Chapter 17

1103 Words
Dinala ko si Melay sa guest room for them to take a rest. Of course, dalawa na sila ngayon kaya need na talaga ng babaeng 'to ang rest. Char! Tahimik lang si Melay na nakasunod sakin which is unusual, kasi nga she always bullied me. Like duh! Hindi titigil ang babaeng ito kakabully sa akin pag hindi ako iiyak. Nang makarating sa guest room na katabi lang din ng kwarto ni Bakla ay agad ko itong binuksan. Melanie scanned the room and smiled slightly while her hand is caressing her tummy. "Alam ba ng ama niyan na buntis ka?" I asked her nang makaupo ako sa kama at tinitigan siya. She looked at me and sighed pagkatapos ay umiling. Napatampal nalang ako sa precious noo ko sa sagot niya. Tanga din ang babaeng ito. Tumabi siya sa akin habang hinihimas ang tiyan niya. Napatingin ako doon. Ano kaya ang feeling pag may baby na sa tummy ko? Sobrang saya siguro. I smiled at that thought. "Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang kalagayan ko." Melanie said. I sighed and lay down. "Why not? May karapatan din naman siyang malaman eh dahil anak niya rin yan." She faced me and shook her head. "I know pero hindi ko pa ata kayang humarap sa kanya." "Ano ba kasi ang nangyari?" Humiga din siya sa tabi ko at tinitigan ang kisame while her hand is still in her tummy. "He cheated." sagot niya na ikanakunot noo ko. "Ano?" Dumapa ako at tiningnan siya."Diba isa din siyang werewolf then how come nagawa niyang mag cheat sayo na ikaw naman ang itinadhana sa kanya?" Hindi ako sinagot ni Melanie at nanatiling  nakatitig sa kisame kaya napa buntong-hininga nalang ako. Umayos ako ng higa sa tabi niya. I heard her sighed. "Yun din ang tanong ko sa sarili ko, Mae. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa 'yon sa akin eh minahal ko naman siya ng sobra." mahinang ani niya. "Alam mo, hindi naman masama kung magmahal ka ng sobra sa isang tao, Melay, pero dapat rin binalanse mo ang pagmamahal na 'yan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo pero ang masasabi ko lang.." bumangon ako at tinitigan siya. "..magtira ka din ng pagmamahal sa sarili mo." Pagkatapos kung sabihin sa kanya ay tumungo na ako sa pinto. Bago ko  buksan ay lumingon ako ulit sa kanya. Nakaupo na siya ngayon at nakatitig sa akin. "Basta tandaan mo, Melay, nandito lang kami ni Alex para sa iyo. " after I said that to her ay lumabas na ako. Ghad! Di ko akalain na makapagsalita ako ng ganun. Parang may isang himala lang! Napahawak ako sa sentido ko at napailing. "Akalain mo yun, nagawa kong mag advice sa pinakaseryoso kong pinsan. Tsk! Isang himala nga." "That's so sweet of you love." Napalingon ako sa nagsalita at napangiti nang makita si Bangin ito. Naka crossed-arms siya habang nakasandal sa dingding na katapat lang sa kwartong ginamit ni Melay ngayon. Lumapit siya sa akin at yumakap. I smiled and sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. He kissed my head na ikinapikit ko. "Nag-alala ako kay Melay at sa baby niya, Bangin." sabi ko sakanya habang nakasubsob parin sa dibdib nito. "Hmm.. I know." sagot niya habang hinihimas ang likod ko. Bumitaw ako ng yakap sa kanya at tinitigan siya sa mata. "Bakit ganun? Akala ko stick to one na talaga kayong mga taong lobo dahil nga may nakatadhana sa inyo pero bakit nagawang pagtaksilan ang pinsan ko?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya. He sighed and marahan niya akong hinila sa kwarto namin. "I don't know why did Tommer did that to her love but the only thing I can assure you is that he has reasons." marahang sagot niya sa tanong ko kanina. Umupo ako sa kama at tinitigan siya na nakatayo sa harapan ko. Nakatitig rin siya sa akin. "You know him? " He nodded. "Baka naman malaman nun na narito si Melanie?" tanong ko sa kanya. Hindi imposibleng mangyari 'yon. "No." "How sure are you?" nakataas kilay kong tanong sa kanya. He just shrugged and humiga sa tabi ko. Tinignan ko lang siya. "I just know love." Tsk. Kahit kelan walang matinong sagot akong makukuha sa lalaking ito. Napakunot noo ako nang mapansing bihis na bihis ito. Nakasuot siya ng black shirt with black leather jacket and maong jeans with Nike black rubber shoes. "May lakad ka?" tanong ko sa kanya. Bumangon siya at hinawakan ang kamay ko. "Yeah, pupunta akong Crenon dahil namataan ng isa sa mga tauhan natin ang taong matagal ko ng hinanap." Napakunot noo ako sa sagot niya. "Who?" tanong ko sa kanya. He just smiled and kissed my temple. "You well know him soon." sagot niya na ikinakaba ko. What's with this weird feeling? "Ilang araw kayo dun?" "Maximum of 2 weeks." Napapout ako sa sagot niya. Ang tagal pa pala. He chuckled kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I love you, love" sabi niya at hinalikan ako, mabilis ko namang tinugon ito. "I love you too" I huskily answered him habang nakatitig sa isa't -isa.. "Mag-iingat kayo doon. Don't forget to call me bangin or else sa labas ka matutulog pagka-uwi mo." He chuckled and kissed my temple again. "I will." sagot niya at lumabas na sa kwarto namin. Napabuntong-hininga nalang ako at dumapa sa kama. I will definitely miss that guy. Nasasanay na kasi akong kasama ito and ngayon mawawala muna siya ng ilang araw, hindi kaya ako mamamatay nito? I shook my head. "OA kung ganoon." ani ko sa sarili at pumikit. Napamulat ako nang makaramdam ako ng gutom.  Tamad kong inabot ang cellphone ko na nasa unan at tinawagan si Malou. Mabilis naman nitong sinagot. "Luna?" sagot nito sa kabilang linya. "Hi sweetheart, pasuyo naman oh." "Sige po. " "Can you bring me a pizza with lots of lots of cheese on top then buko shake with cheese, please?" sabi ko sa kanya habang di mapigilan ang sarili ko na maglaway. Gross! Nakakawala ng poise pero natatakam talaga ako sa cheese. "Sweetheart?" tawag ko kay Malou nang wala akong marinig na tugon sa kabilang linya. "Ah sorry Luna. Nakapagtataka lang kasi Luna dahil hindi ka naman mahilig sa cheese." Oo nga noh? Hindi naman talaga ako mahilig sa cheese kasi nga di ko bet ang color, gusto ko kasi pink. "Pero gusto ko kumain ngayon ng foods sweetheart na may maraming cheese kundi cheese nalang ang dalhin mo dito. That would be lovely" nakangiting sagot ko. "S-Sige po." After that ay nakangiting pinatay ko ang tawag at tumitig sa kisame. Cheese! I want you now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD