"HOW'S your first camping experience?" tanong ng Don kinaumagahan kay Rehan habang kumakain sila ng almusal. Masaya ang Don na makita ang maaliwalas na mukha ng lahat. Wala ding away at iringan na nagaganap, well atleast for now. "IT WAS great, grandpa! You should join us next time." "Oh, I like that. We'll make a bonfire too," natatawa namang sagot ng Don. "Wow! We haven't think of that, Dad," baling ni Rehan sa kaniyang ama. "Next time, Son." "You'll have time?" tanong ni Rehan. Kilala niya ang kaniyang ama. Napaka-busy nito sa trabaho. "Yes." "Promise?" Natatawang tumango si Kevin. "Promise..." Naging matiwasay ang kanilang agahan. Kevin need to go to work again. Kung puwede nga lang sana na hindi muna siya ulit pumasok sa trabaho para makasama pa ang mag-ina niya. Na

