KANINA pa nagmamasid si Saphira sa buong paligid sa loob ng kuwebang iyon. Ang tinatawag na Hardin ng magkakapatid. Nakakalat ang mga tao paligid. Marami ang matatanda at ang mga bata ay naglalaro sa paligid. Mayroong mga nakahiga dahil may mga sakit. May kanya-kanyang puwesto ang mga ito. Ang iba ay may folding bed habang banig naman ang panlatag ng iba. May nakikita din siyang ibang gamit para sa bahay sa loob ng kuweba kagaya ng mga gamit pangkusina, radyo, kabinet na kung ano-ano ang mga nakalagay at iba pa. Para iyong isang lugar na naging kanlungan ng mga taong nawalan ng tahanan habang bitbit ang kani-kanilang mga gamit. Hindi niya sigurado kung ilang tao ang nasa loob o ilang pamilya. Bandang alas nuwebe kanina ng dalhin siya ni Ludgi sa kuweba. Dahil iisa lang ang kabayong gamit

