CHAPTER 3

1231 Words
KINABUKASAN ay maaga ako nagising upang maglinis ng bahay. Maayos na ang paa ko at medyo nailalakad ko na ito ng maayos. "Sana pumasok nalang ako.." bulong ko. Hindi ko naman kasi alam kung bakit nakinig pa ako kay Doc H, hindi naman ako napuruhan ng sobra, namaga lang talaga dahil sa maling pagkakabagsak ko. "LUCIA!!" "Ikaw pala yan bes.." Napatingin ako kay Rochelle na dere deretsong pumasok sa bahay ko. Rest day niya ngayon kaya pumunta sya dito. "Buti na lang di ka pumasok ngayon. Kala ko mag isa na naman ako dito sa bahay mo." sabi niya at prenteng naupo sa sofa. Tuwing rest day kasi niya ay dito sya sa apartment ko tumatambay. Malapit lang ang bahay nila dito sa tinutuluyan ko, madalas kasi silang mag away ng mama nya dahil pine pressure sya nitong mag asawa na kaya kada rest day niya ay dito ang deretso niya. Hindi ko naman din kasi masisisi sila Tita, 27 years old na kasi si Rochelle, malayo ang agwat ng edad namin pero nagclick ang ugali namin kaya naging mag best friend kami. "Dapat nga pumasok nalang ako at hindi nakinig kay Doc H.." bulong ko. "Balita ko hinatid ka daw ni Doc H ah. Uy, iba na yan." Nakangising sabi niya. Inirapan ko sya. "Pinagsasabi mo, issue ka teh?" birong sabi ko. Nahiga sya sa sofa. "Bakit? Malay mo sya na pala ang forever mo." natatawang sabi niya. Binatukan ko nga. Forever? Malabo! Simula nung iniwan ng papa ko ang mama ko, pinangako ko sa sarili kong hindi ako aasa sa lalaki. Hindi ako magmamahal. Kaya malabo, hindi para sakin yung mga ganyang bagay. "Alam mo Roch.." panimula ko. tumingin siya sakin na parang naeexcite sa sasabihin ko. "Ano..ano..??" "Mag asawa ka na nang matuwa na sayo nanay mo.." natatawang sabi ko. Sumimangot naman siya. "Over my dead body.." sigaw niya. Napailing iling nalang ako. And thats why we became friends. Pareho kami ng ugali. "Pero alam mo, kung si Doc H naman mapapangasawa ko, why not?" sabi niya. "Ano pa ba naman hahanapin mo don? gwapo, matalino, may stable job, maya---" "Hindi mo pa nga kilala masyado yung tao, Rochelle. Wag ka ngang hibang." sabi ko. Inirapan niya lang ako. "Kaya pala, kakakilala lang nagpabuhat na agad." bulong niya "For your information, binuhat niya lang kaya ako bigla tapos..tapos.." Bat naman nya kasi ako binuhat naging issue pa tuloy. Paano na ko nito makakapagfocus sa trabaho? "Tapos ano..?" Tanong niya. Umiling ako. "Wala." sabi ko. Inirapan niya nalang ako kaya pareho kaming natahimik. Maghapon lang kami nagkulitan at kwentuhan ni Rochelle hanggang sa maggabi na. Patingin tingin ako sa phone ko kung may message ba o may tumatawag pero wala. "Ano ba Lucia? ba't di ka mapakali tingin ka ng tingin sa phone mo?" Tanong niya na parang nawiwirduhan na sa inaakto ko. Napabuntong hininga ako. Sabi niya pupunta sya? Teka..bat ko ba sya inaantay?? Wtf? "Wala naman, baka kasi dumating bigla yung parcel ko.." sabi ko. Napakamot sya sa ulo. "Weird mo teh, gabi na kaya bukas na deliver no'n. " sabi niya pa at nanood nalang ulit. Nanonood sya ngayon ng Jurassic Park, favorite nya kasi yun kaya wala akong choic habang ako naman ay naghahanda ng pagkain. "Dito kana pala kumai---" "May tumawag wait lang!" sabi niya. Nagmamadaling tumayo at lumabas para sagutin ang phone call sakanya. Panigurado ay sa ospital yun o yung kapalitan nya mag duty. Kahit rest day ay hinahabol pa din talaga sila ng trabaho, napakahirap talaga maging isang nurse. "Bes sorry, something came up, kailangan ko pumunta sa ospital may pinapakisuyi kasi si Doc Shiela. Hay nako, rest day ko nga di ko naman ma enjoy." natatawang sabi niya pagkatapos ay nagpaalam sakin dahil may kailangan daw syang gawin sa ospital. Naiwan na naman ako mag isa sa bahay. Tiningnan ko yung hinanda kong pagkain, akala ko naman magkakasabay na kami kumain ngayon andami ko pa naman nilutong ulam. Napabuntong hininga nalang ako. Tahimik na naman ang bahay ko ngayon.. Napatingin ako sa cellphone ko sa ibabaw ng lamesa nang bigla itong umilaw. "Good evening, Lucia. I'm outside your house." Doc H... Napakapit ako sa dibdib ko nang bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Kailangan ko na sigurong magpatingin pakiramdam ko ay hindi na ito normal. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas. "Good evening. Sorry, naistorbo ba kita?" Nahihiyang sabi niya. Umiling iling ako. "Hindi naman Doc, ayos lang, tuloy ka.." sabi ko. Nakangiti syang tumango bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. ________ YVO's POV "Doc H, di ka pa ba uuwi?" "Pauwi na din, nag aayos nalang ng mga papers ng out patients." sabi ko at muling tumingin sa orasan. It's 7pm already. Damn! Nakalimutan ko, sinabihan ko pala si Lucia na pupuntahan ko siya to check her foot. Mabilis akong lumabas ng ospital at pumunta sa sasakyan pagkatapos ay nagmaneho paalis. After accidentally meeting Lucia yesterday..there's something in me that tells to protect her at all cost. To understand her and take care of her. Napailing nalang ako. What the hell was that? Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa street nila, specifically, sa harap mismo ng bahay nya, sa sobrang bilis ata ng pagpapatakbo ko. Ganon na lang ba talaga ang ang nanais ko na makita sya? to what f*****g reason? "Good evening, Lucia. I'm outside your house." I texted her that I was already outside her house. Bumaba ako ng sasakyan nang makita ko siyang palabas na. "Good evening. Sorry, naistorbo ba kita?" nahihiyang sabi ko. I didn't even get something for her. Sobrang pagod ako sa ospital sa dami ng pasyente kaya nawala na sa isip ko na bumili ng regalo para sa kanya. Umiling siya. "Hindi naman, Doc. Ayos lang, tuloy ka." sabi niya. Nakangiti akong tumango bago pumasok sa loob ng bahay niya. "SO how are you? Masakit pa ba ang paa mo?" tanong ko. Umiling sya at umupo sa may hapagkainan. It seems like nadistorbo ko ang dinner niya? bad timing.. "I'm sorry, naistorbo ko ata ang dinne---" "Ayos naman ako, Doc." putol niya sa sinasabi ko pagkatapos ay tumayo at hinila ang upuan sa harap niya. "Dito ka na rin mag dinner, Doc H, alam ko hindi ka pa kumakain." dagdag niya pa. "Well uh, you're right. I go straight here after my duty in the hospital. Forgot to text you also, sobrang toxic." explain ko. tumango tango lang sya. Lihim akong napangiti nang makalapit ako sa kanya. Nagkaroon pa ako ng time makita ang mukha niya ng malapitan. Her hair is long and wavy, she has also big brown eyes, her lips is kissable and she has a very pointed nose. She's a beauty. indeed. "Doc??" "H-Huh?" "Ayos ka lang ba, Doc?" Tanong niya. She look worried to me. "I am. I'm just a little bit tired but fine. Shall we eat?" tumango siya pagkatapos ay tahimik na kami parehong kumain. Napatingin ako sakanya habang magana siyang kumakain. The first time that I met Lucia accidentally, I already knew that I want to understand her and her story. that i wanted to know everything about her. And looking at her this close makes my heart thumped. I think I already know the reason why I am acting like this.. I can't even deny the fact that.. I fell in love with her at first sight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD