CHAPTER 50 - PART 2 Julian's POV Napapikit ako matapos kong pindutin ang friend request button. Mapapadasal na lang talaga ako, sana i-accept niya! Kapag friends na kami sa f*******: ni Alysha magpapa-lechon talaga ako. Sa tamang panahon kulang pa budget ko, e. At kung ina-accept niya ibig sabihin lang no’n hindi siya galit sa akin. “Anak?” Bumangon naman ako sa pagkakahiga nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si nanay. “Bakit, Ma?” tugon ko. “Salamat, ha?” at ngumiti siya. Kuhang-kuha ko talaga ang paraan nang pagngiti ni nanay. Sino ba naman ang makaka-hindi sa kanya? Ngiti pa lang, solve na! Parang kay Alysha lang din no’ng tumawa siya. Gusto ko na tuloy siyang makita na ngumiti. Baka mas lalo akong humanga sa kanya. Tumango na lang ako at sinabing, “Goodnight, Ma.

