"SA AKIN? Sigurado ka?" gulat na tanong ni Saphira ng iabot ni Liam sa kanya ang tatlong malalaki at pulang-pulang rosas. Napakamot ito sa ulo. "Oo nga. Pang-ilang beses mo nang itinanong iyan." Tinaasan niya ito ng kilay. "Puwede ba Liam huwag mo nang gamitin ang pangalan ng Kuya mo sa kung anong pakulo mo." naalala niya ang pagkaing sinabi nitong ipinabibigay noon ni Ludgi pero hindi naman pala. Ayaw na niyang mag-assume ngayon. Kahit maayos na ang samahan nila ngayon ni Ludgi ay ayaw niyang mag-assume. Kung pagkain ang mga iyon ay baka maniwala pa siya. Pero mga bulaklak? "Galing nga sa kanya 'yan. Para maniwala ka puntahan mo siya." anito at iniwan na siya. Pero hinabol niya ito at umagapay sa paglalakad nito. “At bakit niya naman daw ako binibigyan ng bulaklak?” hindi pa rin siya

