HER FOREHEAD knotted a bit.
Nadatnan niya ang pinto ng kaniyang apartment na bukas. Impossibe! Bago niya iwanan ito, bago pumasok sa eskwela kaninang umaga ay sinuguro niyang naka-lock ang pinto. Tatlong beses niya itong sinuri upang mas makasiguro kahit na wala naman siyang milyon-milyong pera, mamahaling appliences, o mga alahas sa loob na maaring ibenta o isangla sa pawnshop.
Hindi siya maaaring magkamali.
Kinuha niya ang isang maliit ngunit matulis na lapis mula sa bulsa ng kanyang bag. Maari kasi itong gamiting instrumento sa self defense. Iyon ang natutunan niya noong nasa High School pa lang siya. Parte kasi ito ng pagsasanay nila noon sa Citezenship Advancement Training 1 (CAT-1) o iyong kung tawagin natin ay mga kadate. Tinuruan sila ng basic martial art moves, arnis, at kung paano depensahan ang sarili kung naipit sa isang sitwasyon. At mukhang magagamit at ma-apply na niya ang natutunan sa sitwasyon niya ngayon.
Itinago niya ang lapis sa nakatikom niyang palad. Mahigpig ang pagkakahawak niya doon at ang t***k ng kaniyang dibdib ay tila hindi niya maipaliwanag sa bilis. Sinikap niyang huwag makagawa ng kahit anong klase ng ingay. Maging ang hininga niya ay pigil na pigil din. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto. Doon bumungad sa paningin niya ang isang bulto ng lalaki. Ang matalik niyang kaibigan, si Regor.
Prente itong naka-upo sa kama niya habang nilalantakan ang isang mansanas na sa wari niya ay galing sa pinamili niya kahapon.
“Where have you been?” he asked, raising a brow.
Kung magtanong ito ay para siyang larawan ng isang huwarang lalaki na matiyagang naghihintay sa asawa niyang ginabi ng uwi.
Kasabay ng pag-ikot ng dalawang mata ni Maris ay ang pagbitaw niya sa lapis na halos maputol na kanina sa higpit ng hawak niya. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng apartment at saka ihinagis sa kung saan ang bag niya.
“Siraulo ka talaga, Regor! Ginulat mo ako!”
"Paano 'yung gulat? Pakinga nga ako."
"Bwisit ka!" Lumapit si Maris sa binata, agad niyang inagaw ang mansanas na hawak nito at saka ito kinagatan.
“Akin ‘yan!” angal naman ni Regor. Inagaw niya pabalik ang prutas at saka rin kumagat dito. Mas malaki kumpara sa kagat ni Maris.
“Ikaw bumili? Ikaw nagbayad?” Her eyes turned 180 degrees. “Bakit ka ba nandito? Akala ko ba mas gusto mo na iyong mga bago mong barkada?”
Mahusay at bihasa si Maris sa communication at public speaking. Pero hindi siya iyong tipo ng tao na kakaibagin ang lahat. She can talk to you, she can communicate well, she can help you, but she won’t trust you. Mahirap ibigay ang tiwala lalo na kung hindi mo naman alam kung deserving ba ang tao na pinagbibigyan mo non.
Pakikisama lang ang tanging magagawa niya. Kaya nang mawala si Regor ng ilang araw ay talagang nalungkot siya. Nakaramdam siya ng pangungulila. He’s the only person she got. Siya lang ang totoo niyang kaibigan at pinagkakatiwalaan.
Plastic masyado at manggagamit iyong mga bago niyang nakilala. Halata naman na kinaibigan lang siya sa dahil sa sagot at prebilehiyo sa mga performance task, paper works, at graded recitations.
Mga pabuhat, amp!
“Ilang beses mo akong hindi pinansin tapos ngayon ang lakas ng loob mong pumasok sa apartment ko ng walang pahintulot? This is tresspassing, you know.”
“Nope...” paulit-ulit siyang umiling. Sumayaw pataas-baba ang makapal niyang kilay. “Ibinigay mo sa akin ang duplicate key ng apartment mo. So, basically, 'yung moment na ibinigay mo sa akin ito ay may pahintulot ako mula sa ‘yo. Automatic na 'yon”
“Hindi ka na ba galit sa akin?” pag-iiba niya sa usapan. Baka kung saan pa ito mapunta at mas lalong lumala ang tampuhan nila.
“I don’t know,” he answered honestly and breathed softly. “Maybe yes. Maybe not.”
“Aba!” Ang kapal ng mukha. “So anong ginagawa mo rito?”
“Tatambay?” Cool niyang sagot. “Mas malakas kasi internet connection dito sa apartment mo. Doon sa akin ay mas makupad pa sa pagong. Kailangan ko pa lumabas at tumambay sa lobby para makapaglaro.”
"Kuripot ka kasi. Sabi ko naman sayo mag-ipon ka at magpakabit ng sarili mong router sa unit mo pero umaasa ka sa libreng wifi ng building. Ang layo kaya ng router sa kwarto mo tapos marami pa kayong naghahati-hati doon."
"Practical living. Walang mahirap sa taong may pangarap."
Hindi na niya ito inusisa kung paano niya nakumbinsi ang landlord na patuluyin siya. Bawal kasi bumisita ang lalaki sa apartment ng mga babae, iyan ang batas ni mama Rita. Panigurado sinuhulan niya nanaman ito ng tsokolate, binola bola, o 'di kaya naman ay nagpanggap nanaman siyang bakla sa harap ng ginang.
“Style mo bulok. Bakit nga?”
“Fine. Inutusan ako ng mama mo—”
“I knew it!” Tama nga ang hinala niya kanina. “Oh, ano nanaman ang isinumbong mo sa kanila this time?” Noong nakaraan kasi, bawat kilos niya ay reported ng detalyado sa magulang niya. At syempre, kagagawan iyon ni Regor.
Not that she hates updating her parents. Hindi lang siya komportaabe sa parte na monitored pa rin nila ang bawat kilos niya. Nasa tamang edad na siya at tumatanda na. Kailangan niya rin masanay mabuhay mag-isa at mag-explore sa outside world para mas matuto.
Your experience is your greatest lesson in life, they said.
“Wala naman. Nag-aalala kasi sila sayo. Kanina ka pa raw nila tinatawagan, pero hindi ka ma-contact. Lagi raw out of reach.”
F-ck!
“Kaya ako pumunta rito para i-check ka. Hindi naman porke’t may tampuhan tayo, wala na akong pakialam sa ‘yo. You’re still my sister from another mother—”
“Sus!” She failed to hide her facial expression. Humakbang siya palapit kay Regor at saka paulit-ulit na ginulo ang buhok nito. "Ang sabihin mo hindi mo lang ako matiis at na-miss mo ako. Kunwari ka pa. Halatang-halata naman sa mga mata mo at sa ikinikilos ng katawan mo."
"Nautusan lang ako huwag kang assuming." Kinagat ni Regor ang natitirang piraso ng mansanas at saka bumulong, Hindi mo man lang nga ako sinuyo. Hindi ka marunong.
“Bati na tayo.” Hindi iyon tanong, kung ‘di isang statement. Hindi man niya hayagang isinaad, nauunawaan naman ni Maris ang simbolismo ng kanyang itinuran.
“Tsk....” Umirap ito. Saan ka ba kasi galing? Gabi na. Uwi ba ‘yan ng isang matinong babae?”
“Nagsalita ang matino, ha!"
"Saan ka ba kasi galing at bakit hindi ka namin matawagan? Bumili ka pa ng cellphone kung hindi mo rin naman gagamitin."
"Ospital. Galing ako sa Ospital, Regor. Naubusan ng baterya ang cellphone ko at hindi ko namalayan."
Tumayo si Regor. Sinapo niya ang noo ni Maris gamit ang sariling palad. Hindi naman siya mainit. Sunod niyang sinuri ang buong katawan ng dalaga.
“Parang kang tanga, Reg,” nakalabi niyang puna. “Ang sabi ko lang, sa Ospital ako galing. May sinabi ba ako sa ‘yo na ako ang na-Ospital?”
Inusisa siya nito at hindi tinigilan. Habang naliligo ay inilalad niya ang buong nangyari kay Regor.
“May lawit?” kumurba pataas ang kilay ni Regor habang hinihintay ang sagot ng dalaga.
Tipid siyang tumango. Biglang sumagi sa isip niya ang itsura ni Krieg. Mukha itong action star at anghel na bumaba sa lupa.
I wonder how it feels to be wrapped around his body. Nanlaki ang mata niya, at agad na sinuway ang huwad na isipan. Anong pumasok sa kokote niya para maisip ang bagay na 'yon?
“Huy!” Napatalon siya sa gulat nang pitikin ni Regor ang noo niya.
Haiys! Ang tagyawat ko, napisa ‘ata. Poor pimple. May you Rest In Peace, and don’t ever dare to come back again. Please?
