung saan niya ito nakita pero sigurado siyang nakita na niya ito noon. Sudara laughed. Narinig niya ang pagtunog ng lock, senyales na pumasok na ng tuluyan ang kaibigan. Naramdaman niya ang presensya nito sa kaniyang likuran. “Ngayon lang ako nakarinig ng pangalan ng babae sa bibig mo a,” nanunukso niyang saad habang nagpapaikot-ikot sa paligid ng kaibigan. “Who’s the lucky girl?” “Will you please stop doing that? Kanina ka pa paikot-ikot, nahihilo ako sayo,” pagsusungit niya. Ang mata ni Krieg ay nanatili sa lumang gitara. Hindi maalis ang tingin niya doon. Tila may kung ano ang nanghihikayat at nagsusulsol sa isipan niyang lumapit at kunin ang gitara. “Seriously bro, who’s Maris? Kailan mo siya ipapakilala sa amin?” “Kanina ka pa ba Nandito?” “Nagtatanong ako tapos tapos din isasagot mo sa akin. Iba ka rin talaga, Hanskrieg!” Umiling-iling ito. Ipinagpag niya ang pantalon at umupo sa monoblock upang ayusin ang sintas ng sapatos. Nang mag-angat ng tingin ay naabutan niya ang kaibigan na nakatingin ng masama sakanya. “What? Akala mo makukuha mo ako sa ganiyan mo. Hindi ako natatakot sayo,” dagdag niya. “She’s none of your business, Sudaria. Stay out of this.” Pagbabanta niya. “Gago?” Napatayo sa gulat si Sudaria. Nanlaki ang mata niya at tinapik ang balikat ng kaibigan. Hindi ito makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kaibigan. “Seryoso ka ba sakanya? Krieg, alam mong malapit na ang eleksyon. Kung may pakialam ka sakanya at ayaw mo siyang mapahamak, as early as now I suggest na iwasan mo na,” payo niya. Kumuyom ang dalawang kamao ni Krieg. Stay out of her? Hindi niya kaya. “I’ll protect her.” Umismid ang binata. “Ano ka, superhero? Krieg, kung sino man ‘yang Maris na ‘yan she’s not good for you.” “Sino ka para sabihin kung sino ang masama at hindi masama para sa akin?” He defended. “Dude, naririnig mo pa ba sarili mo? Hindi ka maaring magkaroon ng kahinaan dahil ayon ang gagamitin ng mga kalaban mo sa ‘yo. Krieg, baka mawala lahat ng pinaghirapan mo at ng pamilya mo kung hahayaan mo ang sarili mo na mahulog sa isang babae.” “Hindi nila ako matatalo. Hindi nila magagalaw si Maris. Dadaan muna sila sa akin, papatayin ko silang lahat bago pa nila mahakawakan kahit isang hibla ng buhok niya,” he uttered and walk away. Narinig niya ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniyang pangalan ngunit hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siyang naglakad at hinayaan ang kaibigan mag-isa sa music room. Plano niyang kumanta kanina. Naisip niyang magsulat ulit ng kanta dahil ngayon lang siya nagkaroon ng inspirasyon at gana ulit. At iyon ay dahil kay Maris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD