UMALINGAWNGAW ang ilang putok ng baril sa medyo loobang bahagi ng gubat. Kasunod niyon ang pinakawalang tawa ni Saphira ng walang matamaang latang walang laman si Kasandra. Sinimangutan siya nito dahil sa pagtatawa niya. Napatingin sa kanya ang tatlong magkakapatid dahil sa lakas niyang tumawa. “Oopps!” Mabilis niyang natutop ang bibig ng makita ang pagkukunot ng noo ni Ludgi. Baka na-turn off ito sa lakas ng tawa niya. Sabay-sabay silang napatingin kay Kasandra ng ito naman ang biglang tumawa ng malakas. Sigurado siyang siya ang tinatawanan nito dahil nakaturo pa ito sa kanya. Sinimangutan din niya ito. “Anong nakakatawa?” taas-kilay niyang tanong dito. “E ano ding nakakatawa?” balik-tanong din ni Kasandra sa kanya. Sabay silang nagtawanan pagkatapos. Kasalukuyan silang nasa tila is

