KABANATA 23

1581 Words

HINDI napigilan ni Ludgi ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi habang hinihintay si Saphira na makarating sa kinaroroonan niya. Naroon na siya sa tabi ng kanyang kabayo kung saan iniwan nila ang hayop kanina. Ilang sandali na siyang naghihintay dito pero wala pa rin ito. Mukhang marami itong pinapraktis sa loob ng sementeryong iyon. Ang totoo ay hindi naman talaga niya ito iiwan. Nakatuwaan lang niyang inisin ito lalo na ng makitang takot na takot ito sa estatwang anghel na inakala nitong 'ano'. Hindi din niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla ay kinatuwaan niyang asarin ito. Wala iyon sa personalidad niya lalo na sa mga nakalipas na taon. Nang tumili ito kanina ay inakala niyang may nangyari na dito kaya napabalik siya. Pero ng makita niyang niloloko lang siya nito ay nainis siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD