Alanganing tumawa si Tito kaya napatingin ako sa gawi nila ni Krisha. "Did you talk to Kevin? You should talk to him first. And by the way why are you here? Kevin is at work," tanong ng matanda. Nakatingin na siya sa akin. "I just came by to see Manang, Dad. Kaso wala pala siya." Si Manang ba talaga ang sadya niya dito? Tumingin sa akin si Tito. "I assume you already met Camilla," sambit niya ulit. "Yeah..." tamad naman nitong sagot at hindi man lang ako nagawang tignan. Sakto namang dumating si Manang. Gulat ito nang makita si Krisha. Nang makita siya ng babae agad siyang nilapitan para bumeso. Alanganing ngumiti si Manang saka tumingin sa akin pero hindi na nagtagal ang tingin ko sa kanila. Gusto kong umakyat sa taas para kunin ang bag ko para umalis na pero wala akong lakas na

