Kumatok ako ng dalawang beses bago ko pinihit ang door knob at itulak ang pintuan ng hospital room na kinaroroonan ni Rehan. "Mommy!" Bakas ang galak sa kaniyang boses nang tawagin niya ako. Ang laki ng ngiti niya sa labi. Halata ang pagkasabik sa kaniyang mukha. Parang kahapon ng umaga magkasama pa naman kami. Akala mo naman ang tagal naming hindi nagkita. Nilapag ko ang bitbit kong paper bag na may lamang pagkain sa mesa. Nagwisik na ako ng alcohol sa aking katawan bago ako pumasok dito sa ospital pero muli akong nag-spray bago ko siya nilapitan at niyakap. "I am waiting for you." Mahina akong tumawa at hinalikan ang kaniyang noo. Hay, anak. Kung puwede lang na magkasama tayo lagi. Kung maari lang sana. "I'm so excited to come here and see you," sabi ko naman. "Are you excited

