MAALIWALAS ang mukha ni Krieg. Mayroong nakapaskil na ngiti sa kanyang labi at kakaibang kislap sa mata katulad ng isang bituin na maningning.
“Thank you, Ria. Have a great day,” rinig niyang saad ni Quizon. Ibinaba niya ang cellphone na nasa kanang bahangi ng tainga bago harapin si Krieg, ang pasaway niyang kapatid.
Naabutan niya si Krieg na nakatingin sa kanya at may ngisi sa mukha, inaabangan ang mga salitang susunod niyang bibitawan.
“Is she coming?”
Nabuhay ang pagkamangha ni Quizon sa katawan. Labis siyang naninibago sa pinapakita at ikinikilos ng bunsong kapatid. Sa tanang buhay niya at sa tagal ng taon na nakasama niya ang kapatid ay ngayon niya lamang nasaksikhan ang ganitong klase ng reaksyon at sigla mula kay Krieg. Sa mga mata ni Quizon, si Krieg ay parang isang bata na nasa parke at matiyagang naghihintay sa ina na bumili ng paborito niyang lobo o kendi.
That is exactly how he looks in his eyes.
“I guess,” Quizon answered with a sigh.
“Ah! Bakit hindi sigurado—teka, where did you get her phone number?” Interesado siya sa dalaga. Malinaw iyon kay Quizon kahit na ilang beses pa niyang i-deny iyon. Ngunit siya ang natatakot para sa kapatid. Hindi ito ang buhay na ginusto at inaasam niya; mahihirapan si Krieg na aminin sa sarili ang tunay na katauyan ng puso.
"Where did you get her phone number?"
Quizon took a deep breath. “Fix this mess, Krieg Hindi na kita kukunsintihin pa ulit. Ito na ang huling pabor na maibibigay ko sa iyo ngayon. Go home already and please, don’t tell mom and dad that I’m here.”
He nodded. “Fine. In one condition, give me her number.”
“No. That is something confidential. Gusto mo ba akong mawalan ng trabaho?”
"Number lang naman. Hindi ko naman sinabing ibigay mo sa akin lahat ng detalye."
"Learn to respect someone else privacy, Krieg."
"I just want her phone number. Come on, Good Doctor!"
"No, Krieg." His forehead knotted a bit. Sumasakit na ang ulo niya sa kapatid.
"Last na 'to-"
"If you want to get her number, talk to her and ask for it."
“No one will know. Men, come on! Sa atin atin lang ‘to.” Pilit niyang pangungumbinsi. Kahit naman hindi ibigay ni Quizon ang numero ng dalaga ay gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan. He can pull some strings. Sa dami ng tao niya at galing ng imbestigador niya, mahahanap at mahahanap niya si Neri—Ria, o kung sino man talaga siya.
Kahit saang lupalop ng mundo siya magtago, wala siyang kawala kay Krieg. He is the great Hanskrieg Cojuanco, after all.
“Oo na, oo na!" Itinaas niya ang kamay sanhi ng pagsuko. Jerk! "Hindi na kita kukulitin. Just let me stay here for a moment. Anong oras daw ba niya ako pupuntahan?”
Nagkibit balikat ang doktor. "Wala siyang sinabi."
“Just make sure that she’ll come,” he added with a smirk. Krieg failed to hide the excitement in his face.
Isinuot ni Quizon at white coat. Ihinahanda na nito ang sarili dahil marami siyang pasyente sa rounds niya ngayon. Mamaya ay may libreng check up pa sila sa mga jeepney driver ng barangay.
“Do you like her?” diretsa nitong tanong.
“In my bed? Yes.”
“You know what I mean, Krieg."
"I like her which makes me want her in my bed."
Tumikhim ito. "In a romantic way?”
“No,” he almost whispered. “I just find her interesting. That’s it.”
“Iba ang sinasabi ng bibig mo, sa sinasabi ng mata mo at ikinikilos ng katawan mo.” He tapped his broad shoulder. “If you like her, then pursue her. Minsan ka lang makakita ng katulad niya kaya huwag mo na pakawalan. Nasa huli ang pagsisi. Hindi mo pa maamin sa ngayon pero sa oras na mawala siya sa iyo at maging pag-aari siya ng iba ay doon mo malalaman kung gaano siya kahalaga sa iyo.”
Maging pag-aari siya ng iba. Unti-unting kumuyom ang kamao ni Krieg.
“Whatever.” Umiwas siya ng tingin. “Huwag mo muna pirmahan ang papel ko. Let me stay here for another night so—”
“What?” he hissed.
“Masyado mo na akong inaabala. Maraming pasyente ang apektado sa kalokohan mo. They need this space, so you better fix this mess now and then leave.”
“Fine! Ibigay mo na lang sa akin ang number ni Ria.”
“I thought her name is Neri?” mapag-uyam nitong tanong na siyang nakapagpatikom sa bibig ng kapatid.
Nagkibit-balikat si Krieg. “Akala ko rin. Pero sa ‘yo na rin galing na Ria ang pangalan niya at hindi Neri. By the way, hand me her number.”
“Only if you’ll admit that you like her,” hamon ni Quizon sa kapatid.
“F-ck you! I only want her in my bed—”
“Keep her. She’s rare and authentic.”
Yes, she is. Natulala si Krieg sa mga salitang iniwan at binitawan ni Quizon sa kanya bago nito tuluyang lisanin ang silid. Those words are hunting him and will keep on hunting him each day and night.
Hindi niya namalayan na tumagal na pala siya sa ganoon sitwasyon at pag-iisip.
Napa-igtad siya dahil sa malakas na pagbagsak ng pinto. Doon lamang siya nahimasmasan at bumalik sa reyalidad at sa tamang katinuan.
Damn. How long was I in that state? he asked himself.
Kunot-noong naglakad si Maris palapit sa bulto ng binata. He looks fine. Maaliwalas ang mukha at mukhang hindi naman mamamatay.
“You came,” bungad nito.
“Oo. May choice pa ba ako?” mapait niyang tugon habang pinapaikot ang dalawang mata.
May choice naman sana siyang hindi pumunta, pero mas nanaig sa loob ni Maris ang konsensya niya. Imbis na nag-aaral siya ngayon para sa klase mamaya ay heto, dakilang care taker siya ng isang lalaki na hindi naman niya kaano-ano at kilala ng lubusan. Tanging pangalan lang nito ang alam niya. Pangalan na hindi niya alam kung totoo nga ba o imbento lang.
“Ang sungit mo naman, Neri—Oh, sorry. Si Ria ka nga pala at hindi si Neri,” wika ng binata.
Natigilan si Maris at tila napako sa kaniyang kinatatayuan.
“Sino ka ba sa dalawa?” kuryuso niyang tanong. "Ikaw ba si Neri, o ikaw si Ria?"
He asked the same question that the doctor asked last night. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.” Umiwas siya ng tingin ang dalaga.
“Come on—”
Hindi niya na pinatapos si Krieg. Sumabat siya, “Does it matter?” she fired back, raising a brow.
“It does!” bwelta naman ni Krieg. “How am I suppose to moan your name when you’re licking and sucking my lollipop if—”
“F-ck you! Ang bastos bastos mo talag!” hiyaw niya. Pinamulahan siya sa mga sinabi nito. Wala man siyang karanasan ay hindi naman siya ganoon kainosente. Birhen Maria pa si Maris, pero ang utak at mata niya ay hindi na.
“Ang bastos, nakahubad. Pero dahil pinagbibintangan mo na rin naman ako, paninindigan ko na.” Kumindat siya. Kasabay non ay ang pabiro niyang pag-angat ng suot na pang-itaas hanggang sa dibdib. Tumigil siya at saka sinulyapan ang reaksyon ni Maris.
“Like what you see, baby?” He was actually expecting to see her admiring and drooling over his body. He wasn’t expecting a slap. Ito ang unang beses na nakakuha siya ng sampal mula sa isang babae na hindi niya pa nagalaw o nakatalik.
“I’m sorry.” Halos sabay nilang anas sa isa’t-isa.
She took a deep breath and fake her cough. “Ayusin ko lang papel mo para ma-discharge ka na.”
“Don’t...” nahawakan niya ang palapulsuhan ng dalaga. “leave me.”
“W-What?” Her mouth fell open. Ano ba ang ibig sabihin nito? Heart, why are you beating so damn fast? tanong niya sa isip.
“Nothing,” malamig niyang tugon at umiwas ng tingin.
Naramdaman ni Maris ang unti-unting pagluwag ng hawak ni Krieg sa kanyang palapulsuhan.
Okay? What was that? Iniwan niya muna ito sa silid dahil hindi na siya makahinga ng maayos. It’s a weird feeling for her.
“Okay na po ma’am. Pakipirmahan na lang dito sa baba.”
“Salamat po,” tipid niyang anas sa ginang. Medyo may edad na ang ginang at nagdadalang pa tao.
Nang maayos ang papel ni Krieg, nanatili muna siya sa lobby ng Ospital. Bumili siya ng limang piso na kape at saka iyon ininom habang binabasa ang ilang article na kailangan niyang gawan ng term paper mamaya. The deadline is also today, specifically this afternoon.
Halos dalawang oras din pala siyang nagtatal, hindi niya iyon namalayan. Agad niyang inayos at itinago ang mga gamit bago puntahan si Krieg.
Naabutan niya itong nakahiga at payapang natutulog. Bumuntong-hininga siya. Sinikap niyang huwag gumawa ng ingay upang hindi magising si Krieg.
It was a blessing for her. Mas mainam na tulog na lamang ito para hindi siya magambala, at matapos niya ang term paper.
Umupo siya sa maliit na sofa, sa gilid ng kama ng binata. Nasa kalagitnaan siya ng pagse-set up sa second-hand niyang laptop nang magsalita ito.
“I thought you already left me,” he said in a soft voice. “I’m sorry about earlier. It wasn’t my intention to offend you. Gusto lang kitang asarin.”
“Hindi ka tulog?” gulat niyang tanong?
“My eyes were closed. Medyo nahihilo kasi ako kanina.” It was true. Hindi gusto ng katawan niya ang itsura at amoy ng Ospital.
“Naayos ko na an mga papel mo. Pwede ka na raw lumabas mamaya.”
“You didn’t bring fruits and flowers for me,” turan niya ng imulat ang dalawang mata.
“H-Ha?” Siraulo talaga ang isang ‘to!
“Ah, iyong mga babae kasi laging may dala sa tuwing dinadalaw ako—”
“Ang demanding mo masyado, hindi naman tayo close. Tsaka pwede ba, huwag mo muna akong gambalain. May hinahabol akong deadline,” paki-usap niya.
Her eyes were focused on the screen of her laptop. Paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa photocopy na nakapatong sa hita niya.
Pinasadahan ni Krieg ng tingin ang dalaga. Simpleng v-neck white shirt na hapit sa katawan ang suot pantaas niya, pinaresan niya ito ng low-waist faded jeans, at kulay puti na sapatos.
Simple lamang ang porma niya pero nadaig niya pa ang isang modelo. May kung ano sa dalaga na hindi mawari ni Krieg. He can’t take his eyes off to her.
“Hot!” puri niya sa isip. He wasn’t aware that he actually said it in front of her.
“Ano?” nanlilisik ang mga nito.
“H-ha? Uhm, nothing.” Umiwas siya ng tingin.
“Iba ang narinig ko e. Binabastos mo nanaman ba ako?”
“Hindi, hindi. Ang sabi ko para kang krayola, kinulayan mo kasi ang buhay ko.”
Halos masuka si Maris sa narinig. ‘Tangina’ tuloy na word ang na-type niya sa keyboard.
“Ikaw naman, para kang elepante.”
“Bakit, baby?” he asked excitedly.
“Ang laki kasi ng tainga mo.”