ALAS-SIETE ng gabi nasa dining na sina Camila, Rehan, Don Antonio at Kevin. Si Kevin pa mismo ang nagluto ng ilang mga potahe para matuwa sa kaniya si Camila. Ilan sa mga pagkaing niluto niya ay paborito ni Camila, na si Rehan mismo ang nagsabi. Ultimo sa paghihiwa at paghahanda ng mga ingridients sa lulutuin ay siya mismo ang gumawa. Nakatingin siya kay Camila at hinihintay ang magiging reaksyon nito. Camila just sit there quietly and eyeing every food that is being served. "Let's eat," anang Mr. Antonio. Ang yaya ni Rehan ang naglagay ng pagkain sa plato ng kaniyang alaga. Ilang minuto na ang lumipas wala pa ding nahihintay na reaskyon si Kevin mula kay Camila. Hindi ito ang inaasahan niya dito. "Kumain ka na, Camila," sabi ni Mr. Antonio. "Si Kevin pa mismo ang nagluto

