Mabigat ang mga braso at naninigas din ang aking mga hita paggising ko kinaumagahan. Wala naman akong lagnat kaya pinilit ko pa ding bumangon para maghanda na para sa trabaho. "Good morning," bati sa akin ni Kevin na kalalabas lang ng banyo. Tapos na siyang maligo. Nakatapis siya ng twalya at may tumutulo pang tubig sa dulo ng kaniyang katawan. Ang aga-aga pero nagpapatakam na naman. Lumunok ako dahil nanuyo ang aking lalamunan. Imbes na sa walk in closet siya magpunta, nilapitan niya ako. Hinalikan niya ang aking ulo at dinama niya ang aking leeg at noo. Chini-check kung may lagnat ako dahil last time that we had s*x, nilagnat ako. "I'm fine. Kahit um-isa pa tayo ngayon," biro ko sa kaniya. Ngumisi siya at pinisil ang aking pisngi. "Tonight," bulong niya sa aking tenga at baha

