bc

ELIZA'S TEARS

book_age18+
8.5K
FOLLOW
62.8K
READ
spy/agent
revenge
arrogant
kickass heroine
drama
tragedy
bxg
detective
highschool
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Childhood sweethearts sina Corbin at Eliza na pinaghiwalay ng isang trahedya.

Sa paglipas ng panahon, si Corbin ay naging isang secret agent. Hindi niya inaasahan na ang reyna ng sindikato na iniimbestigahan niya ay walang iba kundi si Eliza.

Sa muli nilang pagkikita ay malayo na ito sa Eliza na unang minahal niya.

The now Gangster Queen is ALLURING, SENSUAL, FIERCE, AND DANGEROUS.

Ano mang supil ni Corbin sa kanyang nararamdaman ay mas lalo siyang naaakit sa babae.

Batas o Pag-ibig.

Alin sa dalawa ang paiiralin ni Corbin?

***

WARNING: NGAYON PA LANG PO SINASABI KO NA SA INYO. ORAS NA UMUSAD ANG KWENTO KUNG SAAN PAREHO NA SILANG ADULT AY MAGIGING SPG NA ANG MGA SUSUNOD NA SCENES.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
“PARATING na siya!” Napailing si Eliza sa reaksyon ng mga kaklase niyang babae sa anunsyong iyon ni Precious. Nataranta ang mga ito at kilig na kilig. At mga mata ay nakatutok sa pinto. Hinihintay na pumasok doon ang transferee student na si Corbin Ventura. Naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga ito dahil hindi nga naman matatawaran ang taglay na kagwapuhan ng bago nilang kaklase. Kahit nga siya ay nagkaroon ng crush kay Corbin. Paano ba naman kasi, ang tisoy nito tapos matangos pa ang ilong. Ito rin yata ang pinakamatangkad na estudyante sa kanilang campus. Sa tantya niya bago ito mag koliheyo ay nasa six footer na ito – kasalukuyan silang nasa third year high school. Iyon nga lang kung ano ang kinagwapo nito ay siya rin kinasama ng ugali nito. Feeling royal highness. Kung umasta ay parang hindi nakaapak sa lupa. Binati niya kasi niya ito isang beses, aba! Hindi ba naman siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. In short isnabero. Naasiwa siya sa presensya nito pero parang binibiro rin siya ng tadhana dahil naging seatmate niya ito. Paano ba namin kasi bakante ang katabi niyang upuan kaya doon ito pinaupo ng kanilang teacher. Pakiramdam niya tuloy ay nasa selya-elektra siya. Imagine, kailangan niyang pagtiisan ang ganoong feeling sa loob ng isang taon. Tinuwid niya ang likod sa pagkakaupo nang makita na pumasok na sa classroom si Corbin. Tinutok niya ang mata sa hawak na libro kahit wala naman siyang naiintindihan sa binabasa. Hindi niya pinansin ang presensya nito nang tumabi sa kanya. At gaya ng isang linggo ng scenario simula nang maging kaklase nila ito ay sumikip na naman ang classroom nila sapagkat may taga ibang section na hindi nagkasya sa pagsilip lang kaya pumasok pa talaga para magpa-cute kay Corbin. “Corbin, may dala pala akong chocolate. Baka gusto mo?” Inilahad ni Thessa ang dalang box na korteng puso at nakalaso pa. Hindi ito pinansin ni Corbin pati na ang iba pa. Bagkus ay kinabit nito ang earpiece sa tenga. Pumikit na tila ba nagko-concentrate sa pinapakinggan. Batid niyang maririnig pa rin nito ang ingay ngunit epektibo naman ang ginawa nito dahil natigilan ang mga nagpapansin dito. Pigil ang mga hininga dahil napakagwapo nito habang nakapikit. Hindi niya alam kung sinadya ba nito iyon o kung hindi ito aware. Lihim naman na tinirik niya ang mga mata dahil alam talaga nito kung paano pakiligin ang mga hitad niyang schoolmate. Tumunog ang bell. Hudyat na magsisimula na ang kaklase. Nakasimangot na lumabas ang mga taga ibang section habang bumalik naman sa kani-kaniyang upuan ang kanyang mga kaklase. Hindi pa dumadating ang kanilang teacher pero nagmistula na silang mga anghel sa bait. Paano ba naman kasi terror ang matandang dalaga nilang adviser na si Miss Cadayday. Kapag nagalit ito ay pinagbubungkal sila ng lupa at pinapatanim bilang kaparasuhan. Aware naman ang parents nila sa paraan ng pagdidisiplina nito at hindi naman sumalungat pa basta huwag lang daw sumubra. Sabay-sabay silang tumayo at binati si Miss Cadayday nang dumating na ito. Kaagad nitong pinag-lead ng prayer ang class president. “Okay class, open your English book to page 105. Kopyahin niyo hanggang three pages. Kapag tapos na ipa-check niyo lang kay Diana. “Tukoy nito sa kanilang class president. “Then you may go. May meeting kami kasi mga in-charge na teachers para sa papalapit na intramurals.” Ganoon ang style ni Miss Cadayday sa pagtuturo. Pinapakopya sa kanila kung ano ang nasa libro. Alam kasi nito na malaking posryento sa klase ay hindi nagbubukas ng libro sa bahay kaya pinapakopya na lang sa kanila dahil parang nagbabasa na rin daw sila sa ganoong paraan. Para sa kanya ay epektibo naman ang style nito dahil aminado siya na isa siya sa mga estudyante na tamad mag-aral. Idagdag pa na nasa last section siya kung saan ang mga kaklase niya ay katulad niya rin na mga pasaway. Maraming nagsasabi na kaya naman daw niya mag-star section kung seseryosohin niya ang pag-aaral, iyon nga lang likas siyang bulakbol. Maituturing na isa siya sa mga estudyante na sakit sa ulo ng St. Theresse High School. Mahilig siya mag-cutting classes. Na-addict kasi siya sa mga arcade games simula nang may pinatayong mall sa maliit nilang bayan. Sa kabutihang palad ay wala naman siyang failing grade dahil nape-perfect naman niya ang mga test at exam kahit pa nga marami siyang absent. Namana kasi niya ang katalinuhan sa kanyang ama na isang Biomedical Scientist – ito ang tagapanaliksik at taga-imbento ng gamot para mga sa anumang uri ng sakit. Hindi biro ang sahod ng kanyang ama sa Pharmaceutical Company kaya maituturing na isa sa pinakamayan ang pamilya nila sa maliit na bayan ng San Enrique. Bukod pa doon ay supplier sila ng mangga, pinya at meat products na galing sa malawak na farm nila. Idagdag pa na Mayor ang kanyang ina sa naturang lungsod. Bagaman nakakaangat ang estado nila sa buhay ay lumaki pa rin siya na mabagkumbaba dahil iyon ang turo sa kanya ng mga magulang niya. Isa pa, wala siyang pili sa circle of friends niya. Kung tutuusin nga ay sanggang dikit niya ang mga kaklase niyang mahihirap o nasa middle class. Sabi nga ng nakakarami ay cowboy siya. Walang arte sa katawan. Walang kimi. Napangisi siya nang lumabas sa classroom si Miss Cadayday. Tsamba na niya na makapag-cutting class para makapag-umpisa siya ng mas maaga sa paglalaro ng arcade games sa mall. Swerte at binigyan rin siya ng kanyang ama ng pera kaya makapagsawa siya ng husto. Patingkayad siyang pumunta sa pinto. Walang nakapansin sa paglabas niya dahil tila sinaniban na ng masamang ispirito ang kanyang mga kaklase na paunahan sa pagtapos ng sinusulat. Gaya ng dating gawi. Pumunta siya sa likurang bahagi ng school building dahil walang makakakita doon kung aakyat siya ng pader. Inilabas niya ang maliit na make up kit. Mabilisan siyang naglagay ng founadtion, lipstick at blush on sa mukha. Actually, wala siyang hilig sa mga beauty products pero nagdesisyon siya na mag-first move na sa crush niya na hanggang sulyap-tingin lang siya. Napansin kasi niya na mahilig ito sa mga babaeng makakapal ang make up sa mukha. Aware siya na tinagurian na playboy si Aaron at saksi siya mismo na iba’t-ibang babae ang laging kasama nito sa tuwing pumupunta sa Arcade Center. Taga-ibang school ito at tulad niya ay bulakbol din kaya naisip niyang meant to be talaga sila. Ngayong araw ay dapat malaman na ni Aaron ang existence niya. Dapat na nitong malaman na sa sulok ng Arcade Center na iyon ay may isang babae na umaasa na mapansin nito. Pwes! Maglalagay rin siya ng make up sa mukha kung iyon ang gusto nito sa isang babae. “Done! Humanda ka, Aaron dahil magiging akin ka rin,” sabi niya matapos mag-make up. Nilangkapan pa niya ng pangkontrabidang tawa. Sigurado na mapagkakamalan siyang loka-loka kapag may makakakita sa kanya. Sumampa na siya sa pader nang pinanlakihan ng mata dahil may narinig siyang napunit. Pag-check niya ay nakita niyang sumabit ang kanyang palda sa nakausling bakal. Sa kamalasan ay hindi niya matanggal. “Nice view.” Napakislot siya sa boses na iyon. Pagtingin niya sa ibaba ng pader ay nakita niya si Corbin na nakatingala sa kanya. Sukbit sa isang balikat ang itim na knapsack habang ang dalawang kamay ay nasa loob nang magkabilang bulsa ng pantalon nito. Umirap siya rito dahil batid niyang hindi papuri ang sinabi nito. Aware siya na nagmumukha siyang unggoy na nakasabit sa pader. Umakyat rin ito sa pader at sa isang iglap lang ay nakatalon kaagad ito sa kabila. Pagkatapos ay sumisipol itong naglakad. “Wait!” sigaw niya. “Corbin, wait lang!” Huminto ito. Lumingon sa kanya. Nakataas ang dalawang kilay na tila naghihintay kung ano ang sasabihin niya. Alanganin na ngumiti si Eliza. “B-baka pwede tulungan mo ako?” “Sure.” Balewalang wika nito na muling umakyat sa pader. Ngunity sa gulat niya ay walang kaabog-abog na niratrat nito ang kanyang palda. Natanggal nga pero nagmistula na may slit hanggang hita. Napatili siya sa sobrang inis. Hahampasin sana niya ito nang makarinig sila ng pito. Ang security guard ng kanilang school ay hangos na tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. Kapag nahuli sila nito ay tiyak na sa Principal’s office ang bagsak nila. At pang-ilan na niya iyon kung sakali? Sa isipin pa lang na ipapatawag na naman ng Principal ang magulang niya ay nataranta na siya dahil may warning na siya sa kanyang ina. Malikising tumalon si Corbin. “Jump, Eliza. Common!” Inabot niya ang kamay nito nang inalalayan siya nito sa pagtalon. Tumakbo sila palayo na hawak pa rin ang kamay ng isa’t-isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook