MALAPIT ng magdapit hapon ng marating nila ang Maynila. Dumiretso sila sa National Center for Mental Health. Si Ludgi ang nakipag-usap sa mga staff ng ospital. Hinayaan niya ang binata na humarap sa mga ito dahil pagtapak palang nila sa ospital ay medyo kinabahan na siya. Napansin iyon ng binata kaya nagsabi itong ito ang makikipag-usap sa mga staff. Isa pa ay ayaw din nitong ma-expose siya sa mga konektado kay Kanor. Hindi nila alam kung bumibisita doon ang lalaki. O kung may koneksiyon ito sa mga tao doon. Mahirap na kung matunugan sila nito. Pareho silang nagbihis ng hindi sila makikilala ng mga tao. Ang binata ay nakasuot ng long sleeves polo, black slacks at leather shoes – na gamit pa yata nitong ng nag-aaral ito. Mayroon itong suot na makapal na salamin. Nagmukha itong gwapong ab

