"T-Twins?" tanong ko ulit sa kanila dahil hindi talaga ako makapaniwala. Halata naman kasi na magkakambal sila pero 'di ko pa rin maiwasang mawindang dahil nanggaling na mismo sa kanilang mga bibig ang sagot. Tumango naman si Bangin sa tanong ko kaya napabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. "But how?" tanong ko ulit na ikanakunot noo ng dalawa na ikinamangha ko. Magkambal nga! "Gusto mo bang ipaliwanag ko pa sayo kung paano kami nabuo at naging kambal, love?" pamimilosopong balik tanong ni Bangin sakin kaya sinamaan ko ito ng tingin. Aba! gago din 'tong lalaki 'tong ha? "Hindi literal, bangin ha? T-Teka nga magseryoso nga muna tayong tatlo at isa pa pwedeng umupo muna, pwede? Sumasakit na ang mga paa ko kakatayo natin dito aba tinatamad din minsan ang mga buntis!" putak ko sa kanila at

