KANINA pa lihim na nakamasid si Ludgi kay Saphira. Nasa isang sulok siya na bahagi ng kuweba habang ang dalaga ay nasa kabilang panig sa sulok din. Kausap nito si Kasandra na tiga Sitio Tres din. Ampon sa simbahan si Kasandra at doon na lumaki. Malapit sa kanila ang babae pero ang madalas nitong kasama ay si Liam. Sa simbahan din nakatira si Kasandra pero madalas itong magtungo sa kuweba para tumulong sa pag-aasikaso sa mga tao doon at sa mga maysakit. Kaninang nilapitan siya ni Saphira ay sinadya niyang sungitan ito. Hindi porke’t ito ang anak ni Senyor Esmundo ay kailangan nila itong tratuhin ng espesyal. Mabait ang Senyor pero bali-balita ang kasungitang taglay ng anak nito para sa lahat ng tao. Ni minsan ay hindi pa niya nakita ang babae at ang tanging naririnig lamang niya sa mga ta

