"SIGURADO ka Kuya? Ibibigay ko ito kay Saphi?" gulat na gulat ang mukha ni Liam habang nakatunghay sa tatlong malalaking rosas na hawak nito. "Oo nga. Paulit-ulit naman tayo eh. Basta ibigay mo sa kanya 'yan." parang mauubusan ng pasensiyang sabi ni Ludgi. Kanina pa nito tinatanong kung talagang ibibigay nito ang mga bulaklak na hawak nito kay Saphi na para bang hindi ito makapaniwala. "Wow! Mukhang tinamaan na ulit ang matigas na puso mo sa babae. In love ka ba kay Saphi? Ha Kuya? Manliligaw ka na ba sa kanya? Mukhang sinapian ka na ulit ng pana ni kupido ah." nakakalokong ngumisi ito sa kanya. Gusto niyang tumawa pero sa halip ay pumormal siya. "Ibibigay mo ba 'yan o hindi?" pinanlakihan niya ito ng mata. "Ibibigay! Ikaw naman masyadong atat. Sandali lang at bubuwelo pa ako." kakamot

