CHAPTER 68

2452 Words

“Malapit na ang finals n’yo, Alysha. Ngayon ka pa ba babagsak?” muling hindi makapaniwala si Mama na nakakuha na naman ako ng mababang grade sa isang subject ko. “Ano na naman bang nangyayari sa’yo? Ilang buwan na ang nakalipas gan’yan ka pa rin?” pagpapatuloy niya. “Babawi na lang po ako sa exam,” tugon ko habang nakayuko. Ayoko nang tumingin sa mga mata ni Mama. Mas lalo lang sasama ang loob ko. Wala akong magagawa kundi ang sumunod na lang nang sumunod kay Mama. Ayoko nang dumagdag sa problema niya kaya kahit labag sa kalooban ko hindi ko na ipinagtanggol ang sarili ko. Alam ko namang hindi na uubra sa kanya ‘yong mga dahilan na mahirap, eh. Gayunpaman, wala pa rin siyang pinagbago pagdating sa mga dapat naming makuhang marka sa school. Naging malamig lang ang pakikitungo niya sa ‘m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD