Gabi na ng makauwi kami ni Bangin dahil gumawa pa kami ng milagro doon sa gubat. You know na, mesherep kese eke.
Pagdating namin sa bahay ay napakunot-noo ako dahil sa mga maletang nasa sala pati na rin si Clifford ay nagtataka.
"Sinong lalayas, sweetheart? Kuya mo ba?" tanong ko kay Malou. Umiling naman ito at binaling ko ang aking mga mata kay John na busy kakalamon ng cupcake sa hagdan.
"May bisita ka Luna." sabi naman nito at nagpatuloy naman sa kakalamon.
"May inaasahan ka ba ngayon, love?" napabaling ako kay Clifford nang magtanong ito bigla. Umiling ako at lumapit sa mga maleta. Tinignan ko agad ang tag at napasinghap ako.
"Hi there, cousin." said a familiar voice. Napalingon agad ako sa taong nagsasalita and there I saw a woman wearing a red dress as always while leaning the wall. I rolled my eyes at her dahil ako ang nauumayan sa kulay ng mga damit niya. Palaging red!
"Melay until now wala ka pa ring sense of fashion? Like duh! Nakakaumay kaya." my cousin Melanie just rolled her eyes and lumapit sa akin. She hugged me and I did the same thing.
"I thought you were in Crenon, paano ka naman napadpad dito, aber?" tanong ko sa kanya. She raised her eyebrow and I pouted. She is always mean talaga. Siya lang ang mahilig mangbully sa akin ay silang dalawa palang Alex pero mas worst ang babaeng ito.
"Ako dapat ang magtanong niyan. Paano kayo napadpad rito? Umalis kayo sa Avenia without telling me!" she almost shouted at me kaya napakamot ako sa aking ulo. My ghad! Magkaka dandruff na ata ako ang kati eh!
"Mae!"
"Don't shout at her, miss." sita ni bangin my labs kay Melay at lumapit sa akin. Bangin put her arms around my waist na ikinapula ng mukha ko.
"Uyy si Luna namumula! Kinikilig ka, noh? " singit ni John kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Shattap beks! Inggit ka lang!"
Umasim ang mukha nito dahil sa tinawag ko sa kanya. Inirapan pa ako ng tukmol at nagwalk out habang bitbit ang mga cupcakes.
"And, who are you?" nabaling ulit ang atensyon ko kay Melay. I pouted, she is galit na and I can feel it.
"I'm Clifford, the Alpha of this pack and the husband of your cousin, miss."
"Pack. Tama ang hinala ko na taong lobo ka din pala. " ani ni Melay at later on she smiled at my labidabs.
"Nice to meet you, Alpha. I'm Melanie Hernandez." pakilala ng pinsan ko.
Napasimangot aketch dahil tinanggap ni bangin ang kamay ni pinsan. Nagseselos ako kasi nga dyosa ako. Ang Alpha ay para sa dyosa lang at ako iyon.
"Para kang timang diyan,Mae."
"Shattap Melay! Ba't mo hinawakan ang kamay ni bebelabs? Si bangin ay para lang sa akin!"
I heard Clifford laugh kaya sinamaan ko ito ng tingin upang matahimik while Melanie chuckled.
"Ewan ko sayo, Mae. May nakatakda na sa akin kaya wag kang magselos. Nag mumukha kang daga na tinuli eh." natatawang ani ni Melay kaya napasimangot nalang ako.
"HAHAHAHAHAHAHAHA ang galing din pala ng pinsan mo, Luna. Akalain mo 'yon, sa daga ka pa kinompara." natatawang singit na naman ng walang iba kundi ang baklang beta na naman ni Bangin.
"Ikaw bakla ka! Umalis ka dito sa harapan ko! Maglinis ka sa labas! Dalian mo!" sigaw ko sa kanya pero ang kumag humiga sa hagdan at nagpatuloy sa pagkain ng cupcake.
"Luna ang wrinkles natin. May mga katulong naman Luna so sila nalang ang maglinis saka isa pa gabi na ngayon."
"So?"
"Para kang daga na tinuli, Luna." ulit niya sa sinabi ni Melay na nagpapatawa sa lahat ng tao na naroroon. Hinubad ko ang heel ko at binato sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin dahil naheadshot ito. Buti nga.
"Bebelabs oh, ang sama makatingin sakin ng beta mong bakla." sumbong ko kay Bangin kaya ngumiti agad ang kumag. Ang plastic ng baklang ito. Sarap bitayin ng patiwarik.
"So, Melay my cousin, ba't and dami mong dalang maleta? Mag-aabroad ka?" tanong ko kay Melay pero she rolled her eyes again. Ang mean talaga ng babaeng ito, dukutin ko kaya ang mata ng babaeng ito tas gawin kong fishball at ipakain kay John the beks.
Napatango ako. Tama tama ang henyo ko talaga.
"Dito muna ako titira, ayos lang ba Alpha? "
Clifford just nods.
"It's okay, welcome naman dito ang pamilya ng aking Luna."
Kyaaaaah... Kinikilig ako hoho ang geleng telege megpekeleg ng bengen nete hihihi pero ngitian ko ng matamis ang pinsan kong reyna ng mga pula.
"I know that smile, Mae." naiiling na wika niya sakin.
"Hihi dyosa no?"
"Tsk."
"Since dito ka naman titira, pinsan, bigyan mo ko ng pera ha? Bayad mo renta."
Melanie glared at me and I just whistled. I need money kaya cause I have utang pa kay Alex.
"No need to do that love. She's welcome here and it's for free."
I pouted.
"I have to pay my utang kay Alex love. I don't have money pa, eh."
Bangin chuckled and stole a kiss from me kaya napangiti ako.
"Landi. Tsk." bitter na singit ng aking pinsang panget.
"Inggit ka lang. Takpan mo mata cousin, virgin ka pa eh." natatawang utos ko sa kanya. Inirapan lang ako ng gaga. Hahalikan ko sana ulit ang aking labidabs pero napatigil ako dahil sa sagot ni Melay na ikinagulantang ng aking mundo (charot lang!)
"I'm not a virgin anymore and to te be honest, buntis ako ngayon." kalmadong sabi niya habang nakangiting hinihimas niya ang kanyang tiyan.
Napabalik-balik ang tingin ko sa mukha niya at sa tiyan niya. Sa tiyan niya at sa mukha niya. Sa mukha, tiyan ulit and I fainted pero kunwari lang.
Pinaypayan ko ang aking sarili dahil ang hot ko.
"Sure ka?" paninigurado ko sa kanya. Hello baka na prank lang ako ng babaeng ito noh.
Sinamaan ako ng tingin ni Melay.
"Mukha ba akong nagbibiro, ha?"
"Ah, hindi?"
"Baliw." bulong nito na I heard naman huhuhu ang mean porke't buntis huhu.
"I guess you need to rest. John pakisamahan si Melanie sa guestroom." ani Bangin.
"Ako nalang labs kasi iinterviewhin ko muna ang marupok na ito. Beks pakidala nalang ng kanyang mga gamit."
"Bakit ako, Luna?"
"Eh kung sapakin kaya kita diyan?"
Napatango nalang si John habang nakasimangot. Yan! Dapat makinig sa Dyosa dahil ayaw kong magka-wrinkles. Sa akin pa naman magmamana ang anak ni Melay. My ghad!
"Halika na Melay dahil mag ala MMK ka ngayon sa akin." I said while pulling her gently upstairs.
Napailing nalang sila sa akin kaya I pouted my kissable lips.
"Ayaw niyo sa MMK? Oh sige Magpakailanman nalang."