bc

Malison's Blood

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
curse
drama
comedy
bxg
mystery
genius
vampire
another world
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Cassius Deme the upcoming heir of the Frostier's Clan known to be a human with vampire features. They are known as the noblest of all vampires who inherits the Malison's blood. For unknown reasons the blood was lost and the chalice was sealed by servamps souls to avoid chaos. But, this isn't the start of peace for Eviors began to seek for the said heir. In order to stay hidden he needs to adapt and act as one of them for safety. Everything was fine not until his 21st birthday have arrived the judgement age of a noble vampire.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Cassius Deme's Pov Hingal na tumatakbo si Cassius papunta sa kabilang gusali ng school. Unang araw pa lamang ay late na naman ito kaya nga siya binansagan na prinsipe na laging nahuhuli. Sapagkat kahit kailan ay lagi itong hindi on-time sa lahat ng lakad at klase. "I'm so freaking late where the heck is that damn room?!" Bulalas niya habang palinga-linga sa loob ng building. "Over here Cassius! Kanina pa nag-aantay yung Lolo mo. Excuse ka daw muna sa klase sabi sakin ni maam Constantine." Sigaw ni Zavicht sa unahan. Unti-unti siyang napahinto ng magsink sa kanya ang sinabi ni Zav. "Grandpa? How come?" Sa isip niya. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip niya ngunit binalewala niya muna ito. Ramdam niya ang pagkadismaya sapagkat sa lahat ng taon na dumaan ngayon lang ito magpapakita sa kaniya. Ngunit nangunguna pa rin ang pananabik dahil nag-iisa na lamang niya itong pamilya. 3rd year college pa lamang siya sa kursong Medisina. Lumaki syang walang mga magulang at ang tanging bumubuhay sa kanya ay si Mr. Nexus. Hindi niya pa ito nakikita o nasilayan man lang simula ng magkaisip siya. Ayon sa yaya niya apo daw sya nito ngunit masyado itong busy sa negosyo. Ito nalang ang natitirang pamilya niya at kumupkop sa kaniya ng pumanaw ang kaniyang mga magulang. Iyon lang ang mga bagay na alam niya sa sarili niya at kahit kailan ay hindi na niya pinagdalawang-isip pa ang impormasyon na nalaman. Kahit ganun paman ay masaya siya na kahit papaano ay alam niyang hindi siya hinahayaan ng kaniyang Lolo. Ang pinagtataka niya lang ay bakit ayaw nitong magpakita sa kaniya? Marami ang nagsasabi na pareho daw sila ng kulay sa mata. Kulay abo ito at parang kasinglamig ng yelo kapag tinitigan. Maputla din ito gaya ng kutis niya at pati ang mga labi nito ay mapupula din. Ang buhok nito ay napaka-itim samantalang ang kaniya naman ay ganun din. Halos magkahawig daw sila na para bang mag-ama ngunit ang pagkakaiba lang ay malamig ang pakikitungo nito sa lahat. Habang siya naman ay may pagkapilyo at medyo suplado ang dating. "What's taking you so long mate? Daig mo pa ang babae sa tagal mong magbihis!" Bulalas ni Zav na nagsisimula ng magsermon sa kaniya. "You know me for almost 21 years of my existence Zav halos sabay na tayo lumaki hindi ka pa ba nasasanay?" Pagbibiro niya. Napabuntong-hininga na lamang ito at napalingo-lingo na sa sinabi ni Cassius. Napangiti naman si Cassius dahil nanalo na naman siya at napatahimik na ito. Matagal na silang magkaibigan ni Zav at kilalang-kilala na siya ito. Magkaibigan nga sila ngunit magkasalungat ang ugali na malabong maisip ng iba kung paano sila naging matalik na magkaibigan. Zavicht Tereshkova kilala ito bilang napakaperfectionist at matalino din naman. Secretarya ang ama nito ng kanyang Lolo at matalik din na magkaibigan. Si Zav ang nag-aayos lahat ng gulo at kalat na ginagawa niya gaya na lamang nito. "Walangya ka! Break na tayo dun kana sa mga babae mo!" Sigaw ni Anne at agad syang sinampal nito sa mukha ng bag. "What the-" saad niya habang hinihimas ang mukhang nagasgasan nung bag. "Ayan ang napapala ng playboy na gaya mo bukol at gasgas baka sa susunod sa morgue kana dahil-" mabilis niyang pinahinto si Zav at sinamaan ito ng tingin. Masakit na nga yung mukha niya nasermonan na naman siya. Totoo naman lahat ng sinasabi nito na hobby niyang paglaruan ang mga babae ngunit ginagawa lang naman niya ang gusto ng mga ito. "They like me what can I do? I should like them back right? What you get is what you give so saan ako nagkamali doon?" Nalilitong saad ni Cassius. Napahilamos si Zav sa sagot ni Cassius na kulang nalang ay ilibing niya ito ng buhay. "Ewan ko sayo Cassius nakakabobo ka kausap ang ibig sabihin nun ay ang kabutihan na ibinigay hindi yung kalandian mo ang ibigay! Halikana nga." Napipikong saad ni Zav at umuna ng lumakad. Napatawa na lamang si Cassius ng makita ang asar na asar nitong mukha. Kung kanina ay patawa-tawa lang si Cassius ngunit ng papalapit na sila sa principal's office ay labis ang kaniyang kaba. Rinig niya tunog ng kanilang yapak at pati narin ang t***k ng kaniyang dibdib. Huminto si Zav sa malaking pinto at lumingon sa kaniya sabay katok ng dalawang beses. "Andito na po kami." Saad nito ng makapasok agad naman na sumunod si Cassius. Bumungad sa kaniya ang nakatayong lalaki na nakatalikod at nakatingin sa fireplace na may bitbit na tungkod. Nakaharap sa kanila ang principal at nakatingin sa kaniya. "I'm Zavicht Tereshkova, Cassius servamp." Pagpapakilala ni Zav. Puno ng pagtataka ang nasa mukha ni Cassius sa sinabi ng kaibigan. "You must be confuse but you'll understand someday." Saad ng kaniyang Lolo na para bang nababasa nito ang kaniyang iniisip. "I'm so confuse what the hell is going on?" Nagugulohang saad niya. Sinenyasan nitong umalis ang kanilang punong-guro at sila na lamang tatlo ang naiwan. "Ilang taon na rin ang nakalipas simula ng pumanaw ang iyong mga magulang na si Vast at Carol. Nasa tamang edad ka na para pasanin ang iyong responsibilidad bilang isang Frostier." Mahabang lintaya nito sa kaniya. Hindi alam ni Cassius kung ano ang sasabihin ngunit masyado ata siyang umasa na sasabihan siya ng magandang balita na gaya ng "Kumusta ka apo?" O di kaya'y "Nagkita narin tayo sa wakas" na may ngiti sa mga labi nito. Ngunit nagpakita lang pala ito para ipasa sa kaniya ang mga responsibilidad na dapat niyang ginagawa. Hindi dahil namimiss siya nito o gusto siya nitong makita man lang kahit papaano. Napatawa siya bigla sa mga pangyayari ramdam niya ang pagkadismaya at sakit ng kaniyang dibdib. Kita ang pagkalito ng mga ito na agad naman niyang inihinto ang pagtawa. "Pasensya na natawa ako sa pangyayari hindi ko talaga ito inaasahan. So ang ibig mo bang sabihin kaya ka andito ay para ipasa sa akin ang responsibilidad ko? At ikaw naman Zav minsan na akong napaisip kung bakit ka sunod ng sunod sa akin ay dahil iyon ang responsibilidad mo at dapat gawin?" Tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa mga ito. Tumahimik si Zav at hindi makatingin ng maayos alam niya kung paano ito magsinungaling. Kung iisipin ang kilos nito ay nagsisinungaling nga ito sa kaniya na lalong ikinagalit niya. Napangisi siya at pumalakpak na para bang nakakita siya ng magandang palabas. Agad siyang tumalikod at lumayas sa harap ng mga ito at hindi na pinakinggan pa ang pagtawag ng kaniyang Lolo. Nakarating siya sa parking lot at mabilis na sumakay sa kaniyang sasakyan. Pinaharurot niya ito ng mabilis paalis sa lugar na iyon basta ang alam niya ay pinaglihiman na naman siya ng natitirang taong pinagkakatiwalaan niya. "Damn!" Saad niya at pinaharurot pa ang sasakyan ng napakabilis. Napunta siya sa lugar kung saan wala ng masyadong sasakyan at puro puno nalang ang nakapalibot. Wala na siyang pakialam kung salubungin man siya ng isang wrong turn psychopath at baka mapatay niya pa ito sa galit at inis na nararamdaman niya. Kakapasok palang niya sa liblib na lugar ay may naaninag siya sa unahan. Sinubukan niyang tapakan ang break ngunit ayaw nitong huminto kaya nagsimula na siyang magpanic. Palapit ng palapit na siya sa taong iyon ng biglang nawala ito sa kaniyang paningin. Nagtataka siya sa pangyayari ng biglang may taong bumagsak sa taas ng sasakyan sa gulat ay aksidente niyang nailiko ang manobela at dumiretso siya sa malaking puno. Parang nabingi si Cassius sa lakas ng impact ng pagtama nang kaniyang sasakyan. Kumirot din ang noo niya at napansin ang likidong dumadaloy sa kaniyang mukha. Masyadong malabo ang kaniya paningin at napansin niya ang papalapit na lalaki kanina patungo sa kaniyang pwesto. Mukha pa atang nakarma siya sa pag-alis kanina at ito nga'y mapapahamak pa siya sa katigasan niya ng ulo. Bago paman makalapit ito ay may biglang humila dito at tinapon ito sa kabilang dako. Hindi niya masyadong naaninag ang pangyayari pero pamilyar sa kaniya ang nakatalikod na pigura. "Zavicht?" Nanghihinang saad niya. Napansin niya ang kaunting paglingon nito pero agad nitong inalis ng mapansin ang pagtayo ng mysteryosong lalaki. Mabilis itong umatake kay Zav at may tinapon na kung ano at nakinadaplisan nito sa braso. Tinakbo ito ni Zav at tinamuan ng kamao ngunit mabilis itong nakailag at nasiko nito ang brasong may pinsala. Napa-aray si Zav at ginawaran ito ng sipa ngunit nahawakan nito ang kaniyang paa at hinila siya nito na kinawalan niya ng balanse. Kumuha ito ng lakas at tinapon si Zav sa pader ng puno na para bang napakalakas na pagkahampas. Gulat na gulat si Cassius sa pangyayari ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga paa. Napansin niya ang paghila nito sa buhok ni Zav at hinila ito palapit sa kaniya. Huminto ito at tinaas ang kaibigan niya sabay labas ng matalas nitong kuko. Napatingin si Zav sa pwesto niya at nagsalita na walang lumalabas na tinig sa bibig nito. "Run." Hindi na alam ni Cassius ang gagawin kasabay ng pagnginig ng kaniyang kamay ang takot sa nakikita. Ng papalapit na ang kamay nito para pugotan ang ulo ni Zav. May kung anong init ang naramdaman niya at napansin niyang biglang pagbitaw ng lalaki. Unti-unti itong namilipit na para bang pinipisa ito at bigla na lamang itong sumabog. Nakakalat ang dugo nito sa paligid at ang iba ay napatalsik sa bintana niya. Tuluyan na siyang nanghina at nawalan ng lakas kasabay ng kaniyang paningin ay kinain na siya ng dilim. Nagising si Cassius sa isang hindi pamilyar na kwarto at nakita niya si Zav na may kinakausap na lalaki na sa tingin niya ay nasa mid-30's nito. Napansin siya ni Zav at agad ding napalingon ang lalaking kausap nito. Hindi nga siya nagkamali magkahawig ang dalawa ibig sabihin ay ito ang ama ng kaibigan. "Gising kana pala kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa kaniya. Bumangon muna siya bago nagsalita. "I'm fine I guess? Nasaan ba ako?" Tanong niya. Napatitig sa kaniya si Zav na para bang mayroong gustong sabihin. "Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng mga Frostier at ikaw ang susunod na mag-aalaga sa lugar na ito." Paliwanag ng ama ni Zav. "Wala kabang naaalala sa pangyayari?" Tanong ni Zav. Kumunot ang noo niya sa tanong nito bago ito sinagot. "Wala bakit ano ba ang nangyari?" Takang tanong niya. Bumukas ang pinto at bumungad ang kaniyang Lolo. "I've heard what happened pero ang pinagtataka ko paano nila nalaman ang tungkol kay Cassius?" Saad ng kaniyang Lolo. "Isa sa kasamahan natin ay espiya ng kalaban pinatahimik ko na ito sa mga Knides. Wala akong nakuhang impormasyon parang planado na ang lahat ng kilos nila." Saad ni Mr. Tereshkova. "'Maaaring tama ka alam na nila ngayon ang kayang gawin ni Cassius. Hindi lang ngayon ngunit baka bukas dadami na ang susunod na magtatangka sa buhay ng apo ko. You need to get ready young man you are heading at the Vareigns." Pahayag nito sa kaniya. "Hold on. Don't you think you need to explain something to me? I don't understand what the hell is going on." Saad ni Cassius na parang wala ng maintindihan sa mga taong nasa paligid niya. Bumuntong hininga si Zav at saka nagsalita. "Wala din akong naiintindihan sa pangyayari basta't ang alam ko ikaw yung pagsisilbihan ko." Saad ni Zav na napahilot na sa kaniyang sentido. "Sumunod kayong dalawa." Saad ni Mr. Tereshkova. Nagkatinginan silang dalawa at sumunod nalang agad din namang nagpaalam ang kaniyang Lolo ngunit bago pa umalis ay nakipag-usap ito sa kaniya. "Pumunta ako para makita ang lagay mo. Lumaki kang mag-isa at naging mabuting tao kahit papaano kampante na akong naging ligtas ka. Ngunit ngayong alam na nila hindi ko na masisiguradong matatakpan pa kita Cassius. Your parents risk their lives protecting you from the Eviors and you are my grandson I won't hesitate to do the same but for how long?" Mahabang lintaya nito at napabuntong hininga na lamang na para bang ang laki ng pasan nito. "I will be assured if you'll head at the Vareigns its a safe place for you at makakatulong din ito sayo." Pagdudugtong niya at hinawakan ang kaniyang balikat. Parang gumaan ang loob ni Cassius sa sinabi nito at tumango. "I'm glad to see you grandpa." Saad niya dito na ikinatuwa naman ng matanda.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.4K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.4K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K
bc

Fight for my son's right

read
147.2K
bc

Be Mine Again

read
99.3K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook