Hindi ko talaga alam kung bakit ako tumatakbo ngayon. Ang nadatnan ko na lang ay tumatakbo na sila patungo sa field kaya nakisabay na ako. P.E namin ngayon, umagang-umaga pinapatakbo na kami. Na-late kasi ako nang dating dahil nag-commute lang ako, maagang umalis sila Mama at Papa kaya hindi ko naabutan kung anong napag-usapan nila na gagawin sa P.E. Nang mahabol ko si Demitri ay nagtanong na ako. “Hey,” sambit ko upang kuhanin ang atensyon niya. “Morning, Alysha,” at saglit na ngumiti. “Anong meron?” tanong ko. “Morning exercise daw,” aniya. Napakunot ang noo ko. “Bago ‘yon, ah?” hindi naman kasi nagpapagano’n at ‘yong teacher namin no’ng first semester ay teacher pa rin namin ngayon. “Ayaw siguro magturo kaya pinatakbo na lang tayo,” at napabuntong-hininga na lang siya. Napa

