CHAPTER 69

2118 Words

Pagkatapos kong makapagpalit ng damit ay lumabas na ako sa restroom. Mabuti na lang talaga nakapagdala pa ako ng extra na damit bukod sa suot ko kanina. Para bang inaasahan ko nang mangyayari ‘to. Paglabas ko ay si Demitri ang bumungad sa ‘kin, wala na si Owen. Sabi niya pa naman kanina, babantayan niya ako sa labas pero mukhang may sinabi na si Demitri sa kanya kaya wala na siya rito. “I’m sorry!” biglaan niya namang sabi at yumuko pa. “I’m really sorry, Alysha. H-hindi ko alam na hindi ka pala marunong lumangoy…sorry talaga!” dagdag niya. Bahagya akong napabuntong-hininga. Lumapit na ako sa kanya at marahan kong itinaas ang ulo niya para hindi na siya nakayuko sa harap ko. “O-okay lang pero bakit mo ginawa ‘yon, Demy?” hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Napatikhim naman siya. “Wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD