“Ikaw ba? Nagka-girlfriend ka na?” wala na talaga akong matanong. Gusto ko na lang malaman kung sasabihin niya ba ang tungkol sa kanila ni Demitri. Nandito naman na kami, lubos-lubusin ko na ang pagtatanong. Siya na rin ang nagsabi kanina na p’wede akong magtanong nang kahit na ano, sasagutin niya as long as it’s not sensitive. “Yeah…” mahinang sabi niya na nakarating naman sa tainga ko. Katatapos lang namin um-order sa isang fast food chain na mushroom burger nang maisipan namin na tumambay na lang sa tabi ng daan kung saan natatanaw pa rin namin ang lawa. Hindi na kami nag-stay ro’n dahil ang daming tao. Hindi kami makakapag-usap nang maayos at ang ipinunta ko sa Tagaytay ay ‘yong klima at ang kapayapaan ng lugar kaya nandito kami ngayon. Nakasandal lang kami sa sasakyan habang kuma

