THE DEBT
Ariana Valencia
THUD!
Napapitlag ako sa tunog ng pagsara ng pinto.
Huminto ang kamay ko sa ibabaw ng laptop. Ilang segundo akong nakatitig sa screen, hindi alam kung bakit bigla akong kinabahan.
Isang text message lang yon mula kay Daddy.
> Come to my study Now.
Walang kahit isang salita tungkol sa dahilan.
Ilang beses kong binasa ang mensahe bago ako tuluyang tumayo.
“Bakit kaya?” bulong ko.
Inayos ko ang buhok ko at lumabas ng bedroom. Tahimik ang second floor ng mansion. Tanging tunog ng heels ko ang maririnig sa mahabang hallway.
Click
Bawat hakbang ko ay lalo lamang nagpapabigat sa dibdib ko.
Huminto ako sa harap ng malaking dark wooden door.
Huminga ako ng malalim.
Knock Knock.
“Daddy?”
Muli akong kumatok.
Knock. Knock.
“D-Daddy?”
Mula sa loob, narinig ko ang boses niya.
“Come in.”
Malamig
Hindi yon ang boses ng ama kong kilala ko Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Creak
Pagpasok ko, unang bumungad sakin ang madilim na study room. Nakabukas ang desk lamp sa ibabaw ng malaking mesa. Karamihan ng ilaw ay patay.
Nasa likod ng desk si Daddy.
Si Alejandro Valencia.
Ang presidente ng Valencia Group.
Ang lalaking kilala sa business world bilang isa sa pinakamalalaking negosyante sa bansa.
Pero ngayong gabi, hindi ko nakita ang makapangyarihang businessman.
Nakita ko ang isang ama na mukhang pagod.
Napansin ko rin si Mommy.
Nakatayo siya sa gilid ng bookshelf, tahimik at maputla ang mukha.
“Mommy?”
Hindi siya sumagot Kaya Napatingin ako kay Daddy.
“Bakit niyo ako pinatawag?”
Hindi siya agad nagsalita.
Then he pushed a folder across the desk.
SHHHK!
Huminto ang folder sa harap ko.
“What's that?”
“Basahin mo”
Napakurap ako.
“Daddy, ano ba kasi—”
“Basahin mo, Ariana.”
May diin ang boses niya.
Napaupo ako sa upuan sa harap ng desk.
Kinuha ko ang folder at binuksan ko.
Una kong nakita ang financial reports.
Sunod ang mga bank statements.
Loan agreements, Legal notices at Mga document na may pulang marka.
OVERDUE
FINAL NOTICE
DEFAULT
Unti-unting nanlamig ang mga kamay ko.
“W-What is this?”
Walang sagot si Daddy kaya Ibinaba ko ang folder sa mesa.
“Bakit may ganitong documents?”
Tahimik pa rin siya.
“Daddy?”
Tumayo siya at Dahan-dahan siyang lumapit sa desk.
“May problema ang Valencia Group.”
Napatawa ako ng mahina dahil hindi ko agad naintindihan.
“Problem?”
Tumango siya.
“Malaking problema.”
“Gaano kalaki?”
Hindi siya sumagot.
“Daddy, please”
Humigpit ang hawak ko sa folder.
“Sabihin niyo sakin.”
Umupo si Mommy sa sofa sa likod ko at Narinig ko ang mahinang paghinga niya.
Si Daddy naman ay napapikit.
“Halos wala ng pera ang kumpanya.”
“What?”
“Malaki ang utang ng Valencia Group.”
“Gaano kalaki?”
Tumingin siya diretso sa mga mata ko.
“8 hundred million.”
Hindi ko agad naproseso ang sinabi niya.
“8?”
Hindi ko natapos.
Napailing ako.
“Hindi”
“Ariana—”
“Hindi”
Tumayo ako agad.
SCRAPE!
Napaatras ang upuan.
“Hindi puwedeng 8 hundred million.”
“Ariana, listen to me”
“Hindi pwede!”
Napahawak ako sa ulo ko.
“Last month, sinabi niyo okay ang company. Sinabi niyo stable tayo. Sinabi niyo—”
“Sinungaling ako”
Natahimik ako at maging si Mommy ay napatingin kay Daddy.
“Hindi ko gustong sabihin sa inyo ang totoo.”
Humakbang ako palapit sa desk.
“Bakit?”
“Dahil ayokong matakot ka.”
“Pero dapat sinabi niyo!”
Nanginginig ang boses ko.
“Anak—”
“8 hundred million dollars, Daddy!”
Napaluha ako
“Paano niyo itinago iyon?”
“Sinubukan kong ayusin”
“Then why didn't you tell me?”
“Dahil akala ko kaya ko.”
Napatawa ako ulit, pero may sakit ang tunog.
“Akala niyo kaya niyo?”
Napailing ako.
“8 hundred million ang utang natin tapos akala niyo kaya niyo?”
Tumayo si Mommy.
“Ariana, calm down.”
“Calm down?”
Napatingin ako sa kanya.
“Paano ako kakalma?”
Hindi siya nakasagot at Ibinaba ko ang tingin sa folder.
Isa-isa kong nakita ang mga numero.
May loans mula sa iba't ibang banks.
May mga properties na ginagamit bilang collateral.
May mga pending lawsuits.
May mga unpaid suppliers.
May mga investors na gustong bawiin ang pera nila.
At sa huling page
NOTICE OF DEFAULT.
Napatigil ang paghinga ko.
“Daddy”
“May deadline tayo?”
Tumango siya.
“Daddy, kailan?”
“30 days.”
Napapikit ako.
“30days para bayaran ang 8 hundred million?”
“Hindi buong amount agad.”
“Pero gaano?”
“2 hundred million ang kailangan para mapigilan ang foreclosure at legal seizure.”
Napaupo ulit ako.
2hundred million.
30 days.
Hindi ko alam kung saan kukuha ng ganoong halaga.
“May properties tayo.”
“Most of them are already collateralized.”
“Investors?”
“Umatras”
“Banks?”
“Refusing new loans.”
“Sell the company.”
Natahimik si Daddy.
Mabilis akong napatingin sa kanya.
“Sell the Valencia Group.”
Hindi siya sumagot.
“Daddy”
“Hindi ganon kadali.”
“Bakit?”
“Kapag ibinenta natin ngayon, sobrang baba ng magiging valuation.”
“Then sell it.”
“No”
Napatingin ako sa kanya.
“Bakit?”
“30 years kong binuo ang kumpanyang ito.”
“Pero mawawala ito kapag wala tayong ginawa!”
Tumama ang kamao ni Daddy sa desk.
BANG!
Napapitlag ako.
“Alam ko!”
Natahimik kaming lahat.
Huminga siya ng malalim.
Mabilis niyang pinunasan ang mukha niya.
“Sorry”
Hindi ako nakagalaw.
Hindi ko pa nakikita si Daddy na ganito.
Galit
Takot
Pagod
Broken
Umupo siya ulit.
“May isa pang problema.”
Pakiramdam ko hindi na kaya ng dibdib ko ang isa pang masamang balita.
“Ano?”
“May mga taong gustong bilhin ang company.”
“Who?”
“Blackwood Corporation.”
Napalunok ako.
“Blackwood?”
Tumango siya.
“Samuel Blackwood?”
Hindi siya sumagot agad.
“Hindi mismo si Samuel ang unang lumapit.”
“Pero involved siya?”
“Yes”
Biglang bumigat ang atmosphere.
Kilala ko ang pangalang yon.
Halos lahat sa business world kilala ang Blackwood family.
Makalipas ang ilang segundo, nagsalita si Mommy.
“Hindi lang pera ang gusto nila.”
Napatingin ako sa kanya.
“Ano pa?”
“Control”
“Control ng Valencia Group?”
Tumango siya.
“Kapag nabayaran natin ang utang gamit ang offer nila, magiging subsidiary ang kumpanya.”
Napahawak ako sa gilid ng mesa.
“Then that's it.”
“Ariana—”
“Wala na tayong choice.”
May luha sa mata ko.
“Sell it”
Umiling si Daddy.
“No”
“Pero bakit?”
“Dahil may ibang option.”
Napakunot ang noo ko.
“Anong option?”
Hindi sumagot si Daddy.
Tumayo si Mommy.
“Alejandro”
Tumingin siya kay Mommy.
Mukhang may bagay silang ayaw sabihin.
May kaba akong naramdaman.
“Anong option?”
Muling umupo si Daddy.
Binuksan niya ang isa pang drawer.
Kumuha siya ng isang black envelope.
Ibinaba niya yon sa mesa.
Tap
Hindi ko agad kinuha.
“What's that?”
“Proposal”
“From whom?”
Hindi siya sumagot.
“Daddy?”
Tinitigan niya ako.
“Ariana, bago mo basahin ito, kailangan mong maintindihan na hindi kita pipilitin.”
Napakunot ang noo ko.
“Bakit parang may mali?”
“Dahil may kapalit.”
Huminto ang puso ko sa isang beat.
“Kapalit ng ano?”
Tahimik siya.
“Daddy”
“Marriage”
Napakurap ako.
“What?”
“Marriage”
Napatawa ako ng walang humor.
“Marriage?”
Tumango siya.
“Kanino?”
Hindi siya sumagot.
“D-Daddy, kanino?”
Mabilis na tumingin si Mommy sa ibang direksyon.
Dahan-dahang nagsalita si Daddy.
“Zayden Kensington.”
Napatigil ako.
“Zayden”
Kahit pangalan lamang, kilala ko na.
Lahat yata ng babae sa bansa ay kilala siya.
Zayden Kensington.
29 years old billionaire.
CEO ng Kensington Empire.
Isa sa pinakamakapangyarihang businessmen sa bansa.
Cold
Untouchable.
Walang girlfriend.
Walang public relationship.
Walang scandals tungkol sa babae.
At higit sa lahat
kilala siya bilang isang lalaking hindi basta nagtitiwala sa kahit sino.
“Hindi”
Diretso kong sinabi yon.
“Hindi ako magpapakasal sa kanya.”
“Ariana—”
“No.l”
Tumayo ako.
“Hindi”
Umiling ako.
“Hindi nyo pwedeng sabihin sakin na halos malugi ang company tapos ang solution niyo ay ipakasal ako sa isang billionaire na hindi ko kilala.”
“Hindi ito simpleng marriage.”
“Mas lalo akong ayaw!”
Napahawak ako sa dibdib ko.
“Daddy, 23 na ako. Hindi ako asset ng kumpanya.”
“I know”
“Hindi ako bargaining chip.”
“I know”
“Then why are we talking about this?”
Tahimik siya.
Tumingin siya sa envelope.
“Dahil siya lang ang taong nag-offer ng sapat na tulong para mailigtas ang Valencia Group.”
“Gaano karami?”
“Enough to clear the immediate debt.”
Napapikit ako.
“Kapalit ng kasal”
“Yes”
“Gaano katagal?”
“2 years”
Napadilat ako
“2 years?”
“After 2 years, maaari nyong wakasan ang marriage.”
Hindi ako makapaniwala.
“Contract marriage?”
Hindi sumagot si Daddy.
“That's insane”
“Alam ko”
“Then reject it.”
“Ariana”
“Reject it!”
Tumulo ang luha ko.
“Hindi ako papakasal sa isang taong hindi ko mahal!”
Napatigil si Daddy.
“Hindi kita hinihinging mahalin siya.”
“Then what?”
“Manatili ka lang sa tabi niya.”
Nanginginig ang labi ko.
“Ganito na ba kababa ang tingin ninyo sa buhay ko?”
Umiling si Mommy
“Hindi iyon ang ibig sabihin namin.”
“Then ano?”
Walang sumagot.
Napatingin ako kay Mommy
“Mommy, please.”
Lumapit siya.
Hinawakan niya ang kamay ko.
Mainit ang kamay niya pero nanginginig.
“Anak”
Napailing ako.
“Please don't.”
“Hindi namin gustong gawin ito.”
“Pero ginagawa niyo”
Napayuko siya tapos tumalikod ako.
Pinunasan ko ang luha ko gamit ang palad ko.
“May choice ba ako?”
Tahimik
“Daddy, may choice ba ako?”
Walang sagot.
Yon na mismo ang sagot.
Napahawak ako sa dibdib ko.
“f**k”
Mahina ngunit malinaw.
“Hindi ko ito deserve.”
Lumapit si Daddy.
“Anak”
“Wala akong ginawa.”
Tumingin ako sa kanya habang tuloy-tuloy ang pagluha ko.
“Wala akong ginawang mali. Nag-aral ako. Sumunod ako. Hindi ako nagreklamo sa kahit anong gusto nyo. Bakit ngayon pati buhay ko kailangan kong isuko?”
Hindi siya nakasagot.
“S-sabihin niyo sakin.”
Nauutal ako.
“D-Daddy, sabihin niyo sakin kung ano ang dapat kong gawin.”
Napahawak siya sa balikat ko.
“I'm sorry.”
Dalawang salita.
Pero yon ang pinakamasakit na narinig ko mula sa kanya.
Dahil ibig sabihin nito, wala siyang ibang solusyon.
Kinuha ko ang black envelope.
Binuksan ko.
Sa loob ay may isang proposal.
KENSINGTON EMPIRE
PRIVATE MARRIAGE AGREEMENT
May pangalan ko.
May pangalan ni Zayden.
At sa ilalim ng dalawang pangalan namin ay isang kondisyon:
The marriage must remain strictly confidential.
Napabasa ako ulit.
“Secret marriage?”
Tumango si Daddy.
“Bakit?”
“Hindi niya gustong malaman ng public.”
“Why?”
“Hindi niya sinabi.”
Humigpit ang hawak ko sa papel.
“Napakaraming kondisyon.”
“May isa pa.”
Tumingin ako sa kanya.
“Ano?”
“Kapag pumayag ka, kailangan mong lumipat sa Kensington mansion.”
Nanlaki ang mata ko.
“Kasama siya?”
“Yes”
“Sa iisang bahay?”
“Yes”
Napaatras ako.
“Hindi”
“Ariana—”
“Hindi ako pumapayag.”
Tumalikod ako.
Hindi ko alam kung saan pupunta.
Gusto kong tumakbo, Gusto kong umiyak at Gusto kong sumigaw.
Pero saan?
Ito ang bahay ko at Ito ang pamilya ko.
At sa unang pagkakataon, pakiramdam ko wala akong lugar kahit dito.
Muli kong narinig ang boses ni Daddy.
“May meeting tayo bukas.”
Huminto ako.
“Meeting?”
“Kasama si Zayden.”
Mabilis akong napalingon.
“Tomorrow?”
“Yes”
“Hindi ako pupunta”
“Ariana”
“Hindi ako pupunta”
“Kung hindi ka pupunta, mawawala ang Valencia Group.”
Napapikit ako.
Nanginginig ang mga daliri ko.
“Then let it fall.”
Tahimik.
Tumulo ang luha ko.
“Pero huwag niyong ipakasal ang anak niyo dahil lang sa pera.”
Lumabas ako ng study room.
BANG!
Isinara ko ang pinto tsaka ako Huminto ako sa hallway.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at Napaupo ako sa sahig.
Tahimik akong umiyak habang hawak ang marriage proposal.
Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang pagbukas ng study room.
Click
Hindi ako lumingon.
Narinig ko si Mommy.
“Ariana”
Pinunasan ko agad ang mukha ko.
“I'm fine”
“Anak”
“Please”
Umupo siya sa tabi ko.
Wala siyang sinabi.
Hinawakan lamang niya ang kamay ko.
At doon ako tuluyang napahagulgol.
“Mommy”
“Oo?”
“Takot ako”
Niyakap niya ako.
“Alam ko”
“Hindi ko siya kilala.”
“Alam ko”
“Paano kung masama siyang tao?”
Hindi agad sumagot si Mommy.
“Hindi ko alam”
Napatingin ako sa kanya.
“Hindi mo alam?”
Umiling siya.
“Pero may alam akong isang bagay.”
“Ano?”
“Hindi ka namin hahayaang harapin ito mag-isa.”
Napangiti ako ng kaunti sa gitna ng luha.
Pero alam kong kahit yakapin ako ng buong pamilya ko, hindi nila mababago ang katotohanan.
Bukas, makikilala ko ang lalaking maaaring maging asawa ko.
Isang lalaking hindi ko pinili.
Isang lalaking wala akong alam.
At higit sa lahat
isang lalaking maaaring maging kapalit ng buhay na pinangarap ko.
Tumayo ako.
Kinuha ko ang marriage proposal.
Tinitigan ko ang pangalan niya.
ZAYDEN KENSINGTON.
Umiyak lang ako ng umiyak dahil Wala akong maisip na solusyon sa problema namin.
Anong gagawin ko. Sana Isang bangungot lang to at paggising ko okay na Ang lahat.