LUCIA'S POV
ITS BEEN two days already after that accident happened. Fully recover na ang paa ko kaya napagdesisyonan kong pumasok na ulit sa trabaho.
Napatingin ako sa cellphone ko. It's been two days also nung nag dinner sa bahay ko si Doc H at until now wala pa rin akong balita tungkol sa kanya.
Kumusta na kaya sya?
"Miss Jessica pakidal---"
"Ako nalang magdadala, Ma'am!" Pagpepresenta ko kahit nawiwirduhan ay pumayag naman si Nurse Lea.
"Pakidala sa E.R itong request, patatakan mo sa ROD then after that, bigay mo na kay patient Castro nasa male ward. Okay?" Sabi niya. tumango ako at mabilis na naglakad pababa ng hagdanan.
Nasa 2nd floor palang ako ay pakiramdam ko hinihingal nako. Nasa Fourth floor ang station namin at nasa ground floor naman ang E.R.
"Nakakapagod.." bulong ko. Ba't naman kasi hindi ko naisipang mag elevator?
May narinig akong mahinang bungisngis. "Bakit naman kasi hindi ka nag elevator?" Tanong niya.
Napalingon ako sa nagsalita. "D-Doc H.." b
sambit ko. Nakasalamin siya at nakakunot ang noo habang may binabasa sa papel, lab results ata.
"Kumusta paa mo?" Tanong niya habang nakatingin pa din sa mga papel.
"Ayos naman, Doc." Sabi ko. Tumango tango siya. "Good to hear that." pagkatapos ay nilagpasan na ako.
What? Ganon na lang yon?
"S-Sandali Doc!" Sigaw ko. Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Seryoso ang mukha niya at nakakunot ang noo.
"Yes?" Tanong niya. He seems so different. What the hell happened?
"A-Ahm, thank you, Doc. " Mahinang sabi ko.
Tipid siyang ngumiti at lumapit sakin. "You're welcome." He said then pat my head before leaving.
Natigilan ako. O-Okay?
I'm so confused. Why is he acting that way? Is it because I'm fully recovered from the accident kaya ganon nalang yung trato niya sakin?
Maybe naging mabait lang sya sakin few days ago is because he is just being emphatic to what happened to me and not really sincere.
I sighed. I shouldn't expect anything from him.
After all, he's a doctor... just like my dad.
Malungkot akong bumalik sa station after ko mapatatakan ang papel at mabibigay ito sa patient.
"Para ka naman pinagsakluban ng langit at lupa, anong mukha yan?"
Napabuga nalang ako ng hangin at inirapan si Rochelle. "Wala, naiinis lang ako." sabi ko. Same schedule kami ng duty ngayong week kaya sabay din ang uwi namin after.
"Bakit na naman?" Tanong niya habang nag aayos ng meds ng mga patients.
"Wala naman, mag iinventory nalang muna ko." sabi ko. Natigilan ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses.
'Doc H..start na po tayo?'
'Sige'
"Bes, diba magbibigay ka na ng meds ngayon? Sama ako." Nagmamadaling sabi ko. nagtataka naman na tumingin siya sakin. "Akala ko ba mag iinven--"
"Tara na, dami mo pang sinasabi." sabi ko at hinila na sya pero too late dahil naabutan nako ni Doc H at Nurse Lea.
"Ma'am Lucia, buti andiyan ka, sama ka samin mag iikot na si Doc H." Nurse Lea.
Napabuntong hininga ako at tumango. Nagpaalam ako kay Roch bago ko kinuha ang chart ko at sumunod na kila Doc H at Nurse Lea.
___
"DOC makakauwi na ba kami ngayong araw?"
"Hindi pa po, mataas pa yung infection niyo. Kailangan muna natin tapusin yung antibiotic nyo for 7 days then pag bumaba na gawin na nating oral. For now, sa IV muna dadaan yung antibiotic so kailangan nyo po talaga muna mag stay dito sa hospital." Sabi ni Doc H sa pasyente.
Nakakaamaze lang kung paano sya kahinahon mag explain sa mga pasyente.
'Anong temperature ni Abellana?'
Napakabait niyang doctor kaya no wonder kung bakit gustong gusto dito sa hospital.
"Lucia, are you with us? anong temperature ni Abellana?" Tanong ni Doc H habang nakatingin sakin.
"H-Huh?"
Siniko ako ni Nurse Lea. "Ano daw temperature ni Abellana? Rest kana after nyan." bulong niya.
"A-Ah, 36.5, Doc. No fever. " nahihiyang sabi ko. Great, Lucia, lumilipad na naman ang utak mo.
"Okay sige, for MGH na sila." Sabi niya at binigay sakin ang chart. Mabilis akong tumango at bumalik sa Station dala ang chart ni Abellana.
"Ma'am Gelyn, may go home daw po si Abellana." Sabi ko at inabot ang chart. napabuntong hininga ako at naupo sa harapan nya.
"Oh anong problema mo dyan?" Tanong ni Ma'am Gelyn. Umiling ako. "Wala naman, Ma'am. Pagod lang po siguro." sabi ko. Nakakainis. Bat naman sa harapan niya pa ko naging lutang!
Puro ka katangahan, Lucia.
___
"TAPOS ka na mag inventory, Lucia?" Si Roch.
Tumango ako at tipid na ngumiti. "Kakatapos lang." sabi ko. ngumisi sya sakin. "Balita ko lutang ka daw kanina habang nakatingin kay Doc H?"
Napatapik nalang ako sa noo at umiling. Si Nurse Lea talaga napakadaldal.
Tumikhim ako. "May iniisip lang kasi ako.."
Naupo siya sa harap ko. "Kagaya ng..?"
Ng ano nga ba??
"K-Kagaya ng...tubig kuryente, alam mo na mga bayarin.." Palusot ko. Napabuntong hininga sya. "Akala ko naman kung ano na.." sabi niya na parang iba ang inaasahan ma sasabihin ko.
Ang babaeng to' talaga, napakachismosa.
"Good afternoon, may I speak to Lucia for a moment?"
Natigilan ako nang marinig ko na naman ang pamilyar na boses.
Wait? ano daw?
"Doc H, ito si Lucia oh!" Nakangising sabi ni Roch habang tinutulak ako palabas ng nursing station.
"Ayan Doc H, pagalitan mo yan, wala na naman sa sarili niya." Natatawang sabi ni din ni Nurse Lea at ginatungan pa ni Rochelle.
Napakamot nalang ako sa ulo ko bago tuluyang lumapit Kay Doc H.
"Bakit po, Doc?" Tanong ko. Ngumiti lang sya sakin at sumenyas na sumunod ako sa kanya pababa sa hagdanan.
Since may mga elevator na nga dito, madalang nalang na may gumagamit ng hagdanan. Kaya minsan nakakatakot maglakad mag isa pagbababa ka ng hagdan.
Nang makarating kami sa may 2nd floor ay bahagya siyang tumigil at humarap sa akin.
"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. "Oo naman, Doc." sabi ko.
Tumango tango siya. "I see, parang wala ka kasi sa sarili." sabi niya. nahihiya akong ngumiti. "A-Ah pasensya na po, Doc. Medyo madami lang iniisip."
Ngumiti sya at tumango. "Maybe a cup of coffee will help." sabi niya. naguguhan naman akong tumingin sa kanya. "H-Huh?"
He smiled. "You can go back now." sabi niya at nakapamulsang dumiretso na pababa ng hagdan.
I just shrugged.
Nang makabalik ako sa nursing station nakita ko na nagdadaldalan lang sila habang nagsusulat sa mga charts.
Napabuntong hininga ako. Mabuti nalang at hindi kami toxic ngayon, kung hindi, pare pareho na naman kaming parang lagari nito.
"So...anong pinag usapan nyo ni Doc H?" Pinalibutan nila ako at nag aantay sa sagot ko.
Umiling lang ako sa kanila at nahihiyang ngumiti. "W-Wala naman, may binilin lang sakin si Doc H.."
"O...Kay." Nagsilayuan naman sila sa akin na parang di makapaniwala sa sagot ko at nagkanya kanya nalang ng ngisi. Napahilamos nalang ako sa mukha.
Nagulantang ako nang biglang nagvibrate ang phone ko senyales na may nagmessage .
"Meet me at the parking lot after your duty. See you later!" -Yvo
Napangiti ako nang mabasa ko ang message.
Wait- napangiti?
Tumikhim ako. ipinilig ko ang ulo ko at umiling iling. Bakit naman ako natutuwa na nag message sya?
'Okay.' yun nalang ang naging reply ko pagkatapos ay bumalik na sa pag iinventory ng mga bagong supplies ng mga pasyente for their upcoming surgery.
Everything went well naman sa buong maghapon namin, wala kaming naging toxic patients kaya sobrang kaya laking pasalamat ko at hindi kami pagod lahat ngayong araw.
_____
"LUCIA wait lang, antay----"
"Sorry bes, something came up! Kailangan ko makauwi agad.." sabi ko, kumunot naman ang noo niya. "Bakit?"
Napakamot ako sa ulo ko. "A-Ah, y-yung may ari kasi ng i-inuupahan ko andon ngayon." Palusot ko nalang. Sa totoo lang ay gusto ko maglakad mag isa pauwi atsaka dahil na din sa kadahilang dadaan pa ako sa parking lot.
"Sige bes, sorry di kita masasamahan may mga susulatan pa kong mga charts eh," Nag aalalang sabi niya. Tumango ako at ang thumbs up sa kanya pagkatapos ay nagpaalam na akong aalis.
Pagdating ko sa parking lot. Wala na do'n ang sasakyan niya. Napabuntong hininga ako at napatingin ako sa aking orasan. Ano pa bang aasahan ko? alas syete na ng gabi ngayon at isang oras na kong late sa usapan namin ni Doc H.
Napabuntong hininga ulit ako. Umuwi na kaya sya? Pakiwari ko ay oo, dahil hindi naman ako tumupad sa usapan namin.
Sobrang dilim na sa daan at ako lang mag isa ang naglalakad, mostly kasi dito ay mga service dahil malayo talaga ang sakayan dito. Ako lang naman ang nagt-tiyaga na maglakad dito pauwi dahil wala naman akong choice at wala din naman akong sariling service.
Si Rochelle naman may motor sya, pinangalanan niya itong Apple dahil na din sa pulang pula nitong kulay. Ayun madalas ang gamit namin pag nagsasabay kami umuwi pero tsambahan lang na magkapareho kami ng oras ng duty.
Napaigtad ako nang biglang may bumisina sa gilid ko. Natigilan ako nang bumaba ang salamin sa bintana ng sasakyan.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
"Y-Yvo..."