Kabanata 2

2040 Words
Cassius Deme's Pov Naipaliwanag ni Zav sa kaniya ang impormasyong nalalaman nito at agad naman niya itong hiningan ng tawad. He might be a real assh*le pero naiintindihan niya naman kung ano ang tama at maling gawin. Marami din siyang nalaman at isa na doon ang tungkol sa mga bampira. "So ibig sabihin isa din akong bampira? Totoo ba talaga iyan? Baka kung ano-anong fake news lang yung nasasagap mo Zav slow kapa naman." Hindi naniniwalang saad niya. "Kaysa naman sayo legit na yung ugali mo at wala ka parin kwentang kausap." Walang expression na sagot ni Zav. "Atleast may common sense ako." Sagot niya pabalik. "Baka walang sense kamo." Nakangising sagot ni Zav sa kaniya. Nasa unahan lang sa kanila si Mr. Tereshkova at may bitbit itong lampara. Kanina pa sila palakad-lakad na para bang napakahabang daanan nito. Bumaba lang sila sa basement pero ganito na kahaba ang binaba nila. Napansin nilang huminto ito at biglang inilagay sa gilid ang lampara. Kumuha ito ng kutsilyo at ginawaran ng sugat ang palad nito kasabay ng pagdaloy ng dugo ang pagbukas ng pinto. "Impossible." Bulalas niya. "I told you its real." Saad ni Zav sa kaniya. Lumingon sa kanila si Mr. Tereshkova at suminyas na pumasok. "So totoo ngang bampira ka?" Bulong niya kay Zav. "Oo nga." Naiiritang saad ni Zav sa pabalik-balik niyang tanong. Nagulat si Cassius ng biglang umilaw ang paligid kitang-kita niya ang mga nagkasunod-sunod na larawan. Pati si Zavicht ay hindi makapagsalita sa paghanga sa bawat pangalan at abilidad na nakalagay. Ang paligid ay napupuno ng bato at mayroong napakagandang kisame at mayroong naka-ukit na mga halimaw. Sa centro ay mayroong puno na nagbubunga ng pulang mansanas na wari'y kulay dugo. Nakapalibot sa katawan nito ay mga likido ng dugo na nagmistulang magma cracks. "Why do I feel its alive?" Saad niya. "It is alive. Matagal na itong lihim ng mga Frostier na namana pa sa kinauna-unahang taga-pagmana na si Nicholas Frostier anak ni Hunter Frostier. You are not just an ordinary vampire your features might be the same but you are a noble one. Noble ones owned a great power of Sapieson the gift of malison's blood." Seryusong saad nito sabay turo sa isang ding-ding na mayroong nakatakip na itim na tela. Puno ng katanongan ang mga mata ni Cassius habang papalapit sila sa naturong lugar. Kita niya ang isang malaking larawan ngunit hindi na ito makikila pa sapagkat napakaluma na nito. Inalis ni Mr. Tereshkova ang itim na tela at bumungad sa kanila ang isang chalice na puno ng pulang crystal. "Ano yan?" Takang tanong ni Zav sabay turo sa mga pulang chips. "Vampires essence." Sagot nito na hindi makatingin sa kanila ng maayos. "Ibig mong sabihin-" hindi natapos si Zav ng tuluyan na siyang namutla ng mapagtanto kung ano ang ibig sabihin nito. Kumunot ang noo ni Cassius sa reaction ng dalawa kaya agad na siyang nagsalita. "A servamp's soul?" Seryusong tanong niya. Tumango ang ama ni Zav at nagpaliwanag sa kaniya. "Malison's blood is indeed a great power for nobles but it wasn't for servamps. In order to sustain a nobles life he needs to eat a co-vampire and the only compatible food are servamps. Isa sa kapatid ni Maison Frostier ang naging gahaman sa kapangyarihan at ginamit ito upang controlin ang lahat sa gusto nitong mangyari. Agad din namang natigil ang kahibangang iyon sa tulong ni Hunter Frostier isa siya sa anak ni Maison at napiling puwedeng uminom ng malison's (curse) blood. He kept the chalice that was given by his father, hunter was kept by the knides who bartered their soul in exchange for loyalty. Their soul was left by the dark beasts for the protection of the chosen heir. By the help of the great sorcerer named Amir Kahn twelve servamps volunteered to risk their lives to seal the chalice for good." Mahabang lintaya nito habang nakatingin sa mga pulang crystal. "So thats how the war ended." Paghuhula ni Zav. "Tama ka pero hindi iyon naging ganun ka dali dahil isang pureblood ang kalaban. Nanatiling tulog si Madden at ang kaniyang mga masusugid na kakampi at patuloy na nag-aantay ng tsansa para magising itong muli. Hindi namin alam kung saan ito itinago ng mga Eviors hanggang ngayon ay hindi parin mapanatag ang mga servamps." Paliwanag nito. Nalilito man ay pinilit itong intindihin ni Cassius hindi parin kasi kapani-paniwala ang nangyayari sa kaniya. Kahit anong paliwanag pa ay masyadong malaki at nakakagulat ang lahat ng impormasyon na natanggap niya. Napatigil siya ng may biglang may naalalang napakaimportanteng bagay na muntik na niyang makalimotan. "Where is my mom and dad's portrait?" Tanong niya. Napansin niya ang pag-alinlangan nito ngunit naglakad ito at may itinuro. Isa iyong sunog na larawan at tanging mukha niya lang ang natira. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Cassius sa nakita. "B-bakit ganyan? Paanong-" pinutol siya nito at nagsalita. "Hindi ko masasagot ang katanongan mo Cassius bigla nalang itong nagkaganyan simula ng mangyari ang aksidente." Paliwanag ni Mr. Tereshkova. Hindi na nakaimik pa si Cassius ito nalang ang natitirang ala-ala ng kaniyang mga magulang tapos ganun pa ang kahihinatnan. Nilibot niya ang kaniyang paningin at napansin na bawat pangatlong henerasyon ay ganun ang nangyayare sa litrato. Biglang siyang nagtaka at nag-isip ng malalamin ng biglang magsalita si Zav. "Nakapagtataka bakit yung ibang larawan ay ganun din sa tuwing lumalampas ang tatlong taong henerasyon sa bawat myembro kagaya nalang nito. Heather Frostier (father), Mikael Frostier (son), Caleb Frostier (grandson) pagdating kay Cain Frostier ay hindi rin makita ang mukha nito na animo'y sinunog din." Nagtatakang pahayag ni Zavicht. "Akala ko ako lang din ang nakapansin may alam kabang sagot tungkol dito Uncle Lavicht? Is that one of the reasons why my parents died? But how about me bakit buhay ako?" Tanong niya dito. "Iyan din ang mas lalong nagpalabo sa mga pangyayari Cassius hindi ko rin alam kung bakit." Saad nito. Bago paman sila umalis sa lugar na iyon muling nalingon ni Cassius ang nasabing puno at may napansing kakaiba sa isang bunga. "What was that?" Nasa isip niya. Pero agad niya iyong iwinala dahil baka namamalikmata lang siya at saka sumunod sa mga ito. Pareho silang nakaupo ni Zav sa couch at malalim na nag-iisip. "So what do you think about the Vareigns?" Tanong niya dito. "I heard from other servamps na isa itong malaking isla na mayroong vampire school kamo." Sagot ni Zav sa kaniya. "Pero hindi ako bampira gaya mo." Saad niya. "Kaya nga pero sabi ni ama iyon daw ang pinakamabuting pagtaguan natin. So kailangan mo atang magpanggap na bampira hindi naman malabo kasi halos kahawig mo ang isang tunay na bampira." Walang ganang sagot nito. "Hindi ako nagshishift na parang isang hayop gaya mo, hindi rin ako umiinom ng dugo at lalong hindi ako bampira baka ako pa ang maging pagkain niyo doon." Pagmamaktol niya. Napatingin ito sa kaniya na para bang ngayon lang ito nakarinig ng "sense" sa bibig niya. "Gago." Dagdag niya sabay sama ng tingin kay Zav. Napahalakhak nalang ito ng tawa ng mapansing naasar si Cassius ngayon lang ito naging maayos kausap. "Eh kasi wala kang kwenta kausap tapos ngayon nagdadrama ka bigla hindi kapani-paniwala." Natatawang saad ni Zav. Lalong na-asar si Cassius sa sinabi nito ngunit tama naman ang kaibigan niya dahil wala talaga siyang kwentang kausap. Napabalikwas silang dalawa sa gulat ng marinig ang biglaang pagbukas ng pinto. Isang lalaking nakamaskara ang dumating na para bang hinihintay sila. "Kilala mo?" Tanong ni Zav. "Baliw. Syempre hindi ikaw yung maraming alam bakit ako tinatanong mo." Sagot ni Cassius. Bigla itong pumalakpak ng isang beses at kasabay ng paglapat ng palad nito sa dalawang kamay ang pagkawala ng bagahe. "Oras na." Saad nito ng nakakakilabot na boses wari'y "oras munang mawala" ang pagkakaintindi nila dito. Nagdadalawang isip man ay tumango ang dalawa at sa isang segundo lang ay nasa harap na sila ng isang silver gate. Akmang hahawakan ni Zav ang gate ay agad niya itong hinila. "Baliw kaba baka mamatay ka bawal kayo sa silver tama ba?" Saad niya dito. "Loko hindi totoo iyon sasabihin ko sayo mamaya ang tungkol sa mga servamps." Paliwang nito sa kaniya. "Ganun ba sge pasok kana." Saad ni Cassius at tinulak ito. Kita niya ang pagkabwesit sa mukha ni Zav pero kinalma nito ang sarili at huminga ng malalim. "Bata ang kasama mo bata." Pagcha-chant nito para pakalmahin ang sarili. "Loko-loko anong bata kadyan gwapong nilalang kamo." Nakangising saad niya. "Nakakabobo kana naman kausap diyan ka nalang." Saad ni Zav at nauna ng maglakad ito. Agad na sumunod si Cassius hanggang sa nakarating sila sa isang bayan kung saan maraming restaurants and shops. Makikita sa paligid ang mga nag-uusap na mga studyante at mga ibang bampira suot ang iba't ibang kulay ng uniporme. Yung iba papasok sa mga tindahan ang iba naman ay naglalakad sa daan. Meron din siyang nakitang mukhang mga dayo na nakaitim na kapa o di kaya'y naka-sombrero. Ang ikinagulat niya ay mayroon nakakalat na halimaw sa paligid kagaya ito ng nakaukit sa dingding ng secret basement nila. "Knides, soulless monsters who protects our kinds despite of us wiping out their existence. The world isn't fair at all those people who shows goodness always suffers and get sacrificed." Saad ni Zav na may halong galit. Hindi niya masisisi ito sapagkat pinatay din ang ina nito ng mga Eviors. "Thats why we are here to change our generation for good." Biglang saad niya na ikinagulat nito. Napansin niya ang pagliwanag ng mata nito kahit seryuso ang mukha nito. Naiintindihan ni Cassius ang pangungulilang nararamdaman nito dahil ganun din ang dinadala niya araw-araw. "Malapit na tayo." Saad ng lalaking nakamaskara. Lumagpas kami sa bayan at napansin ang kakahoyan sa harap na hanggang doon nalang ang daan. Napansin ko ang pag-iba ng anyo ng lalaking nakamaskara at naging uwak ito. Napalingon ako kay Zav na nakatingin din sakin sabay taas ng dalawang balikat. Kasunod din ay nagbago ito ng anyo at naging pusa na kulay puti. Naiwan ako na hindi alam ang gagawin tinuro ni Zav ang kakahoyan na parang nagsasabing "Isa lang ang daan". Nagpalinga-linga ako sa paligid kung may iba pabang daan pero wala. Napapaligiran ito ng matataas na puno ng Sequoia sempervirens (coast redwood). Akmang hahawakan ko ito ay bigla itong gumalaw na siyang pag-alog ng buong lupa. Agad na bumalik sa anyo si Zav na nanlalaki ang mata at hinila ako papasok. Mabilis itong tumakbo habang hila-hila ako ng makalabas kami ay nag-iba kami ng daan sa kabila na para bang nawawala. Sakto naman ang paglabas ng ibang knides at mga bampirang nagmamasid sa paligid. "Anong ginawa mo." Hinihingal na saad ni Zav. "Hindi ko alam nahawakan ko lang naman yung puno." Sagot ni Cassius na hinihingal din. Huminto si Zav at may kinuha sa bandang gilid ng coat niya. Isa iyong itim na guwantes at iniabot niya ito kay Cassius. "Suotin mo ipapaalam ko kay ama na padalhan ka ng ganito kailangan nating mag-ingat. Mahirap na at baka mahuli tayo ng ibang bampira nasa Vareigns tayo masyadong mahigpit ang securidad dito. From now on avoid touching anything with your bare skin wear the gloves got it?" Paalala ni Zav. "Fine why do I feel you act like a sensei or something." Kunot-noong sagot ni Cassius at sinuot iyon. "Akala mo lang iyon kamahalan." Nakangising saad nito at naglakad na eksakto namang nakita kami nung lalaking nakamaskara. Napansin ni Cassius na parang wala itong nakikita kaya napagtanto niyang bulag ito. Ngunit ganun paman ay masyadong malakas ang pakiramdam nito na para bang nakakakita talaga ito. "Amazing." Bulong ni Zav sa kaniya. Sumang-ayon siya dito talagang napakagaling nito nakarating sila sa isang gate ulit pero kitang-kita na ang buong school. Malaki ito at kulay itim ang mga gusali na mababato, mayroon ding makikitang kulay pula na bandila sa itaas. Mas maraming estudyante ang nagkalat ang iba ay nag-eensayo,nag-uusap at ang iba naman ay nakatingin sa kanila. Napansin ni Cassius and dalawang mata na nakatitig sa kaniya sa malayo . Agad niyang iniangat ang tingin sa bandang gilid kung saan mayroong bintana. Hindi niya maalinag kung sino ang nakatingin sa kaniya ngunit nakasuot ito ng uniporme. "Anong tinitingnan mo?" Tanong ni Zav sa kaniya. "Wala." Sagot niya at sumunod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD