“Thelia, anong gagawin ko?” napabuntong-hininga na lang ako at inihiga ko na ang ulo ko sa libro. Dahil first year pa lang kami, puro readings pa lang ang ginagawa namin. Nasa library ako ngayon nagbabasa ng mga sandamakmak na libro tungkol sa anatomy at physiology. Ang kinuha ko kasing pre-med ay nursing. Hindi ko pala kinuha, si Mama pala ang nagdesisyon no’n. Pag nakapasa ako sa pagiging nurse saka lang ako magpo-proceed sa pagdo-doctor kung saan kailangan ko mag-residency ng surgery. Iyon ang plano ni Mama para sa ‘kin. Mag-isa lang ako kaya sakop ko ang isang table. Hanggang ngayon kasi wala pa akong nagiging ka-close sa klase. Parang hirap pa silang lapitan ako, mabuti pa si Thelia ang lakas ng loob niya na kausapin ako noon. Nakaka-miss ang mga panahong ‘yon. Pagod na pagod na

