Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Napapikit ako sa sakit dahil kumikirot ang ulo ko. Hahawakan ko sana pero napaawang ang bibig ko nang mapansin ko na nakatali pala ang dalawang kamay ko. May kumuha na naman ba sa'kin? Nilukob na ako ng kaba at nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Kasalukuyan akong nakaupo sa gitna ng silid na 'to na may isang maliit na bintana lamang. Walang kagamit-gamit sa loob ng silid na 'to.Hindi naman masyadong madilim dahil hapon w-wait- "H-Hapon na?" maang tanong ko sa sarili ko. Gosh! Ilang oras akong nawalan ng malay? Naalala 'kong may lalaking nakangisi sa'kin kanina habang nakaluhod ako na panay iyak dahil sa nalaman ko. Inatake ng takot at kaba ang dibdib ko nang maalala ang nakakatakot na pagmumukha ng lalaki kanina. Sinubukan kong tanggali