“Ano ba?” singhal niya. “Hindi ka na naawa sa mga tigyawat ko. Minamahal ko naman sila at inaalagaan pero bakit hindi ako iniiwanan?”
“Ang sabi ko, gwapo ba?”
“H-Ha?” Her forehead knotted.
“Gwapo ba siya?” his eyes were screaming excitement.
“Sino?”
“‘Yung tinulungan mo kanina, gwapo?”
Nagkibit-balikat siya. “Pwede na.”
“Pwede na?” Napalo niya ito sa kamay. “As in, pwede na maging jowa?”
Pinamulahan siya. Hindi niya type ang katulad ni Krieg. Mukha itong mapaglaro at hindi marunong magseryoso. Pero kung looks lang at katawan ang pag-usapan, pasok na pasok ito sa banga.
“Gutom lang ‘yan, friend!”
Pumitik ito sa hangin. Nagtaas-baba ang kanyang kilay. “Saktong-sakto, may niluto akong kanin. Iinit ko lang itong mga lutong ulam na dala ko.”
“Sige. Ihahanda ko na ang mesa,” anito’t naglabas ng mga plato, kutsara, tinidor, at baso.
“Siraulo ka, Regor!” Hinampas niya ito ng paulit-ulit, saka pinagdiskitahan ang tainga nito.
“A-Aray!” Sadista talaga. Kawawa naman ang magiging asawa mo. “Teka—hoy! Masakit na. Bakit ba?”
“Hindi naka-on ‘yong rice cooker! Ano ‘yon, sariwang bigas ang kakainin natin?”
Kinabukasan ay tinanghali ng gising si Maris. Ngayon lang ‘ata ulit niya nakaranas ng walong oras na tulog. Mula ng tumungong siya sa kolehiyo ay marami na ‘yung dalawa hanggang tatlong oras ng pahinga.
Pinilit niya ang katawan na bumangon at lubayan ang kama. May ilang activities at term papers pa siyang pending. Isa pa ay may one-on-one recitation sila mamayang hapon. She really does need to read a lot.
“Nagbabasa ka nanaman,” puna ni Regor. Dito na ito nagpalipas ng gabi. Dahil maliit lamang ang apartment ni Maris, sa malamig na sahig ito natulog. Poor him.
“Magandang umaga rin sa ‘yo,” aniya sa isang mapag-uyam na tinig.
“Hindi ka ba napapagod magbasa?”
Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling.
“Ay, naku! Ako na nakakakita ang napapagod para sa ‘yo,” dagdag niya.
“Ganito siguro talaga kapag mahal mo ang ginagawa mo, hindi ka napapagod.” Reading became her hobby. Hindi buo ang araw niya kung hindi siya nakapagbasa. At saka sa kurso niya, importante ang pag babasa.
“Mamaya na ‘yan.” Sapilitan niyang kinuha ang mga papel na hawak ni Maris. Itinabi niya iyon sa isang gilid at saka hinila ang kaibigan sa maliit na kusina. “Kumain ka muna. Kailangan mas importante sa ‘yo ang sarili mo at kalusugan mo kesa sa ibang bagay. Naku! Paano ka nalang kapag wala ako?”
“Mawawala ka ba?” bato niya rito bago umupo at higupin ang kape. Mas lalo akong kakabahan mamaya!
“No—”
“Regor, paano kung tayo pala talaga ang itinadhana para sa isa’t-isa, ano?”
Dulot ng gulat, muntik na maibuga ni Regor ang iniinom na kape. “We can’t be lovers....” he took a deep breath. “
Why? That was what she wanted to ask. Kung hindi lang sana tumunog ang cellphone niya. She took a deep breath and used that as a reason to excuse herself. Pakiramdam niya kasi ay nasu-suffocate siya bigla.
Hold your grip, Maris! This isn’t the right time to confess.
“Hello?” kunot-noo niyang saad. Unregistered kasi ang number.
“Hello! Is this Maria Nerissa Mejia?” Mas lalong nadagdagan ng guhit ang noo niya.
“Uh, yes. Excuse me, but who’s this?”
“Ria! Was that really you?” Pamilyar para kay Maris ang boses na iyon. Narinig niyang tumikhim ang lalaki mula sa kabilang linya.
“Good morning, Ms. Mejia. This is Quizon, the Pathologist you had met last night.”
Oh right! “Uhm. Good morning, Doc.”
He let out a soft chuckle. “Walang guardian na dumating iyong patient na dala mo kagabi. Please, come here today if you have free time so I can process his papers and discharge him.”